13: Broken

1.6K 53 18
                                    

Jacob POV

'Yawn'

Panay ang hikab ko ngayon. I'm just so tired. Para akong lumulutang habang naglalakad papunta sa classroom. I almost got no sleep.

Napatingin naman ako sa reflection ko sa salamin ng bintanang nadaanan ko. Buti na lang at gwaping parin ako kahit anong mangyari hehe.

"Morning Papa Jacob. You look tired but your so pogi pa rin." nagsmile naman ako sa babae na nakasalubong ko. Ganyan talaga pag pinanganak kang pogi. Kahit lagyan pako ng mga grasa eh mangingibabaw parin ang pagkamagandang lalaki ko haha. Ano bato. Epekto na lang walang tulog.

"Huy brad musta!" sabay apir sakin ni Sean. "Teka...bakit ganyan itsura mo pre? Mukhang napuyat ka ah."

"Okay lang to brad. Pogi parin naman diba." sabay that's my boy sign ko pa.

"Mukang kulang ka talaga sa tulog hehe.  Ano bang pinagkakaabalahan ng kaibigan ko at napupuyat ng ganyan." tanong ni Sean habang papasok kami ng classroom. Wala pa si Cris.

"Hmmmm. Isang importanteng bagay para sa isang importanteng tao."

"Ganun ba. Swerte naman ng taong yun. Sana ako din. Sana ako na lang isipin nya." biglang lumungkot naman ang mukha ni Sean. Parang ganito din ang aura nya nung nadatnan ko syang nag-iinom sa bar nung nakaraan. Mukang ang lakas ng tama nya sa puso.

Sa totoo lang wala pa talaga ako masyadong tulog. Mga 4am na siguro ako natapos magpromote kay Cris.  Likes ng picture ni Cris sa FB? Umabot lang naman sa 5k. Actually yung 3k lang talaga ang mga friends ko na naglike ng pic ni Cris. Imagine in just 1 night eh nagawa kong mapataas yan.  Ganyan ako kabangis. ^______^

Natatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko naisip na magkakaganito ako sa kanya. Hindi ko namalayan na unti unti nakong nahulog kay Cris. I told myself before na hindi nako magseseryoso muna after what happened to me and Trixie pero nagkamali ako. Hindi ko napigilan eh. Basta ako gagawin ko lahat para sumaya si Cris. Kung kelangan na aawin ko atensyon nya paayo ay Lucas gagawin ko. She deserves a better man. Yung poprotektahan sya.

"Jacoooob! I'm so happy!" muntik nakong matumba sa upuan ko ng bumulaga ang mukha nila Cris, Beki, at Anna. They all looked like zombies...na nakangiti.

"Bakit ganyan mga itsura nyo? Mas malala pa itsura nyo kay Jacob." sabi ni Sean na hindi mapigilang tumawa. Nakakatawa naman kasi talaga itsura nila ngayon.

"Grabe ka naman. Basta happy kami dahil pasok kaming tatlo sa top 20!" ang cute nila. Sabay sabay pa silang naglulundag.

"Pano ba namang hindi kami masasama eh winner ang likes namin sa FB. Kami ang may pinakamaraming likes. Anong say ng iba jan hahaha" sabay flying kiss ni Beki kay Sean."It's all because of you hihi." si Sean naman sinalo yung kiss. Lakas ng trip ng dalawang to.

"Ehem!" biglang sulpot naman ni Mark sa likod ni Anna.

"Dahil din yan sakin. Lakas ng karisma ko eh kaya dami kong friends na nagsupport." dagdag pa ni Mark.

"Basta Jacob thank you ha. Thanks sa vote mo and sa support." sabi naman ni Cris sakin.

"Ah..hehe. Wala naman ako masyadong nagawa."

"Sabi mo eh" sabay evil grin ni Sean sakin. Loko to ah.

Pagtingin ko naman uli kay Cris eh hindi sya mapakali bigla. Lingon ng lingon. I think I know kung sino hanap nya. Si Lucas na naman.

"Are you ok, Cris?" nagulat naman sya sa tanong ko. Napakajumpy nya talaga.

"Ah oo naman hehe. Nga pala Jacob, kapag nakasama ako sa top 5, ililibre kita. Kahit tatlong steaks pa sa tgif."

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon