My Groom, My Bride: Chapter 20

29 1 0
                                    

Halos mapuno na ang trashbin kakatapon ni Julie crumpled papers na naglalaman ng mga iginuhit niyang design para sa new collection na hinihingi sa kanya ng boss sa department niya.
Ni hindi na siya kumain ng tanghalian para lang may maipasa siya sa mataray niyang boss pero wala parin talaga…
hindi niya magawang makapag-isip ng magandang designs at pati ang mga kamay niya na tumutulong sa kanya upang makabuo ng mga iyon ay tila wala rin sa wisyo para gumuhit pa. She was so stressed.
Basta-basta nalang ang tali niya sa buhok niya habang nakapangalumbaba siya sa clean sheet at lapis na nasa harapan niya.

Ma’am Julie, wala pa po ba kayong balak umuwi?”

Napatingala si Julie upang tingnan ang katrabaho niya na nakatayo sa harapan ng kanyang cubicle. “Mamaya nalang siguro Michelle, hindi ko parin kasi tapos ‘to.”

Pero Ma’am, wala na po si Ma’am Vernice kanina pa po siya umalis kaya po kahit matapos niyo yan wala narin pong tatanggap. ” She paused.
Tsaka Ma’am, kanina pa po natunog ang cellphone niyo,
hindi niyo po ba naririnig?”

“Cellphone?”
Biglang natauhan si Julie ng maalala niya ang cellphone na ipinahirap sa kanya ni Elmo bago sila maghiwalay kaninang umaga.
Patay.” Kaagad niyang inabot ang bag na nakapatong sa table niya upang kunin ang cellphone na nasa loob nito. “Ano nga ulit ang pass code nito?”

Ma’am ako po ba ang tinantanong niyo?

Ah-”
Napatigil si Julie sa panghuhula ng pass code ng bigla siyang kausapin ni Michelle. “Hindi Michelle,
nakalimutan ko kasi kung ano ang pass code nito.”

Ang cute niyo naman Ma’am.” She giggled.
Pass code ng phone niyo di niyo alam?”

Hindi kasi sakin ‘to sa asa-”
She paused. “kay Elmo kasi ‘to.”

Ang sweet naman, nagpapalitan po kayo ng phone?
Parang teenagers lang ah.”

Ha?” She laughed.
Hindi-”

Ma’am wag na po kayong mahiya,
okay lang naman po yan.
Mas maganda naman pong tingnan kapag mag-asawa na kayo tapos hindi parin nawawala yung spark at suyuan.”

Pero-”

Sige na Ma’am Julie, umuwi ka na po.
Ako na po ang bahala rito at baka hinahantay ka na ni Sir Elmo sa bahay niyo.” Kinikilig na sambit niya.

Sure ka? Gusto mo sabay na tayo?”

Hindi na Ma’am,
may gimik din kasi kaming magkakabarkada ngayon.

Ah oh sige-”
Kinuha ni Julie ang bag niya at sandaling inimis ang mga kalat sa mesa bago siya tuluyang lumabas ng napakalaking gusaling iyon.

Nang makalabas na siya ay kaagad siyang nag-abang ng taxi-ng masasakyan niya papauwi sa kanila.
Papara na sana siya ng taxi ng may narinig siyang yabag mula sa kanyang likuran.
Kahit malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba ay pinilit niyang lumingon para tingnan kung sino iyon.

my groom my bride By: JulielmolovinWhere stories live. Discover now