DESTINY 20 - REKX

369 27 8
                                    

A/N: May nabasa akong comment sa Book 1 na sa tingin ko eh masasagot lang dito sa Book 2 especially pag lumabas na character ni Yuri. Malapit-lapit na pala tayo dun. Sana po umabot ka rito ate commenter. Hehehe.

Sorry ginabi ulit ang update ko. Late rin kasi ako lagi nagigising. Yung tipong paggising ko, tanghalian na. Hahaha.

Happy reading!


ELLIE POV

Pucha! I can't believe Rekx is actually here. Hindi na talaga biro ang nangyayari. Noon pa naman pero! At isa pang pero! Hindi ko akalain na darating sa point na si Rekx mismo ang pupunta rito!

Nagtama ang paningin namin ni Captain na nakatayo dalawang hakbang mula sa likod ni Rekx. Nanlumo na lang ako. He's eyes are saying he doesn't know anything too.

Takte! Ano nang mangyayari?

"What are you doing here, Rekx?" Tanong ni Yesha, pilit pinapalakas ang loob pero halata ang kaba sa kanya. At malamang, ramdam din ni Rekx 'yon.

Nilingon nito ang mga kaibigan namin at sa halip na sagutin ang tanong ni Yesh, naglakad siya patungo sa kanila. Agad na humarang si Yesha. "Huwag ang mga kaibigan ko."

"Kahit nasaan tayo, sakop ka ng kapangyarihan ko. Wala kang karapatang utusan ako." At saka niya nilagpasan si Yesha. Kumuyom ang mga kamao niya.

Nanigas ang mga kaibigan nang makalapit si Rekx sa kanila. Pare-parehong hindi alam ang gagawin. Pasimple silang nagtitinginan na tila nagtatanong sa isa't isa pero lahat sila naguguluhan.

"You're Destiny's friends, right?" Nagtinginan lang ulit sila. Walang sumagot. "I mean Yesha. Kilala niyo nga pala siya bilang Yesha." Para pa rin silang tuod na nakatayo doon.

"Des," tawag ni Rekx. "Introduce your friends."

"Rekx, kilala mo nam---"

"Introduce them."

Huminga nang malalim si Yesha. "This is Niko, Hailey, Seb, Dustin, Kenjie, Johan, Daniel, Kian, Nathan, Lu---"

"Lucas Andres Ledesma," tuloy ni Rekx. "The son of Arturo Ledesma, ang taong nagpaimbestiga sa 'yo."  Napaangat ng tingin si Lucas kay Rekx. Nagtataka kung bakit kilala siya. "Na hanggang ngayon comatose pa rin ang imbestigador dahil sa kagagawan ng nakatalaga sa 'yo."

Nagtinginan ang mga kaibigan namin. Hindi makapaniwala sa narinig. Ako man nagulat na sinabi niya iyon. Alam ko naman na alam niya iyon pero bakit kailangan pang sabihin sa harap ng mga kaibigan namin? Wala silang alam kung bakit ko ginawa iyon.

Umigting ang panga ni Yesh. Tumalim ang tingin. Hindi rin niya nagustuhan ang ginawa ni Rekx.

"Why are you here, Rekx? And cut the show. I know you know all of my friends."

"And this man is?" Tingin niya kay Chase, binalewala ang sinabi ni Yesha.

"Chase Ryleigh Alcantara," pakilala ni Chase at nag-bow. Nang makita 'yon ng iba pa, nag-bow na rin sila.

"The green flag who remained untouched. The person protected by Des. It's nice to finally meet you... in flesh." He said seriously, halos threat na nga. Then he smiled. "It's nice to meet all of you. Especially you." Tukoy niya kay Lucas.






LUCAS POV

Naguguluhan akong napatingin sa taong nakatayo sa harap namin at nakangiti. Nakangiti pero tangina nakakatakot pa rin. "Ahhmmm... Nice to meet you too, sir." Pucha! Tama bang sir ang tawag ko? Ni hindi ko nga alam kung sino ba 'to. 'Nong yumukod si Chase, nakigaya lang naman ako. Pero hindi ko talaga alam kung bakit.

My Destiny (Book 2)Where stories live. Discover now