Chapter 11

98K 1K 46
                                    


Krisha's POV

Mag-isa tuloy akong umuwi. Ang nakakainis pagdating ko sa bahay nandoon na si Jeremy at nakaupo sa sala na parang wala lang.

Hindi ko nalang siya pinansin baka mabwesit lang ako. Dire-diretso lang akong papunta sa kwarto ko.

Hindi manlang nagtext.

"Yeah. I'll be there.." yan na naman siya. Kakaalis lang tapos aalis ulit.

Sabagay nga naman Krisha bakit ba kailangan niya mag-update sa'yo? Mahal ka ba ?

Sa sobrag pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.

"..bakit ?" tanong ko.

"May problema ba ?" tanong naman niya.

Problema? Wala naman.

"Wala naman. Sige na, umalis ka na baka naghihintay na sa'yo 'yun." You're so sound like a bitter wife, Krisha.

Napangiti naman ito saka tumango.

"Oo nga pala, alis muna ako ulit. Bye." Sabi nito saka humalik pa sa noo ko.

ANG MANHID MO JEREMY ! Wag ka na umuwi ! Hindi na kita kailangan ! I hate you !

Nangigil akong napaisip kung saan pupunta si Jeremy. Baka mambabae na naman 'yun.

Kinabukasan may pasok na naman.

Habang naglalakad ako mag-isa hindi talaga mawala-wala ang mga masasakit na salitang na sinasabi nila about me. Bakit ganun ang mga tao, wala namang ginagawang masama sa'yo pero grabe sila makasalita and they have so much time to waste for some hate.

"Kailan ka ba titigil Krisha ? May kapal ka pa pala talaga ng mukha para pumasok at magpakita sa school ? Bakit akala mo magugustuhan ka ni Jeremy ? No Way ! Sa isang poor like you ? Dream on, girl." Bigla naman may huminto na estudyante sa harap ko para lang sabihin ito na tila gigil na sa akin.

Inaano ka, girl?

"Huh?" sagot ko para maasar lalo. Ayaw ko siyang patulan kung maari dahil baka may gawin pa sa akin 'to pag napikon ko.

"Ikaw ang kinakausap ko ! Hampaslupa !" gigil na sabi nito sa akin naparang anytime ay mananakit ito.

Naku, wag naman sana.

"Dahil sa ginagawa mo sa kanya ---" magsasalita pa sana ito pero bigla itong napahinto ng akbayan ako ni Justine.

"O-oy !" gulat kong sabi rito saka pilit na tinatanggal ang braso nitong nakaakbay.

Tinignan ako nito na parang nagtatanong kung bakit ko pinapatanggal ang mga kamay niya.

"Hey Justine ! Kilala mo 'tong hampas ---"

"Alam mo tigil tigilan mo ang pagtatawag kay Krisha ng mga kung anu-ano, may pangalan siya 'yun ang itawag mo sa kanya. " sabi nito saka ako hinila paalis.

Paglabas namin agad akong sumimangot sa kanya.

"Bakit naman pinatulan mo pa, mamaya madamay ka pa sa buhay ko." Inis na sabi ko dito.

"Okay ka lang ba ?" bungad nitong tanong at binalewala ang sermon ko sa kanya.

"Sus, iniba pa ang usapan. Naku pag ikaw talaga nadamay sa magulong life ko ngayon wag mo kong sisihin ah !" sabi ko dito.

"Pero salamat ah." Pahabol ko rito.

Ginulo naman nito ang buhok ko at ngumiti.

"Pagtanggol mo rin minsan ang sarili mo at wag kang magpapaapi. Mas magaganda ka sa kanila." Bulong nito sa tainga ko saka umalis.

Uwian na, mag-isa na naman ako naglalakad dahil wala pa rin si Jessa today may sakit ata ang gaga kaya hindi makapasok at wala namang paramdam si Jeremy.

Baka may lakad na naman 'yun at hindi na ako binalitaan. Tho hindi naman talaga siya nag-a-update.

Sino nga ba naman ako?

Malapit na ako sa abangan ng mga jeep nang may maramdaman akong nakasunod sa akin na tao at the same time isang sasakyan na mabagal ang takbo.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan ang nasa speed dial ko pero hindi ko nagawa dahil hinablot na ito ng sumusunod sa akin at akmang sisigaw pa sana ako nang takpan na nito ang ilong ko ng isang nakakahilong amoy. 

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon