TROPANG MATITIGAS ANG ULO
Jencherifer went online.
Jencherifer: GOOD MORNING!
AlexaMagandaUgh2x went online.
AlexaMagandaUgh2x: Nasaan kayo kagabi!?!
AlexaMagandaUgh2x: Sabi niyo babalikan niyo 'ko pero natapos na lahat lahat ang misa wala pa rin kayo!
AlexaMagandaUgh2x: MGA TALKSHIT! HMP 😤
Jencherifer: Hala sorry, lex.
Jencherifer: Hindi na 'ko nakabalik pa kasi ang sakit talaga ng puson ko. Hindi na 'ko nakapagsimba pa kagabi :'(
Jencherifer: Pero bumalik naman sila Martina at Cynthia ah?
Jencherifer: Hindi ba kayo magkasama kagabi?
AlexaMagandaUgh2x: Mukha ba kaming magkasama kagabi? Nandoon lang ako magdamag, mag-isa at naghihintay sa inyo pero hindi kayo dumating 👉😤👈
Jencherifer: Pero bumalik sila Martina, hindi ba kayo nagkita doon?
Jencherifer: Pero imposible eh. Tinawagan ko si Martina at sabi niya nahanap ka na daw nila so..
Jencherifer: Paanong hindi kayo magkasamang tatlo kagabi?
AlexaMagandaUgh2x: Bumalik silang dalawa at nakita na nila ako pero hindi man lang nila ako pinuntahan?
AlexaMagandaUgh2x: WTF
AlexaMagandaUgh2x: @CynthiaVilliar @MartinaLopez
AlexaMagandaUgh2x: Anong kagagahan 'to mga sis?
Jencherifer: Uhm, 6 palang. So I'm pretty sure tulog pa si Cynthia pero si Martina?
Jencherifer: Siguro maya-maya rin ay mag-oonline na 'yon.
Martina Lopez went online.
Jencherifer: Oop, speaking of.
Martina: Good morning!
Martina: Hanap niyo 'ko? May nag-mention sa akin, why?
Jencherifer: Lags kayo kay lex, Martina.
Jencherifer: Mag-isa lang si Alexa doon sa simbahan kagabi, hindi niyo man lang sinamahan eh nandoon na nga kayo at nakita na siya.
Martina: Mag-isa? Hindi mag-isa si Alexa kagabi.
Martina: Kasama niya si Paolo, nakita namin aAAAAACK!
Martina: Ang gwapo pala ni Paolo sa personal 'no? Ang laking tao pa, matangkad si koya!
Jencherifer: Ay harot, Martina ha.
Jencherifer: Pero 'di nga? Magkasama sila kagabi sa simbahan?
Martina: Yeah yeah yeah
Jencherifer: Shemay, nangangamoy kambak ah.
AlexaMagandaUgh2x: Ehem
AlexaMagandaUgh2x: Baka nakakalimutan niyong nandito pa 'ko?
Jencherifer: Ay—
Jencherifer: Oh siya bahala na kayo, 'di ako belong sa diyan. Inosente po ako 👉😔👈
Jencherifer went offline.
AlexaMagandaUgh2x: Martina bakit niyo ko inindian kagabi?
AlexaMagandaUgh2x: Nakita niyo na 'ko pero 'di niyo pa 'ko pinuntahan at sinamahan kagabi 😤
AlexaMagandaUgh2x: Okay lang sana kung mag-isa lang talaga ako kagabi
AlexaMagandaUgh2x: Eh kaso hindi eh
AlexaMagandaUgh2x: Kasama ko lang naman buong misa ang Paolo na 'yon! 😡😡😡😡😡
AlexaMagandaUgh2x: Nakakainis Martina! Grrr!!
AlexaMagandaUgh2x: Bakit niyo 'ko pinabayaan kasama ang lalaking 'yon!? Huhuhuhuhuhu
Martina: Eh paano mukhang ayos naman kayong tingnan kagabi eh, so hindi na namin kayo inistorbo.
Martina: But don't worry dahil binantayan ka namin incase na may gawing masama sayo ang lalaking 'yon.
Martina: Pero ayon nga, nakita naming hinatid ka pa niya sa sakayan ng tricycle at hindi lang 'yon dahil hindi pa siya umalis hangga't hindi ka pa nakakalayo!
Martina: Sinigurado niyang okay ka lang talaga at ligtas na makakauwi, omggg!!
Martina: At hindi lang 'yon dahil kitang-kita mismo ng malalaking mata ko ang pagngiti niya nang mawala ka na sa paningin niya!
Martina: tAENA ALEXA! KINIKILIG AKO AAAACCK—!
Martina: Sabihin mo nga? Saglit lang ba talaga kayo naging mag-jowa nung Paolo na 'yon?
AlexaMagandaUgh2x: Oo, bakit?
Martina: JUSKO AAAAAAAAA! SHET PARANG INLOVE SAYO EH! IBA TITIG NG EX MO PAKSHET KA ALEXA! SHEET MAGBALIKAN NA NGA KAYO!
AlexaMagandaUgh2x: In your wild dreams!
AlexaMagandaUgh2x: Diyan ka na nga, che!
AlexaMagandaUgh2x went offline.
Martina: Yie keleg siya HAHAHAHA
Martina: Shemay Alexa x Paolo na ata ako ngayon.
Martina: Paolex# Alexpao# Lexlo# HAHAHAHA
Martina: Mas bet ko Paolex# 😌✊
YOU ARE READING
Malaya Ka Na [TMAU Series #1]
Teen FictionCOMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na siya muli pang magmamahal at magse-seryoso ng lalaki. Ngunit anong mangyayari k...