#02PintuanNgLangit

51 3 1
                                    


#02PintuanNgLangit

''You have a very busy schedule for this day Señorita.''

''Alam mo ba ang difference ng isang secretarya at isang butler Mike?'' walang galang na tanong ni Roselle sa matandang empleyado.

''I'm sorry Señorita. Pero mahigpit pong ipinagbilin ni Madam na ipakilala ko po kayo sa lahat ng empleyado at natutulungan ng inyong pamilya.'' hinging paumanhin at pagpapaliwanag nito.

   Three hell weeks narin ang nakalipas at himala namang surviving parin ang beauty niya sa pamamalagi dito. Siguro sa tipikal  at commoner na mamamayan ng Pinas wala namang sense iyon. Pero sa kaso ni Roselle Fortaleza? It's a big achievements!

  Noong una nga niyang linggo dito sa Pinas, never siyang lumabas sa forbidden room niya. Anong dahilan? Ayaw lang naman niyang makasalumuha ang mga mahihirap na chimays dito sa mansion. Ang matandang butler pa na si Mike ang naghahatid sa kanya ng makakain tuwing breakfast, brunch, lunch, meryenda, dinner at pati midnight snacks! Tsk tsk Pobreng matanders! Hindi nakaligtas sa bagsik ng bratinellang prinsesa.

   Mabuti nalang na sa ikalawang linggong pananatili niya sa kanyang sanktuwaryo ay milagro ring pinasyalan siya ng dalawang frienemies niyang galing din ng America. Mike's savior! Dahil napilit siya ng mga bruhang ito na lumabas na at tinakot pa siya ni Gazchela na gagawin daw siya nitong kontrabidang Bampirang Zombie sa susunod na nobela dahil sa namumutlang complexion niya. Ayan ang napapala niya sa pagkukulong sa four cornered room niya!

''Do I look like want to meet those poor, stinky and lower than the rats people?! Hindi ko naman na ikagaganda ang pakikipag-kilala sa kanila dahil talagang maganda na ako.''

  Naningkit ang mga mata niya nang mapansing tumikhim ito. 'Why? Stupid dirty old man! Maganda naman talaga ako ah!' gusto niya sanang idagdag pa.

''It's an order from your mom, Señorita. And you had no choice but to do it.''

''When I said no, NO! Ako ang nasa harapan mo kaya ako ang sundin mo!'' singhal niya dito.

- - - - -

''...AND here are the scholars of the Bayza-Fortaleza Corp, Señorita. Sina Jane, Lyn, Jensen, Mikoy, Aldrin, Mary...''

   Lantarang inikutan niya ng eyeballs si Mike na busy sa pag-i-introduce sa kanya isa-isa ang mga empleyado at ilang mga taong natulungan ng kanyang pamilya. She hates where she is now! A function room with full of poor, stinky and lower than the rats people she don't even know! Eeewness overload!

  Kung alam lang ng pobreng matandang ito na ilang beses na niya itong minura sa lahat ng sulok ng braincells niya. Anong karapatan nito na ipakaladkad siya sa mga men-in-black upang madala lang siya rito? Then she snap her fingers out of the blue. She knew it! Pakana nanaman ito panigurado ng mommy niya. What is she cooking? At mukhang siya ang main rekado!

  Nagtagis lahat ng red at white blood cells niya! There's no one in this world would dare to manipulate her. Not even her mother! Alam niyang may mali siyang nagawa way back in America pero hindi sapat na dahilan iyon para parusahan at manipulahin nito ang buhay niyang young, wild and free.

Prinsesang BratinellaWhere stories live. Discover now