Chapter 4

124K 1.4K 57
                                    


When I'm with you we could be doing absolutely nothing, because just being with you makes me so happy. –Unknown

May pasok na naman pero wala akong gana pumasok today. Nahihilo kasi ako medyo matindi ata ang morning sickness ko today dahil nasusuka pero pagpumunta naman ako sa sink wala namang ilalabas. Nakikipaglaro ata ang baby ko sa akin at gusto lamang magpahinga today.

Ipaghahain ko nalang ang asawa ko today.

Pinagluto ko siya ng breakfast, bacon, hotdog and egg. Maya't maya pa at nakita ko siyang pumasok sa dining area.

"Good morning, Jeremy. " bati ko sa kanya. Baka madaan sa lambing kaya lambingin ko muna.

"Kain ka na.." still no reponse pero umupo siya. Natuwa naman ako doon dahil kakainin niya ang niluto ko.

"Masarap ba?" tanong ko muli sa kanya pero tulad kanina wala pa rin akong nakuhang sagot.

"Ah ano.. hindi muna ako papasok today, baka dito nalang ako sa bahay magpapahinga." Paalam ko dito pero instead na sumagot siya ay tumayo na siya at iniwan ako.

Napangiti nalang ako, ano pa nga ba aasahan ko sa kanya. Umupo nalang ako sa mesa nagsimulang kumain. Hindi kasi ako sumasabay sa kanya pagkumakain siya, mas mabuti na 'yun kesa hindi niya kainin 'yung luto ko atleast kumakain na siya ng mga hinahanda , baka madaan ko sa pagkain at umamo.

Pwede bang ipagpaliban muna niya ang galit niya sa akin? Magpapasko na ngunit parang ako lang mag-isa ang magce-celebrate. Nakaraang araw lang ay mag-isa akong nagset-up ng Christmas Tree at katulad ng nakagawian niya nilalampsan niya lamang ako. Kahit tapunan ng tingin hindi ko manlang mapansin.

At dahil dito lang ako sa bahay buong araw ay sobrang boring. Bukod sa manuod ng mga movies ay kain lang ang libangan ko. At sa sobrang pagod ko ata ay dinalaw na ako nang antok.

Nakagising nalang ako nang may marinig akong ingay sa kwarto ni Jeremy.

Mga ungol ? Ungol ng isang babae ?

Puta..Ano na naman ito ? Another heartbreak. Pucha.

"Yes...babe....ughh...pleasee.."

Hindi ko nalang pinansin, nasasanay na ata ako. Masakit pero binalewala ko nalang. Sana lamang ay hindi makakuha ng sakit si Jeremy sa mga babae niya.

Nagluto nalang ako ng hapunan. Mga nasa isang oras rin akong nagprepare at mukhang hindi pa rin sila tapos. Kaya napag-isipan kong iwan nalang muna sila.

Iniwanan ko nalang 'yung note ang table sakaling magutom sila.

'Nagluto nga pala ako, kumain nalang kayo. Aalis muna ako. – Krisha'

Sinasaktan ko na naman ang sarili ko, pag-iba kasi sasabay siya kumain unlike sa akin hindi niya pa ako nakasabay kumain para lang akong katulong na bawal sumabay sa amo.

Lalabas nalang muna ako, magpapahangin. Magpapalamig, baka sakaling mabawasan ang sakit.

Mas gusto kasi ni Jeremy na iba ang ksam kaysa sa akin. Para akong katulong na bawal sumabay kumain sa amo.

Sa kakalakad ko nang makasarating ako sa Playground ng subdivision namin. Maraming mga bata na naglalaro kasama ang mga gulang nila at iilan naman ay mga bantay nila. Meron ring iba na nagpi-picnic sa gilid na sa tingin ko ay hindi mararanasan ng aking anak.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon