Chapter 3

1.8K 15 9
                                    

Umabot ng mahigit isang oras ang meeting na iyon, naging successful naman at na impress ang board sa presentation nito, habang ang Ama nito ay tahimik lamang ngunit sumang ayon naman sa karamihan. Lumabas na ang ilan sa mga myembro ng board, samantalang naroon lamang sya sa gilid at nagmasid masid habang nagpapaalam ang mga ito sa isa't isa, maya maya lamang ay sila na lamang ang naiwan at niligpit na nya ang mga ginamit na paraphernalias sa presentation nito. 

" How was my presentation Ms. Conwi?." pagtawag nito gamit ang kanyang surname.

" Hmm.. Impressive." matipid lamang na sabi nya at nginitian ito.

" Thank You. Nang dahil diyan I would like to treat you to lunch, nagutom ako dun." anito sabay himas sa tiyan, madalas siya nitong yayain mananghalian ngunit madalas din syang tumanggi iniiwasan lamang nya na magkaron ng issue sa kanilang dalawa.

" Meron kang lucnheon meeting with a Japanese clients sa Greenbelt 5 remember?.." aniyang paalala rito.

" Ah oo nga pala, I'm sorry treat na lang kita next time." anito. 

" Yeah, so you better get going at baka mainip ang mga Hapon na yun, past 12 na at baka traffic sa Edsa at this hour." sabi pa niya.

" Okay ka lang? Why don't you come with me, wala ka naman gagawin di ba?." pagpupumilit pa nito.

" No thank you, hindi naman ako kelangan doon di ba? I might go to Shang bibilhin ko na yung pinapabili mo for Ms. Kim." aniyang pagpapalusot uli. 

" O sya sige na, your taking your work seriously. Mamaya nyan ako pa maging rason kung bakit di ka makapag boyfriend. Loosen up a bit Miss P.A. Don't pressure yourself too much." paalala naman nito at nagpaalam. Sinundan na lamang nya ito ng tingin habang papalabas ng kwarto, di na sya nag comment sa huling sinabi nito.

" Nakuha pang mang asar ng mokong na to, eh talagang di ako magkaka boyfriend kung di lang din IKAW!!." bubulong bulong na sabi nya sa sarili. "As if naman may pag asa ka sa boss mo." kontra naman ng isang boses. Napapailing na lamang sya habang tinapos na ang mga ginagawa, tiningnan nya ang orasan at pwede na sya mag break sa Shang na lang din sya magtatanghalian. Ilang saglit pa ay gumayak na sya.

Nasa Shangri La na sya at naglibot libot sa mga jewelry shop doon. Wala syang idea kung ano ang hilig ng Ms. Kim na yun kaya, sa Tiffany & Co. na lamang sya nakapag pasyang bumili. Isang Woven Heart Chain Bangle ang napili nya para kay Ms. Kim may kamahalan iyon pero para sa amo nya ay barya lamang ito dito. Pagkatapos bumili ay nagtungo na sya sa isang resto roon upang kumain. Habang patungo sa resto ay napadaan sya sa isang boutique ng mga damit, may nagustuhan syang dress doon. Pero napaisip sya hindi naman kasi sya nagsusuot ng mga ganun, isa iyong halter dress na naka suot sa maniquen. Simple lamang kasi sya manamit, at hindi sya nagsusuot nang maiikling damit kaya kung tawagin na lamang sya ni Slater ay "manang" palibhasa napakalayo nya sa tipo ng babae nito na kulang na lamang ay maghubad sa harap nito. Napapailing na lamang sya at tumuloy na lang sa restaurant kung saan sya kakain. Habang naglalakad ay tumunog ang kanyang telepeno, sisilipin na sana nya kung sino ang tuamtawag ng makabangga sya ng lalaki. Hindi nya nakita ag lalaking kasalubong at bigla na lamang sya nabangga rito, malakas ang pagkakatama ng braso nya at di nya napigilang mapa aray, malaking bulto ang lalaking nakabangga nya.

" Sorry Miss, are you hurt?" tanong ng di kilalang lalaki, tiningnan nya ito. Malaki nga itong lalaki at gwapo. Hindi lamang basta gwapo kundi gwapong gwapo talaga mukhang English- Filipino ito.

" Obvious ba?.." pag susungit nya rito ang sakit talaga ng braso nya at mukhang na dislocate iyon.

" I'm so sorry Miss. Hindi ka naman kasi tumitingin sa daan kaya nagkabangga tayo, and I was in ahurry." pagpapaliwanag nito, napaka malumanay naman ng boses nito kaya di nya muli itong sinungitan ng magsalita uli sya.

" Sorry, may tumawag kasi and hindi rin ako nakatingin." aniya na tila napahiya sa pagsusungit nya rito kanina.

" By the way I'm James. James Placer Y.Husband" pagpapakilala nito at inilahad nito ang isang palad upang makipag kamay sa kanya.

" Ahm. Tin. Christine Conwi." aniya rito at tinanggap ang palad nito.

" Beautiful name, as beautiful as you." anito at tila napako na ang tingin nito sa kanya. Nginitian na lamang nya ito. 

" Thank you." ang tanging nasabi na lamang nya rito.

" Anyway as much as I wan't to know more of you, nagmamadali talaga ako. Ahm could I get your number?." tanong naman nito na ikinabigla nya. 

" Ahh.." aniya na nag aalinlangan pa.

" Please, Tin?.." anito mukha naman itong sincere kaya binigay nya ang kanyang calling card dito. " Thank you.. I'll catch with you again soon." hinalikan nito ang kanyang mga kamay at umalis na ito na mukha talagang nagmamadali. Nagulat sya sa ginawi nito, hinabol nya pa ito ng tingin. Lumingon pa ito sa kanya at nag wave at saka nagmamadaling umalis.

" Ang bilis naman nun." aniya na tila nagugulat pa sa nangyayari. Tiningnan nya ang sarili. " Siya maganda?.. bulag ata ang James na yun eh." di makapaniwala sa tinuran nung lalaki.

Umalis na sya sa kinatatayuan kung saan nya nakabangga ang lalaki, nakaligtaan na nya ang tungkol sa tawag at di na nya napagsino kung kaninong tawag nagmula iyon. Nagmamadali syang nag order ng makarating sa resto at kumain. Tapos na ang oras ng kanyang break at baka nakabalik na ang kanyang boss sa opisina.

SECRETLY INLOVEWhere stories live. Discover now