012

335 20 1
                                    

Entry #12

Charisma’s Diary,

 

            Nagalit yung president nung mga bata. Pa’no ko nalaman? Eh, nung dumaan ako sa harap nila tapos biglang sumigaw yung president nila. Pa’no ko nalaman na sya yung president? Eh, kasi presidente rin ako ng klase namin. Kaya palagi ko syang nakikita kapag nagpapatawag ng meeting ang SSG.

            Ah. Naalala ko nanaman nung nag-rally—este—parada namin nung Nat’l Reader’s Month at nabunot namin ay Harry Potter. Ang resulta, nabasa kami ng ulan. Yung mga teachers? Tss. Ano pa edi nagpayong! Mabuti takot sa’kin ang mga sakit.

            Malapit na pala akong magtapos. Ano bang balak ko sa buhay ko?

                                                                                               Hanbin

Hanbin's DiaryWhere stories live. Discover now