022

303 21 1
                                    

Entry #22

Charisma’s Diary,

 

            Nakakabadtrip talaga ang eskwelahan na pinasukan ko. Apat na taon na akong nagkakasakit sa utak dahil sa lahat ng ‘to. Gusto kong lumipat kaso sayang naman yung taon na inilaan ko dito. Magpapahirap pa ba ako kung lilipat naman ako sa PINAKAHULI kong taon sa abnormal kong eskwelahan. Ang sarap ko namang i-untog sa pader nun. Nagpakatanga pa ako. Hahahaha. Ge.

            Hindi ko na alam kung ano ang isusulat ko sa’yo. Tapusin ko na kaya ‘to? Normal na lang lahat ng naisusulat ko. Gusto ko extraordinary naman. Okay. Hinahanap mo pa rin ang pake mo.

            Baka ipasa ko na ito kay Bobby. Medyo may tiwala pa rin ako kay ngipin (kahit na sinabi nyang pang-blackmail ‘to sa’kin. Tss). Siguro ito na ang panahon para tapusin ko na ang buhay—este—entry ko. Okay lang. Okay. SIGE.

                                                                                                           Hanbin

Hanbin's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon