8

4 1 0
                                    


Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako,
Ang isiping ako ang gusto mo,
Ay isang kahibangan.
Nalilito din kasi ako sa pinapakita mo,
Alam ko naman na 'di mo ako gusto,
Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko,
Ang sweet mo naman kasi minsan,
Madalas niyayakap mo ko,
Hinahalikan mo ang ulo ko,
Inaalala mo ko,
Inaalagaan mo ko,
Tapos uulit-ulitin mo ayan tuloy,
mas lalo kitang ginugusto,
mas lalo akong umaasa na gusto mo na din ako.

J.F.SWhere stories live. Discover now