Chinito

2.5K 48 6
                                    

"Janus!"

Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan mo.. Nakita kita.. 'Di kalayuan sa kinatatayuan ko.. Hawak mo ang bola na siyang regalo ko sa'yo noong Christmas Party natin.. Hindi mo alam na sa akin galing ang bola.. Hindi ko naman kasi ipinaalam..

"Janus, pwede mo ba akong turuan sa math?" maarteng tanong ni Clara.. Ang isa sa mga kaklase natin na hantaran kung magpakita ng interes sa'yo..

"Oo ba." nakangiting sagot mo.. Iginiya mo siya paupo sa bench na nasa ilalim ng punong mangga..

Doon.. Sa punong mangga.. Sa punong iyon kung saan una kitang nakilala.. Kung saan una kong nasilayan ang mga mata mo na tila laging nakangiti.. Sa punong iyon kung saan una kitang nakitang ngumiti na siyang una ring nagpabilis ng pintig ng puso ko..

**********

"Hi. Pwede bang maki-share?" napatingala ako ng may magsalita sa harapan ko.. Natulala ako ng makita kita.. Nakangiti ka habang nakaharap sa akin.. Singkit na singkit ang mga mata mo.. May dala ka pang isang mineral water at sandwich..

 

 

"Ah.. O..oo." nauutal na sabi ko.. Yumuko akong muli.. Pakiramdam ko, nag-iinit ang mukha ko.. Napahawak ako sa aking dibdib dahil bumilis ang tibok nito..

 

 

"Okay ka lang?" tanong mo sa akin.. Nakaupo ka sa tabi.. Hindi ako tumitingin sa'yo..

 

 

"O..okay lang a..ako." nauutal pa ring sagot ko..

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon