FLashback

288 63 28
                                    

(FLashback)

"Iiyak na yan, iiyak na yan!"

"Seantal! Shantol! Santol! HAha!"

"Mas maasim pa ang mukha kesa santol !"

Ang daming nakatingin sa'kin at tumatawa. Yung iba parang na-aawa.

Grade 5 palang ako binubully na nila ako, simula nung nakita nila kung gano ako kalakas umiyak ng iniwan ako ni mama sa bagong skul.

Transferee ako pero ganito agad ang na-experience ko sa taon na ito. I'm not used to be left specially ni mama. Pero ngayon madalas na akong naiiwang mag-isa at dahil yun kay papa.

Dahil din kay Papa kaya ako nagsa-suffer ng ganito sa Public School na ito.

I was once enrolled in a Private School, I am cared and sanay sa special treatment kaya ng bumagsak yung negosyo ni papa ay napalipat ako dito.

Umiiyak ako habang yung mga nka-klase ko parang choir dahil sa pandinig ko sabay-sabay silang tumatawa.

Ganito nalang lagi ang sitwasyon ko tuwing umaga, paghindi pa nagsisimula yung klase at pag-uwi ko tuwing hapon. Hindi na nga ako  nakikipag-kaibigan. I'm a certified loner!

Pero isang araw habang pinag-papasahan nila yung bag ko na pilit ko namang kinukuha ay merong isang batang lalaki ang dumating. Binato niya yung foot socks sa dalawang lalaki na nagpapasahan ng bag ko.

Napa-ubo pa yung dalawa at binitawan ang bag ko. Kinuha ko naman agad yun at pumagilid habang sisinghot-singhot. Sinisipon na ako sa kaka-iyak.

"Kayo! bakla ba kayo at pumapatol kayo sa kanya?!" sabi nito.

Astig niya! Tapang!

"Sino ka ba? At bakit mo pinag-tatanggol ang iyakin na yan?" galit na sabi nung isang lalaking bata habang pinupunasan ang mukhang na-alikabokan ng footsock.

"Paki nyo ba?! Sa susunod na awayin nyo pa siya isusumbong ko kayo kay auntie principal!"

"Auntie mo yung principal?" tila gulat na tanong nung batang lalaki.

"OO! Hindi nyo ba alam?" confident naman na sabi nito.

"King tayo na mayayari pa tayo neto!" sabi nung isa na tila natakot sa nalaman.

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now