18: No English

2K 47 7
                                    

Cris POV

Nanatili na lang ako sa pagkakatayo ko sa likod ni Lucas. Hindi ako makapaniwalang ipagtatanggol nya ako kay Bea.

"Bakit ba sya ang kinakampihan mo? I'm your girlfriend. You're mine! "

"I'm not your property Bea and I will never be. " natigilan naman si Bea sa sinabi ni Lucas. Ang sakit nun para kay Bea pero tama lang yon sa kanya.

"I wont forget this Lucas." sabay alis na ng dalawa.

Naiwan lang kaming nakatayo doon. Hawak hawak parin nya ang kamay ko. Hindi ko rin alam sasabihin.

Bigla naman syang tumingin sakin at napatingin dinsya sa pisngi ko. Ang luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo ay unti unti ng umaagos na agad ko din namang pinunasan. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Sobrang panliliit na ang nararamdaman ko.

Bigla naman nya akong hinila papasok sa loob ng isang classroom. Wala na akong lakas kaya nagpadala na lang ako. Iniupo nya ako sa isang bangko at iniabot ang panyo nya.

"Iiyak mo lang lahat yan. May bibilhin lang ako. " sabay labas nya ng pinto.

Inilabas ko naman nga lahat ng nararamdaman kong galit at sakit. Para akong isa bata kung humagulgol ngayon. Hindi yung sampal nya ang nagpapasakit sakin kundi yung sinabi nya tungkol sa magulang ko. Hindi ganon ang mga magulang ko. Wala syang karapatan na laiitin ang pamilya ko. Sobrang panghahamak ginawa nila sakin kanina.

Pakiramdam ko ay namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Basang basa na rin ang panyo na bigay ni Lucas. Kahit papaano gumaan ang loob ko. Ang daming luha ba naman pinakawalan ko.

"Tapos ka na ba umiyak? " sabi ni Lucas pagpasok sa room na may dalang dalawang coke in can. Sayang yung binili ko kanina.

"Hindi naman ako umiyak. Nangati lang mata ko sa eyeliner. "sabay kusot ko sa mata ko. Mukha na kasi akong kaawa-awa eh.. Kainis.

"Sabi mo eh. " sabay pwesto nya sa isang upuan sa harap ko at inupuan nya. Magkatapat na kami ngayon.

Nakatingin lang sya ngayon sakin. Ang awkward. Walang nagsasalita samin tapos nakatingin lang sya.

Napahawak na lang ako sa mukha ko baka kasi may kakaiba kaya sya tumitingin.

"A-ah. " Napakislot naman ako ng mahawakan ko ang pisngi ko. Medyo mahapdi dahil sa pagkakasampal ni Bea.

Bigla naman nyang hinawakan din ang pisngi ko. Bakit ganyan sya? Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Unti-unting nagkakalapit ngayon ang mga mukha namin. Hindi ako makakilos. Ramdam kong umiinit na ang buong mukha ko.

Nagtama naman ang mga mata namin habang nasa ganung sitwasyon. Ang awkward!

"O-oh. "sabay lagay nya nga coke in can sa pisngi ko.

"Aray ko naman. Ang lamig eh. " sweet na sana eh kundi lang nya bigla nilagay sa mukha ko yung coke.

"Tanga mo kasi. " nasabi nya ng masama ang tingin sakin.

"Hindi ko naman ginustong masampal noh. Makatanga ka nama-"

"Sa susunod huwag mong hahayaang masaktan ka." Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko dahil sa sinabi ni Lucas. Parang sasabog ang puso ko ngayon. Concern talaga sya sakin??

Ang cute nya. Hindi sya makatingin ngayon sakin ng direcho. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti sa aking mukha.

Napatingin naman sya bigla sakin habang ngingisi ngisi ako kaya sinamaan nya ako ng tingin. Napapout pa sya. Sarap halikan.. Wahaha!

"Salamat. " nakangiting sabi ko naman kay Lucas. Kung alam nya lang kung gaano nya ako napasaya ngayon. Napatitig naman sya sakin sa sinabi ko.

"T-tama na nga yan. Ta-tara na. " biglang tayo ni Lucas sa kinauupuan nya.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon