*Who's Jealous ?*

223 64 32
                                    

Tovy's POV

Tumatakbo ako ngayon papunta sa classroom nila Sean-sean maaga pa naman kasi. Gusto ko lang makakwentuhan ang bestfriend ko. Yes ! I really see her as my besfriend.

Pero nung nasa may pinto na ako ng classroom napahinto ako. Nakita ko si Rielle at Sean-sean ang sweet nila. May ginagawa si Rielle sa buhok ni Sean-sean parang ina-ayos niya iyon. Pagkatapos niyang ayusin yung buhok ni Sean-sean ay bumalik siya sa harap nito at nagtitigan.

What the ! Feeling ba nila gumagawa sila ng music video ?? Ano sila JAMICH ?

tsss.. the view irritates me ! Maka-alis na nga !

Habang naglalakad ako palayo ay nagre-rewind sa isip ko yung nakita ko kanina. Bakit ako galit ?

Hindi ako masaya para kay Sean-sean. At yung ina-alayan niya nung,poem si Rielle??

Bakit ayaw tanggapin ng isip ko ang conclusion na iyon ?

There's this unfamiliar feeling inside me at parang ... I don't like the feeling!

Sean-sean or mas kilala bilang Seantal May Ryuchumi, she's fifteen. Unlike any girls iba ang bestfriend kong iyon. She's sensitive, iyakin, meron din daw siyang emotional disorder dahil ang dali ma-iyak. Pero ganun pa man nagustuhan ko siya bilang kaibigan caring kasi siya matalino, mabait at maganda.

Ayaw niyang maniwalang maganda siya pero its true. Her beauty is exceptional madalas ko yung napupuna through her effortless actions.

Aish ! Wag na nga natin pag-usapan yun, nag-eenjoy na siyang kasama yung crush niya.

"Tovy!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at agad nakita si Chloe.

Nag-smile agad ako sa kanya at huminto sa paglalakad upang hintayin siya.

"I'm looking for you kanina pa, saan ka ba nagpunta?" sabi nito na agad umabrisete sa braso ko.

"Nagpunta ako sa classroom nila Sean-sean."

Bumitaw siya sa braso ko pagkasabi ko nun.

"Why?"

"Ang aga-aga siya agad pupuntahan mo?" si Chloe na nagpout pa.

Ang cute talaga neto kaya labs ko yan eh.

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now