*UNEXPECTED SURPRISE*

87 21 2
                                    

Seantal's POV

Dahil maganda ang gising ko, agad akong naligo at sinimulan ang aking morning rituals. Medyo kumakanta pa ako habang inaayos ang kwarto. Hanggang sa may maamoy akong masarap. I was about to salivate pero pinigilan ko baka magmukha pa akong asong ulol. But I hurried and went down stairs para alamin ang mabangong nalalanghap ko. Agad ay nakita ko si mama na nagp-prepare ng breakfast. Naghahum pa habang nagt-table setting.

"Goodmorning ma!" bati ko sa kanya saka nagkiss sa cheeks.

"Oh, moning anak halika kumain ka na."

"Sure ma, kanina ko pa nalalanghap ang mabangong luto mo eh. Medyo naglalaway narin po." nakatawa kong sabi kay mama. Natawa naman siya sa sinabi ko. Pansin ko rin ang biglang pagiging masiyahin ni mama. Natawa naman siya sa sinabi ko. Pansin ko rin ang biglang pagiging masiyahin ni mama. Palagi narin itong nag-aayos, mukha na nga kaming magkapatid eh.

"Ma, what made you change?" agad ay naitanong ko, habang kumakain kami. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya

pero agad din iyong napalitan ng ngiti.

"Hmm... You really wanted to know?" tanong niya. I nodded as a response.

"Malalaman mo rin mamaya kaya magmadali ka na at may lalakarin pa tayo." sabi nito. I'm puzzled, asan ang lakad ? And what is it na malalaman ko mamaya? Nagmadali nalang akong kumain para makapag-ayos na. Hindi pa atah ako ready na malaman ang dahilan ng pagbabago ni mama. Kinakabahan ako.

"Magpaganda ka anak, ayokong mapahiya sa taong kikitain natin." sabi pa ni mama habang nakasilip sa kwarto.

"Ma, boyfriend nyo po ba yung kikitain natin?" nagwoworry kong tanong. Pero nag-smile lang si mama saka isinara pabalik ang pinto ng kwarto ko. Ok lang naman kung may ibang mahal na si mama, kaso hindi ko pa kayang tingnan ang taong yun.

Matapos akong makapagbihis at sinuot ang contact lens ay bumaba na ako. Andun na si mama at posturang-postura. Naks! pinaghandaan talaga ni mama ang araw na ito, sana lang magiging maganda ang paghaharap namin ng taong yun. Habang nakasakay kami sa taxi tahimik lang

kami ni mama. Pansin ko ang daang tinatahak namin ay pamilyar, parang napuntahan ko na. Mas lalo pa akong kinabahan ng lumiko ang sinasakyan namin sa resort na iyon. It's the same resort na nakita ko si papa ang "Resort de Amor". Kaya agad akong napapitlag at napalingon kay mama. Natatakot akong magkita si mama at papa dito tapos .. Oh my gulay ang awkward. Parang teleserye naman kung ganun ang mangyayari.

"Ma, dito niyo po kikitain yung boyfriend mo?" kabado kong tanong.

"Ano bang boyfriend pinagsasabi mo ang tanda ko na para magkaboyfriend." mahinahon at naka-smile na saad ni mama.

"Eh pwede po bang sa ibang lugar nalang po ninyo kitain ang kung sino mang taong yun?" taranta kong sabi.

"Naku ikaw talaga, sige na baba ka na at kanina pa yun naghihintay." sabi nito at naunang bumaba sa taxi pagkatapos magbayad sa driver. Parang di ko maikilos ang paa ko para bumaba.

"Anak halika na." habang hinihila ni mama ang braso ko. Nagpati-anud narin ako kahit parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang kaba.

"Ma, dito nalang kaya kayo maghintay at sasabihin ko nalang sa ka-eyeball niyo na lilipat nalang kayo ng ibang lugar?" sabi ko kay mama habang pilit siyang pinapahinto sa paglalakad.

"Anak naman, ano bang problema mo? Nandito na tayo oh! Tapos ang ganda pa ng lugar." sagot nito na hindi nagpapigil at pumasok na sa resort. Naku sana lang walang mangyayaring di maganda at sanay di namin makita si papa dito.

MY HANKY MANDonde viven las historias. Descúbrelo ahora