Kabanata 21

2.5K 82 5
                                    

Kabanata 21

I can't



Hindi ko alam ang gagawin. Para akong nawala sa sarili ng makita siyang dinadala na ng mga nurse at doctor papunta sa quarantine room. Natuod ako at kulang nalang ay hindi huminga. I feel my feet rooted in the floor. Sumasabay pa sa panginginig ng tuhod ko. Ang aking paghinga ay unti-unti nang bumabagal.

Umiling ako at mabilis na tumakbo para maabutan sila. Hindi nila pwedeng kunin si Ruslan. Sigurado akong hindi nila magagamot ang ama ng anak ko. Sigurado akong mawawala na sa akin si Ruslan kapag hinayaan ko siya sa mga kamay nila. I need to get him.

Nanginginig ang tuhod ng tumakbo ako, kulang pa nga'y matumba ako sa sobrang lambot ng katawan ko. Ang luha ay namumutawi sa aking mga mata. Sumasabay sa pagtakbo ko ang luhang walang tigil. Sa sobrang bilis ng ginawa kong pagtakbo, naabutan ko sila malapit sa quarantine room. Mabilis kong hinawakan ang hospital bed kaya napahinto sila.

Kunot na kunot na tumingin sa akin ang mga nurse at doctor. Umiling ako at tinignan sila ng masama.

"Bitawan niyo ang boyfriend ko!" Matigas kong sabi.

One of the doctor lour. They sighed heavily.

"Dra. Costiño, this patient is positive of TvD-1. We have to incubate him because he is in the severe case." The doctor said.

Mabilis akong umiling at pilit kinuha sa kanila si Ruslan.

"No! A-ako ang gagamot sa kanya. Give him back to me!" Halos sigaw kong sabi.

Mabilis na umiling ang mga doctor. Naramdaman ko ang mga hawak sa balikat ko kaya napabaling ako sa likod ko. Mahigpit na nakahawak sa akin ang dalawang sundalo. Nabitawan ko ang hospital bed at nagpumiglas sa kanila.

"Ano! Let me go!" Galit kong sabi.

They didn't listen. Nawala ang pagkakataon kong makuha si Ruslan dahil mabilis nilang inalis sa harap ko ang hospital bed. Paglingon ko sa harap, wala na siya. Malayo na at hinding hindi ko na maaabot pa. Nagwala ako at nagpumiglas para maabutan pa sila ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng dalawang sundalo.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! Shit----fuck you two! I said let me go!" I said gonewild.

Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Galit na galit sa mga taong nilayo sa akin ang nobyo ko. Nagwala pa ako hanggang sa mapagod ang katawan ko. I tried to slip away but they didn't let me. Pagod na pagod akong napaupo sa sahig habang umiiyak. Hinihingal sa pagwawala at pag-iisip sa lalaking mahal ko.

Dala ng pagod, bigla akong nahimatay. Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nagmamadali akong tumayo ngunit nakita ko si Dr. Severo na nakatingin sa akin ng masinsinan. Napahinga ako at namuo ulit ang luha.

"D-doc, I need to get him." Nanghihina kong sabi.

He heaved a sighed.

"I know. But, he is infected hija. Hindi mo pwedeng makasama ang lalaking iyon dahil maaaring siyang makasama sa anak niyo." He said calmly.

Umiling ako at tumulo ang luha. Lumunok din para mabasa ang lalamunan ko.

"Pero doc, kailangan ko siyang iligtas. I need to do something to save him!" Giit ko.

He shook his head.

"Kami ng bahala sa kanya. All you have to do is to rest."

Umiling ako at nagpumilit na tumayo ngunit hinarangan niya ang tatayuan ko. Namuo ang galit ko sa ginawa niya. What's wrong with him? Gusto ko lang naman iligtas ang lalaking mahal ko ah! Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos siya kapag ako ang gumamot sa kanya!

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon