Chapter 9

106K 1.2K 41
                                    

Chapter 9

Krisha's POV

Back to school na ulit. Mabuti nalang rin nga ang nabawasan na ang morning sickness ko unlike dati na magigising nalang ako sa morning na nasusuka, mahirap pala talaga maging babae.

As of now, maganda ang naging pagsalubong namin ni Jeremy ng aming Bagong Taon.

We are slowly getting there.

"Tara na, pasok na tayo." Yaya nito sa akin, agad namang kumunot ang noo ko na parang sinasabi ko dito kung nahihibang na siya.

"Ha? Ayaw ko nga !" ako naman ngayon ang tumatanggi kasi naman....

"Halika na nga, sabay na tayo." Ulit pa nito saka hinila pa ang kamay ko pero agad ko namang hinila pabalik.

"Jeremy....ayaw ko nga. Kulit mo !" asar na sabi ko dito na ikinadilim naman ng mukha nito.

"Bakit ayaw mo ? Isasabay na nga kita baka kung sino na naman dumaan dito." Nakangusong sabi nito na pabulong na 'yung dulo na akala mo naman hindi ko narinig.

"Selos ka lang eh." Bulong bulong ko namang sabi dito.

"Hindi muna ako sasabay. Mahirap na baka may makakita pa sa atin ma-issue pa tayo. Masira pa ang ---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan ako nito.

"Hoy !" aba, tignan mo 'tong gago na 'to. Namimihasa akala mo naman hmp.

Isa pa nga.

"Okay lang." sabay sabi nito sa akin pagkatapos akong halikan.

"Loko. Hindi naman sa ganun. Ayaw ko lang muna na makita nila tayo dahil baka mabigla sila na parang nakaarn hindi naman tayo ganun ka-close tapos ngayon magkasama na tayo ---- basta !" sabi ko nalang sa kanya.

Tahimik naman itong nakatingin sa akin na parang sinusuri ako.

"Jeremy, please. Just give me time to adjust muna dahil naninibago pa rin ako. Alam mo naman na matagal na akong may gusto sa'yo pero iba pala pag napapansin mo na rin ako hehe. Nao-overwhelm 'yung puso ko." Sabi ko dito saka siya niyakap. Chansing rin ako eh.

"Okay.." sabi lang nito.

"Thank you." Sabi ko dito saka siya kiniss siya, syempre sinulit ko na.

"Sige na. Bye Jeremy, Ingat ! Love you hehe!" sabi ko rito saka kinuha na rin ang gamit ko.

"Bye rin Mrs Lee." Sabi nito saka humalik sa noo ko na ikinapula ko sa gulat.

Lunch na at mag-isa ako ngayong nagla-lunch since nasa date sina Jessa.

Asar naman 'yung dalawa na 'yun sinolo ang isa't isa. Hello, loner here.

At mas nakaka-asar pa ay kaharap ko Jeremy na kumakain at kasama ang squad ni Ashley. Hmp. Akala mo naman kagaganda.

Magaganda naman talaga pero patapon ang ugali.

Actually si Ashley lang ang nakitabi kay Jeremy since nag-iisa lang siya kanina.

Harot.

Bigla namang tumingin sa akin si Ashley at ngumisi.

"Oh nandito pala ang ating daydreamer." Nang-aasar nitong sabi sa akin na parang iniingit ako dahil katabi nito si Jeremy. Pahawak hawak pa sa braso ni Jeremy at ang hinayupak hinahayaan lang. Hmp talaga.

Syempre hindi rin ako nagpatalo, kailangan minsan lumalaban rin ako.

"At may higad rin pala dito." Nang-uuyam ko naman sagot dito. Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Jeremy. Hmp, pagtanggol mo naman ako.

Nakita ko namang tumayo si Ashley at lumapit sa akin.

"What did you called me ? A Higad ??? That's so ew !" maarteng sabi naman nito.

"Oo, eh higad ka naman talaga. Makakapit at mahawak ka kay Jeremy para kang higad, hindi naman kayo. Assuming." Pabulong kong sabi nung huli saka tumayo at inayos ang gamit ko. Kailangan ko nang umalis dito baka sugurin pa ako ng group niya.

"How dare you !" sigaw nito saka ako tinulak, gulat at kinabahan naman ako nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagbagsak. Napapikit nalang ako sa takot. Umaapaw ang kaba sa dibdib ko habang iniisip ko ang anak ko.

Pero ilang segundo pa ay wala akong maramdaman na sahig. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Jeremy na sinalo ako.

Niligtas ka ni Daddy, baby. Superhero talaga, pakiss nga.

"Stop it Erika !" sigaw ni Jeremy dito.

Eh ? Ashley pangalan nito, bakit Erika?

"I'm not Erika ! I'm Ashley, you arsehole !" sigaw nito saka inis na tumakbo.

Inalalayan naman ako ni Jeremy sa pagtayo ng maayos.

"Sorry." Sabi ko sa kanya.

"No, it's okay. Buti nalang nasalo kita. Are you okay ? Okay lang ba kayo ni baby ? Wala bang masakit ? mahinang sabi nito na bakas ang pag-aalala.

"Ah yes, okay lang ako. Sige na, bye." Nagmamadaling sabi ko rito saka umalis na, nagsisimula na kasing magtinginan ang mga tao.

Saka lang nagsink-in sa akin ang pagtulak ni Ashley paglabas ko ng canteen kaya nang makahanap ako ng mauupuan ay nanghihinang napaupo ako saka napaiyak nalang sa takot.

Napahawak naman ako sa tiyan ko.

Muntik na baby. Hindi na hahayaan ni Mommy may manakit sa atin. 

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon