CHAPTER 12

135 19 0
                                    

CHAPTER 12

"SOMEONE YOU ALWAYS ASSOCIATED WITH VLOGGING"



Dahan-dahang iminulat ni Zach ang mga mata. Napakabigat at sumasakit ang ulo niya pati ang kalamnan dala ng pagkakasalpok ng sasakyan nila. Hinagap niya ng tingin si Gian at nakitang nakasubsob rin ang kaibigan. Wala itong malay at duguan rin ang ulo. Pilit niya itong niyugyog upang magising.

"Putcha! Pre, gising!" aniya dahil napansing umuusok na ang bandang unahan ng sasakyan. Nakakaamoy na rin siya ng tumatagas na gasolina. Tinamaan siya ng matinding kaba.

"Pre!" sigaw niya at pilit tinatanggal ang seatbelt. Pupungas-pungas namang nagising si Gian at natatarantang hinubad rin ang seatbelt niya.

"Bilis, labas!" Nag-unahan pa ang dalawa sa paglabas ng sasakyan ngunit hindi naman alam kung saang direksyon daraan. Kinapa-kapa ni Gian ang bulsa niya para mahanap ang cellphone. Kahit nanlalabo ang paningin dahil sa tinamong black-eye at may bukol sa ulo, pinindot-pindot niya ang phone upang maka-contact sa polisya.

"Naloko na. Lagot tayo kay Cyrus. Nasira ata natin," nakangiwing sambit ni Zach at naihilamos ang palad sa mukha.

"Gago. Ang bobo mo kasi magdrive!" bulyaw ng susuray-suray na si Gian.

"Tangina naman kasi noong babae. Sino ba 'yon?!" Iginala ni Zach ang paningin sa paligid ngunit wala na roon ang babae na kanina lamang ay nakaharang sa kalsada. Hindi kaya namamalikmata lamang siya dala ng antok?

"Zach, walang signal. May signal ba diyan sa'yo?" tanong nito sa kaibigan at itinaas pa sa ere ang cellphone. "Pre?" Nilingon niya ito at namataan niyang nakaupo malapit sa sumalpok nilang sasakyan habang nakatitig sa screen ng cellphone. Waring balisa ito at nakatulala na lamang.

"Hello guys, welcome back to our youtube channel!"

Nakarinig si Gian ng mga tawanan mula sa pinapanood na vlog ng kaibigan. Mayamaya ay nakita niyang sumilay ang ngiti sa labi ni Zach. Napakunot ang noo niya.

"Hoy? Sira ba ang tuktok mo? Nakuha mo pang manood ng vlogs ngayong nanganganib tayo? Zach!" bulyaw niya rito pero hindi ito nakikinig. Tila nahipnotismo na lamang ito sa sulok at ayaw bitawan ang cellphone.

"Zach! Hindi ito ang oras para magchill!" Lalapitan na sana niya ito nang ibaba nito ang cellphone at napatitig sa hindi kalayuan. Naningkit ang mga mata niya. may naririnig siyang yabag. May paparating.

"Pre, may darating!" Natatarantang dinaluhan ni Gian si Zach na ayaw pang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Gago ka ba? Tumayo ka na riyan!" sigaw pa niya sa tulalang si Zach at talagang hinihintay ang may-ari ng mga yabag na paparating.

Mula sa madilim na parte ng kalsada ay unti-unting nagiging klaro sa paningin ng dalawa ang babaeng paparating. Nakangiti ito ngunit matalim ang titig sa kanila. Kinusot ni Gian ang mga mata dahil hindi makapaniwala.

"Ang vlog natin for today is mukbang challenge! May guess ako ngayon at ito'y walang iba kundi si Sassy mga kahakdog! Sassy hi ka muna sa vlog ko! Ayan sikat ka na! HAHAHAHA!"

Hindi napigilan ni Gian na silipin ang vlog na pinapanood ng kaibigan at ikumpara ang hitsura ng babaeng paparating kay Sassy na pinsan ni Zach. Ang hitsura nito at pananamit, kamukhang-kamukha ito ng dalaga. Napalunok siya sa takot.

"Imposible! Impostora 'to!" aniya at agad hinatak si Zach na ayaw pa rin tumayo.

"Zach, halika na!"

"Hindi 'tol. B-buhay si Sassy. Nagkatotoo iyong sinulat ko sa notebook! Pre!" wika ng nababaliw na si Zach at kinuwelyuhan siya sa sobrang tuwa.

"Sassy!" masaya nitong bati sa babaeng ngayon ay nasa harapan na nila. Nakasuot ito ng kulay pulang stiletto na terno sa kulay pula niyang bestida. Kulay pulang lipstick at nail polish. Ngumiti ito ng matamis at timid na kumaway sa dalawang lalaki.

"Zach alam kong parang kapatid mo na ang pinsan mo pero shet! Hindi iyan si Sassy utang na loob! Tumakbo na tayo!" Imbes na pakinggan si Gian ay iwinakli ni Zach ang braso nito na nakahawak sa kanya.

"Sassy gawa tayo ulit ng vlog!" Tila nahipnostismo na ang binata sa hindi malamang dahilan.

Hindi umimik si Sassy. Kumurba ang isang ngisi sa labi nito at pagkuwa'y hinugot mula sa likod ang isang punyal. Walang pagsisisi na tinarak niya ito sa leeg ni Zach. Nanlaki ang mata ng binata at nangisay-ngisay nang sumirit ang masaganang dugo.

"Hindi mo ba iwe-welcome ang pinsan mo? Nagbalik na ako," bulong ni Sassy sa nakakakilabot na boses at hinayaang  bumulagta ang lantay na katawan ni Zach.

"Pota!" mura ni Gian at natatarantang napaatras. Gusto man niyang tulungan ang kaibigan ay alam niyang mahihirapan siya. Mas mahalaga ang buhay niya ngayon. Napalunok laway siya nang makitang dinilaan ni Sassy ang mismong kutsilyo na pinangpatay sa kaibigan. Ngumisi ito sa kanya habang binabasa ang labi ng sariwang dugo.

"Kumusta, Gian? Gusto mo ba ako tulungang mag-mukbang ng katawan ng kaibigan mo?" alok nito. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Gian kay Sassy at sa nakabulagtang katawan ni Zach. Mayamaya pa ay kumaripas na ito ng takbo palayo.

Humalakhak ang dalaga at inundayan pa ng saksak ang pinsan na ngayon ay wala nang buhay. Ini-stretch pa nito ang leeg. Tumunog ito na parang may nabaling buto ngunit naayos rin.

"Ang tagal mo. Kanina ka pa namin hinihintay." Napalingon siya sa biglaang pagsalita ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Nakita niya si Stephen na may bitbit na palakol.

"Sorry, natagalan. Galing pa akong punerarya. Ang tagal mag-make up ng gaga. Nabwisit tuloy ako at pinatay siya," sagot ni Sassy at nagpakawala ng malakas na halakhak.

"Nasaan ang iba?" tanong ng kalmadong si Stephen. Nagkibit-balikat ang dalaga at napangiwi.

"Hindi porket mula ka sa hukay, hindi mo na lilinisan ang sarili mo. Maligo ka nga!" reklamo ng bangkay na si Sassy at sinamaan nito ng tingin ang binata.

"Mamaya na. Kapag naubos na natin sila."

"Tayo na. Marami pa tayong dapat tapusin," makahulugang sambit pa nito at sinipa ang duguang katawan ni Zach. Naglakad ang dalawa palayo na parang mga normal na tao.





DEBBY'S POV


Napasinghap ako at kumurap-kurap. Wala akong makita dahil napakadilim. Ramdam ko pa ang bigat ng ulo ko. Napakasakit dulot ng pagkakahampas kanina ng kung sino.

Pinilit kong bumangon pero hindi ko kaya. Nararamdaman kong parang may humihila sa paa ko. Hindi ko alam kung sino. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagkagasgas ng likuran ko sa mga nakausling ugat.

I tried to scream as loud as I can. Ngunit alam kong balewala iyon dahil sa busal na nakalagay ngayon sa bibig ko.

Wala akong lakas upang kumawala. Kumikirot ang mga kalamnan ko na parang na-puddle ako ng ilang beses.

Mayamaya ay naramdaman ko ang biglaan niyang pagtigil sa paghila sa akin. Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa mismong tapat ng ulo ko. Doon ko lamang mas nakita ang hitsura niya. Napasigaw ako habang naiiling.

Hindi. Ayokong maniwala. Ayokong maniwala na si Maye ang nakikita ko ngayon. Nakangisi siya at matalim ang titig sa akin. Mas sumigaw ako sa pagbabakasakaling kahit nakabusal ay may makakarinig sa akin.

"Kumusta, Debby?" aniya na naging dahilan para kilabutan ako.

They're talking like normal people. Paano nangyayari ito?

Namalayan ko na lamang na kinaladkad muli niya ako. Mas mabilis. Mas napahiyaw ako sa sakit na nararamdaman. Ramdam ko ang paghila niya sa akin hanggang  bumagsak ang katawan ko sa malalim na hukay.

Namilipit ako sa sakit. Hindi na ako makakilos.

Nakita ko siya, may hawak siyang pala at unti-unti na niyang itinatambak ang lupa sa pwesto ko. Doon na ako mas napahiyaw.

Fuck! She's burying me alive!




***

Life-Note | COMPLETEDWhere stories live. Discover now