Chapter 16

750 17 10
                                    

Nagising si Slater na ang sakit sakit ng ulo nya halos hindi nya maidilat ang mata at nasisilaw sya sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kinaroroonang kwarto, wala syang maalala ng nakaraang gabi maliban sa nagpakalango sya sa alak. Yet he has this blurred vision of making love with someone yet... malabo talaga iyon sa kanyang balintataw. Ni hindi man lang nya nakilala ang babae sa panaginip. Panaginip na parang totoo, it was a vivid scene parang naririnig pa nya ang ungol at bawat pag sambit ng malamyos nitong boses sa pangalan nya.

Napangiti sya the girl in her dream was a "V" how he wished it was real. Sapo sapo ang masakit na ulo dala ng hangover na bumangon sya, saka lamang nya napansin na wala pala syang saplot na kahit na ano. Maski briefs wala, hindi kaya't totoo nga ang panaginip na iyon?.. ipinilig nya ang ulo. Hinimas himas ang batok habang papa-upo sa gilid ng kama. Pagmulat nya saka lamang nya napansin ang damit na maayos na naka hang. Samo't saring pala isipan ang nabuo sa utak nya, una ay kung nasaan sya, pangalawa kung sino ang naghatid sa kanya roon..  at bakit wala na syang saplot? Nilinga nya ang kama wala syang katabi ngunit may napansin syang mantsa sa puting sapin ng kama. Sinipat nya iyon.. it was blood.

" Oh my Goodness! It wasn't just a dream. Something really happened last night!" hindi nya maalala kung sino ang nakaniig kagabi. 

Naihilamos nya ang palad sa mukha in his grimace. Wala syang maalala pilit man nyang sinuhin ang babae ngunit wala talaga syang maalala malabo ang mukha nito ni hindi nga nya alam kung anong detalye ng mga nangyari sa kanila ng estranghera kagabi. Ibinalabal ang kumot sa hubad na katawan at binista ang loob ng kwarto nagbabakasakaling may naiwan man lang na kahit na ano ang babaeng nagdala sa kanya roon. Ngunit napagod lang sya dahil wala syang nakita.

" The girl was a virgin... I must find her." aniyang pagkausap sa sarili. Hindi alam ang gagawin. Hindi naman sya ganoon kasamang tao na basta na lamang abandunahin ang pagkakamaling nagawa. He was drunk, hindi nya alam ang ginagawa. Madami na syang nakasiping na babae, pero hindi nya alam kung bakit may bumubulong sa pagkatao nya na special ang di nakilalang babae kagabi. Tinungo nya ang banyo at naligo, dali dali syang nagbihis, dumeretso sa bar nang Hotel upang itanong sa bartender kagabi kung sino ang naghatid sa kanya sa kwartong pinanggalingan. Ngunit ayon sa nakausap nya day off ng bartender na naka duty ng nagdaang gabi ngayong araw na ito.

" Kung mamalasin ka nga naman!" aniya sa sarili.

May isa pa syang option ang receptionist ng hotel. Kung sino ang nag check in sa kanya roon. Dali dali nyang tinungo ang reception ng hotel at nagtanong, ngunit sa pagka dismaya ay nakapangalan sa kanya ang kwarto. Wala na syang ibang maisip na paraan. Babalik na lamang siguro sya roon upang tanungin ang bartender sa ibang araw, sa ngayon ay may isa pa syang poblemang dapat harapin si Tin. Ang ginawa nya rito kagabi, ang marahas na paghalik nya sa dalaga at ang pag babanta nitong mag re-resign ng araw na iyon. Nag mamadaling tinungo ang kotse at sumakay roon. 

     /~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~/

Samantalang si Tin ay halos di nakatulog magdamag. Ngunit tulad ng sinabi kagabi dadalhin na nya ang resignation letter ng araw na iyon sa opisina na pinagtra-trabahuhan nya. Inayos nya ang sarili, ngunit hindi na tulad nang dati na manang, nakasuot ng malaking salamin, baduy kung manamit. Ngayong araw wala na ang dating Tin na iyon, bagong Tin ang haharap sa mg tao sa opisina ngayon. No more naive, timid and shy Tin. 

Binigyan nya ng huling tingin ang sariling repleksyon sa salamin. Ngayon Slater humanda ka sakin, you changed me. Papairalin nya ang galit nya rito ngayon. Kakalimutan at isasantabi na muna nya ang pagmamahal rito. 

" Sometimes all it takes is to love in order to become who you really are."

Yan ang mga katagang isinulat nya sa kanyang diary kagabi matapos ang pagsuko niya sa pagkababae nya kay Slater. Stupid she was, yeah. But no regrets. Kasama nang pagkawala ng mahalagang bagay na iyon ay ang kanyang pagbabago. Ayaw na nyang mamuhay na hinahamak sya ng mga taong nasa paligid nya... lalo na ng taong mahal nya. Naghanda na sya sa pagpasok. She's wearing a black haltered blouse na pinaresan naman ng gray wide-leg trouser. Itinaas nya ang buhok nya at nag suot ng big earrings, bahagyang kinapalan ang make up. Nang ma satisfied sa nakitang ayos sa sarili ay agad syang tumalikod at kinuha ang mga gamit at nagtungo na sa garahe. 

" Remind yourself to buy a new car Tin.." aniya sa sarili habang napapabuntong hininga sa lumang sasakyan na gagamitin sa pag pasok sana lang di sya itirik niyon. Kung bakit ba naman napaka senti nyang tao at pinagtiya tiyagaan pa niya ang lumang kotse na regalo nya sa sarili. Kung tutuusin she can reallt afford to buy a new car since heredera naman talaga sya, pero mas gusto nya kasing bumili ng sasakyan galing sa perang pinag trabahuhan at hindi galing sa pera ng magulang. Pero siguro ngayon bilang bago na ang trabaho nya at di na hamak na PA na lamang ni Slater, she is now the new VP of marketing department ng Young Tower na pag aari ng ama ng huli. Binigyan nya ng closure ang pag tanggap sa naturang pwesto nang isang gabi through phone call tinawagan kasi sya ng Presidente kung tatanggapin nya ba ng tuluyan ang offer nito. At ngayon nga isasagawa ang announcement na iyon kasabay ng pag re-resign nya bilang PA/secretary ni Slater. Tinuturing nyang blessing iyon, it was a sweet revenge indeed. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaction ng dating boss. At pinaghahandaan nya iyon. 

Maiksi lang nuh?... eh binibitin ko talaga kayo... 

ito itsura ng bagong Tin... Slater nga nga ka ngayon... --------->

ABANGAN ang susunod na ganap sa pagitan ng dalawa... this chapter is both their POV to what happened after that night...

SECRETLY INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon