12: kpop boy

1.6K 48 4
                                    

Cris POV

Ganito ata talaga kapag busy ka, ang bilis ng oras. Parang kulang ang araw na to para samin nila Anna. Kelangan kasi namin ng magandang picture. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kaming tatlo kasama si Jacob sa mall para magpapicture. Sinamahan kami ni Jacob kasi yung kapatid naman nya may-ari nung studio kaya malilibre pa tuloy kami.  Kumpleto na nga dito sa studio, may taga make-up saka taga-ayos ng damit. Parang pictorial talaga.

“Wow Jacob ang ganda naman dito. Feeling namin mga artista na kami.” Sabi ni Beki.

“Oo nga. Thank you ha. Buti ka pa sinusuportahan kami lalo na si Cris di gaya ng isang yun. Ouch!”

“Ano yon Anna may sinasabi ka?!” tapakan ko nga sa paa. Daming alam eh.

“Don’t worry. Lahat naman kayo tulungan ko pero syempre si Cris parin ang priority ko. I’ll be her prince so she’ll definitely will look like a princess.” Parang uminit pisngi ko dun sa sinabi nya ah. Sexy pati ng boses nya hehe.

“Aw. Sweet ha pwede ka na gawing dessert. Ako na muna magpapicture.” At ayun mega posing si Beki sa harap ng camera. May mga effect pa nga ng hangin para Mukhang nagwawaive ang hair. Nakakatuwa talaga para kaming mga celebrity.

Natapos din kaming tatlo sa mga pagpicture namin. After ng mga solo picture namin bigla ako hinila ni Jacob para magpapicture kaming dalawa. Ayun nagpose kami ng kung anu ano. May pa heart heart pa nga.

“Uwa! Yeppeuda! Thanks Jacob. You’re the best!” sabi ni Anna na galak na galak. Ang ganda naman kasi talaga ng resulta ng mga pictures namin. Si Beki ang seductive din ng dating. Binigyan kami ng mga printed copy saka isang CD kung san andun lahat ng pictures namin.

“Thanks Jacob maaasahan ka talaga. Libre ka namin ng dinner. Bawal tumanggi.” Malakas ang loob ko manlibre ngayon may pera pako eh.

“Sure. Hindi ko tatanggihan yan.”

“Ay sorry Cris, Sean. May lakad kami ngayon ni Mark din kasi. Kayo na lang nila Beki.” Araw araw talaga may date?

“Naku hindi din ako pwede sisters. May get together kasi sa house namin ngayon. May importanteng bisita sila mama. Keri lang yan Cris. Date na lang kayo ni Papa Jacob.” Sabay sundot pa nya sa tagiliran ko. Bakit ba hindi ka kasi muna nagtatanong Cris kung pwede sila eh. Kahiya naman kung bawiin kong ilibre ko sya ng dinner after ng ginawa nya para samin. Kaso ang awkward. :’(

“Okay lang. Kaya na namin ni Cris to. Mas maganda nga masolo ko sya.” lalong feeling awkward. “Joke lang hahaha! Sige una na kayo ako na bahala dito.”

“Sige ingat kayo pag-uwi. Bye!” at ayun. Umalis na ang dalawa. Kala ko pa naman makakahati ko si Anna sa panlilibre.

“Ah..san mo gusto kumain?” sabihin mong sa Mcdo please.

“Dun na lang tayo sa TGIF. Let’s go.” HUWAT! Pang isang linggong allowance ko na isang steak dun eh. Huhuhu.

“Ahm..ok kaso malayo ata yun dito.” Pangdedemotivate ko.

“It’s just downstairs. I know where it is. Tara.” Leche.

Dahil sa nakakahiya namang magkuripot ay pumunta na lang kami dun kahit na ang bigat ng mga paa ko. Pagdating namin dun ay kinausap nya yung receptionist at naghintay muna kami saglit sa may entrance. 2nd attempt.

“Naku mukhang walang pwesto pa. Matatagalan pato gutom nako.” Sana naman kumagat na sya.

“Nilinis lang nila ung table natin. Kaibigan ko may-ari neto kaya no way na mawalan tayo ng pwesto.” Aargh. Dead end nato.

My One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon