55

38 9 0
                                    

"Alexa, hija?"

Napalingon ako sa may pintuan at doon ay bumungad sa akin si Manang Fe na nakasilip sa may pintuan.

"Po? Bakit po?" Tanong ko at saka siya tuluyang pinagbuksan.

"May naghahanap kasi sayo kanina, sabi ko tatawagin lang kita pero sabi niya 'wag na daw at iabot na lang daw sa'yo 'to. Inabot ko siya at matapos nun ay agad na siyang umalis." Paliwanag ni Manage Fe at saka iniabot sa akin ang isang paper bag na may tatak ng Jollibee?

"Jollibee?" Hindi ko maiwasang matawa. Nagkibit-balikat lamang si Manang at saka nagpaalam na aalis na. Tumango lang ako saka isinarado ang pinto at naupo sa aking kama dala ang paper bag.

Binuksan ko iyon at kinuha ang laman doon. Isang burger, fries at chicken w/rice ang laman nun. May papel akong nakita kaya agad ko iyong kinuha at binasa.

Hi baby—este Alexa pala hehez.

So, una sa lahat at hindi sa huli, hulaan mo muna kung sino ang gwapong bumili sa'yo nito? Nahulaan mo na ba? Kung oo, bilang prize, iyong-iyo na 'ko—de joke lang po.

Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya 'yan na lang ang inorder ko. Sana kainin mo 'yan kasi nag-effort pa 'kong pumunta ng Jollibee habang nakapajama para mabilhan ka lang ng dinner mo :<

So, 'yun lang. Sorry ang haba, mukha na ata 'tong love letter eh, yie. Nga pala, wala akong soft drink na binili kasi sinadya ko 'yon, magtubig ka na lang. Gabi na at para iwas sakit, 'wag ka ng magsoft drink. Naiintindihan mo ba? Hehe, 'yon lang.

- Paolo na gwapo at mahal na mahal ka.
Ps: Bilang friend kasi, 'wag assuming ;)

Matapos basahin ang letter niya ay hindi ko maiwasang mapangiti pero agad ding napailing-iling at pinagmasdan ang pagkain na galing sa kaniya.

Tinotoo niya nga ang sinabi niya...

Napabuntong hininga na lamang ako at saka binuksan ang burger at kumagat doon. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kawalan at mag-isip ng kung ano-ano.

Paolo Angeles, bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now