DESTINY 40 - THE QUEEN OF CHASERS

329 25 19
                                    

A/N:

Hi to @DannyPangadlo. Thank you again for pointing out my mistake sa chapter 39. Appreciate it much.

You can do this po pag may nakakalito. I take constructive criticisms naman para mas ma-improve ko ang story. Pwede niyo comment or dm niyo po ako.

Happy reading everyone!



CHASE POV

Sinara ko na ang librong binabasa. Wala rin namang pumapasok sa utak ko. Pinikit ko muna ang mga mata.

Isang linggo nang nag-umpisa ang klase pero wala siya. Tama nga ata si Ken---hindi pa rin siya babalik.

Nagmulat na lang ako nang maramdamang may tumabi sa akin. Pagkakalaam ko vacant dapat  ang classroom na 'to ng ganitong oras kaya nga dito ako tumambay.

"Are you tired?" Si Bianca ang bumungad sa akin.

"What are you doing here?"

"Well, I saw you went here so sinundan kita but I bought coffee first. You looked tired eh." Inabot niya ang coffee from Starbucks.

"Did you forget that I own a cafe?"

"No," natatawang sagot niya. "Pero hindi naman masamang tumikim ng iba, di ba?"

"Ang sweet..." Napalingon kami sa pinto.

Adriel is there with his friends, Zeke and Kit.

"What will you tikim?" Panggagaya ni Zeke sa pananalita ni Bianca. "Naku, huwag dito, that's bawal." Sabay tawanan sila.

"Huwag niyong igaya si Chase sa inyo na mga bastos!"

"Bastos? Ako?" Turo ni Zeke sa sarili. "Kayo 'tong nag-uusap tungkol sa tikiman eh."

"Bastos!" Itinapon ni Bianca ang kape sa kanila.

Tumama iyon sa dibdib ni Zeke, natalsikan naman sina Adriel at Kit.

Umapoy ang mga mata ni Zeke. Humarang ako nang akmang susugod si Zeke. Sina Kit at Adriel naman ay pinunasan lang ang sarili. But Adriel smirked at me.

He seems to be enjoying what's happening. Hindi ko talaga maintindihan ang grupong 'to.

Hindi na nga namin pinapatulan pero sila 'tong laging nag-uumpisa. Parang gumagawa talaga sila ng paraan para magsalpukan kami.

Too bad hindi kami gano'n kababaw. Huwag lang talaga madamay ang ibang tao, hindi kami makikigulo.

"Ang sweet naman ni Chase. Knight in shining armor sa girlfriend niya." Pang-aasar ni Zeke.

Bianca held my hand. I removed it instantly.

"Ooppss... my bad. Hindi pala girlfriend." Mapang-insultong tawa niya.

Naningkit ang mga mata ni Bianca and before I know it, she already locked her hands on mine sabay pakita sa kanila.

"There! Is this enough?"

Then there was a knock from the back door.

Tulad sa Bentley Academy, dalawa rin ang pintuan dito sa university, isa sa harap, which is nasa baba at isa sa likod, nasa taas naman ito. Theatre style kasi ang mga classrooms namin and instead of individual desks, long table ang gamit namin.

Maangas na naglakad pababa si Ellie.

Isa ito sa mga napansin ko sa pagbabalik niya, mas tumapang ang aura niya. It is screaming, 'huwag niyo akong banggain kung ayaw niyong tumilapon.' Dati kasi ay tahimik ang dating niya.

My Destiny (Book 2)Where stories live. Discover now