Kabanata 2

3K 89 3
                                    

Kabanata 2

Cases


Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, bumalik agad ako sa room base ko. Sa hindi malamang dahilan, napahawak ako sa gitna ng dibdib at pinakiramdam ito.

Bakit nakakaramdam ako ng ganitong kabilis na pagtibok ng puso? Parang hinabol ako ng sampung kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Pumikit ako ng mariin at umiling iling sa sarili.

I shouldn't feel this. Masyado pang maaga para makaramdam ng ganito. At may responsibilidad akong dapat gampanan. May responsibilidad na umiikot sa mundo ko at hindi pwedeng maging sagabal ang hangal kong puso.

Damn it, ngayon ko lang naman siya nakita ah! I didn't even see him in person in any different occasions or parties I have attended. In my history, ngayon ko lang siya nakita. Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon.

Sa ganitong sitwasyon pa. Ang nakapagtataka lang, bakit siya nandito sa hospital? Is he one of our volunteer? Is he one of those twenty person who willing to help? At dito siya sa hospital base namin napunta? Fate really unfair huh!

Umupo ako sa puting kama at hinayaan na kumalma ang nag-aalburoto kong puso. Kinalma ko ang sarili at huminga ng napakalalim. Napatingin ako sa maliit na picture frame, napangiti ako habang pinagmamasdan ang pamilya ko.

Miss ko na sila. Isang araw pa ngalang ang nagdaan pero iba na ang epekto nito sa akin. Bagama't sanay ako sa layo namin sa isa't-isa pero iba parin ang sitwasyon ng bansa ngayon. Kung sana pareho parin ang takbo ng mundo, hindi ako makakaramdam ng ganito. My family, they are my life.

At wala akong karapatan na suwayin ang obligasyon ko. They let me sacrificed my life just to be here and help people. I have no right to waste their efforts and trust. Iyon ang dapat kong atupagin dito, at hindi itong abnormal kong puso na naghuhuramentado.

Napatingin ako sa cellphone na tumutunog sa maliit kong lamesa. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag ni papa.

(Hello anak?)

Nangilid ang luha ko pagkarinig palang ng boses ni papa. Kahit nagkakataasan kami ng boses minsan, mahal na mahal ko siya. Para sa akin siya yung amang walang pagkukulang. Ang naging problema lang sa kanya ay yung sobrang higpit sa amin.

Tumingala ako para hindi tuluyang lumabas ang luhang punong-puno ng lungkot. I really miss them.

(Y-yes po pa?)

Magalang kong sabi. Hindi ko mapigilang mautal dahil sa nagbabadyang luha. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. May edad na si papa at alam kong ang nais niya ay nasa tabi lamang kita. Kung tutuusin, kaya niya parin kaming buhayin pero kasi may pangarap ako e. May hinahangad ang sarili ko.

(Anak miss na kita. Miss ka na namin. Naghihintay kami sa pagbabalik mo, mag-iingat ka palaga dyan ah!)

Hindi ko na napigilan pa at tuluyan ng lumandas ang luha ko. Walang tigil sa pagpatak ang maiinit kong luha, damang-dama ang sinasabi ni papa.

Sa aming mag kapatid, ako ang pinaka iniingatan niya. Walang problema kay Ranilo at kaya nito ang sarili pero ako? He always assured that I am in good health. Ayaw niyang nagkaka sakit ako, he always said that I am his first born child.

Pinunasan ko ang luha. Pinigilan ang paghikbi sa kabila na katawagan ang ama ko.

(Opo pa. Palagi akong mag-iingat dito, uuwi pa ako dyan. Pangako yan!)

(Siguraduhin mo lang. Kapag may mangyaring masama sayo, kukunin talaga kita dyan.)

Natawa pa ako sa pagiging maotoridad ni papa. He always use that authority so that, we obeyed him. Ako lang yata ang kaisa-isang sumuway sa kanya.

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon