Chapter 15

905 14 15
                                    

Patuloy pa rin sa pag iyak si Tin ng makarating sa bahay nya. Kaagad syang nagkulong sa kwarto at doon ibinuhos ang inis at galit nya kay Slater. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit nya rito. She was humiliated, hindi naman kasi niya inaasahan na ganoon ang magiging first kiss nya. Lalo na at si Slater pa iyon. Dapat ay nagdidiwang ang puso nya dahil natupad na sa wakas ang matagal na nyang pinapantasya ang mahalikan nito. Pero bakit taliwas sa kasiyahan ang nararamdaman nya. Dahil hindi sya nito nakilala habang hinahalikan sya, dahil tinawag sya nitong baduy at di sya nito magugustuhan kahit kailan. Ang raming rason para magalit sya dito. Kinuha nya ang diary pati na ng panulat.

Dear diary....

I just had my first kiss... with the man I love. I should be happy right? but I don't feel the same.. 

I hate him instead! My idea of a happy ending with him will never happen, I guess.

Kung bakit naman kasi sya pa ang pinangarap kong lalaki.

 He won't like me.. never.  

From now on... ititigil ko na ang kahibangan ko. 

I will let go of the feelings I had for him... its time for me to move on. 

I might as well change for the better. . . not just physically. 

A new Tin . . .

Tila napagod sya sa kakaiyak kaya hindi nya namalayan na nakatulog pala sya. Hindi na sya nakapag bihis, sira na ang make up na nasa mukha nya. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mata dahil na rin sa mascara nyang suot na nagpapas na sa kakaiyak nya. Sinilip nya ang orasan at mag a-alas dos na ng madaling araw. Ngunit imbes na bumalik sa pagtulog ay naghilamos sya at nagpalit ng pajama's. Uminom sya ng gatas at saka muling humiga, biling baliktad sya sa higaan at hindi sya makatulog. Iniisip pa rin nya ang mga nangyari ng nakaraang gabi lang sa party. Iniisip nya rin kung paano nya pakikiharapan si Slater kinabukasan. Kung kaya nya ba talagang iabot dito ng harapan ang resignation letter nya. Nang maalala ang resignation letter ay bumangon sya sa pagkakahiga at kinuha ang laptop. Ngayon na lamang nya gagawin iyon habang di pa sya dinadalaw ng antok. 

Nasa isang bar pa rin si Slater, mag isang umiinom. Marami na syang nainom mula kanina pa pero feeling nya hindi pa sya nalalasing. Umuwi na lahat ng bisita, pati na rin ang Ama at kapatid nya. Sya na lamang ang naiwan sa hotel na pinagdausan ng party na iyon. Ayaw nya pang umuwi, gusto nyang magpakalunoy sa alak. At kalimutan ang lahat ng poblema nya. Ang kanyang girlfriend na una nyang sineryoso na si Maggie ay ipinagpalit sya sa Mr. Steve Zhu na yun, kahit kailan ay hindi pa sya nag alok ng kasal sa mga babae nya kay Maggie pa lang pero ano ang ginawa nito. Ipinagpalit sya sa matanda na yun... masakit!

" Damn you Maggie!! Hindi lang ikaw ang babae sa mundo.. magsama sama kayo. Wala kang ipinagkaiba sa Mama ko." hinagpis nya at ininom ang alak na nasa baso nya. Magsasalin muli sana sya ngunit wala ng lamang ang hawak nyang bote. 

" Waiter... give another bottle. Ganito!!" utos na nya sa lalaking waiter na naroon.

" I'm sorry pero lasing na ho kayo. Mabuti pa ay ihatid ko na kayo sa sasakyan nyo." tanggi nito sa kanya.

" You... give me another bottle or else ipapatanggal kita sa trabaho mo!" lasing na banta nya rito. Napabuntong hininga na lamang ang kawawang waiter, at walang nagawa kundi sundin sya. 

" Sorry Sir, ito na po." abot nito sa kanya ng bote ng alak.

" Good... bibigyan kita ng tip." lasing na pangako nya rito. Hanggang sa halos maubos muli nya ang bote ng alak.. at inabutan na sya ng antok. Sa counter ng bar na sya nakatulog. At hindi na nya alam ang sunod na nangyari.

SECRETLY INLOVEWhere stories live. Discover now