14

4 1 0
                                    


Sa sinabi mong mahal mo ako,
Naisip ko,
Paano kung minahal mo lang ako dahil ako ang nandito,
Paano kung hindi mo naman talaga ako mahal,
Paano kung gusto mo lang talaga ako,
Paulit-ulit na gumulo sa isip ko.
Pero kasunod ng sinabi mong mahal mo ako,
Ay ang salitang liligawan mo ako,
Hindi mo alam kung gaano ako natuwa,
Kinilig,
At ngumiti ng sobra,
Kahit paano nawala ang iniisip ko,
Baka napapraning lang ako,
Baka seryoso talaga ang sinasabi mo,
Baka mahal mo talaga ako.

J.F.SWhere stories live. Discover now