Paolo Angeles
Paolo Angeles went online.
Paolo: Hi ;)
Paolo: I'm glad you didn't block me.
Alexa Guivarra went online.
Alexa: Paano mo nalaman na nasa simbahan ako kanina?
Alexa: Sinusundan mo ba 'ko? bakit mo 'ko sinusundan?!
Alexa: Sa dinami-dami ng simbahan, bakit doon pa!? Sinadya mo ba talaga 'yon para makita ako?
Alexa: Cheez, para kang stalker alam mo 'yon?
Alexa: Sabi ko tigilan mo na 'ko di'ba?
Alexa: Bakit ka pa nagpakita sa personal? At bakit mo 'ko kailangan hawakan? Bakit din kailangan mo pang maki-join sa aming magt-tropa?
Alexa: Boi wala kang prens?
Alexa: Wawa naman dis boi, ulol.
Paolo: Wow.
Paolo: Nakakadalawang chat pa lang ako pero sayo..
Paolo: Yiee, na-miss mo talaga ako 'no?
Paolo: Sorry pero prens lang tayo.
Alexa: ULOL!
Paolo: Ang sweet naman :')
Alexa: Tangina mo, alam mo 'yon?
Paolo: Matagal na.
Alexa: Grrrrrr!
Paolo: Isa pa, 'wag ka ngang feeler na sinusundan kita.
Paolo: Taga doon din ako at hindi lang naman ikaw ang pwedeng magsimba doon.
Paolo: Hindi naman sayo 'yung simbahan eh.
Alexa: Ano?
Alexa: Ibig sabihin taga dito ka lang din?
Alexa: Malapit ka ba sa amin o ano?
Paolo: Uhm...
Paolo: Secret ;)
Alexa: Amp.
Paolo: Ex mo 'ko tas 'di mo alam kung saan ako nakatira?
Alexa: Eh malay ko ba, wala naman akong pakialam kung saang lugar ka pa nakatira.
Alexa: Pero bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede mong tirahan, bakit sa lugar pa kung saan ako nakatira!?
Alexa: What a life!
Alexa: Bukas, ayokong makikita pagmumukha mo sa simbahan. Maliwanag?
Paolo: Ayoko nga, sino ka ba? 'Di naman kita nanay para sundin ko.
Paolo: 'Di rin naman kita girlfriend.
Paolo: Pero kung gusto mo, pwede namang maging tayo ulit ;)
Alexa: Che! Balikan mo sarili mo!
Paolo: Hay, ang sweet mo talaga.
Paolo: Nga pala, anong winish mo?
Alexa: Wish ko? 'Yon ay ang mawala ka na sa buhay ko. Tigilan mo na 'ko.
Paolo: Nakaka-touch naman.
Paolo: Ako kasi ang wish ko ay sana matupad ang wish mo.
Alexa: Tinatanong ko?
Paolo: :')
Alexa: Teka nga, bakit pala kita kinakausap?
Alexa: Hmp, diyan ka na nga!
Alexa Guivarra went offline.
Paolo: Bye!
Paolo: Magkikita pa tayo bukas ;)
YOU ARE READING
Malaya Ka Na [TMAU Series #1]
Teen FictionCOMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na siya muli pang magmamahal at magse-seryoso ng lalaki. Ngunit anong mangyayari k...