#5FailedRestDay

38 2 2
                                    

#05

''Well, well. So how was the first day?''

''She's not wearing her usual face.''

Napalingon siya sa mga nagsalita at hindi na siya nagtaka pa na makita ang dalawang frienemies niya. Prenteng humihigop ng tsaa si Che-che na pinagtaka niya habang si Gazchela naman as usual ay kaharap nanaman ang laptop niya at tumitipa.

''Of course it's not so good. Luckily, I still manage to survive.''

''You look happy, though.'' komento ni Gazchela sa kanya.

Kumunot ang noo niya. 'How could you tell? Hindi ka nga nakatingin sa'kin.'

''Tama si Gazchebels! Lalo na sa picture na'to oh.'' may inilabas ito sa kanyang mini-bag at nanunuksong iwinagayway ito sa ere.

''Are you two spying me?'' inis na nagmartsa siya sa harapan ng mga ito at hinablot ang hawak ng tusong frienemy niyang si Che-che.

Pinakatitigan niya ang larawan kung saan kitang-kita ang paglamon niya sa putaheng adobo na in-order ng alalay niya sa binibida nitong kainan na kung tawagin ng mga kauri nitong belong to the low-class-level ay ''Lutong-Bahay-Eatery''. Kuha din sa larawan ang pagpupunas nito sa mga nagkalat na amos niya sa kanyang mukha. 'Jeez! This is so embarassing!' naisigaw nalang niya sa kanyang isip.

''Nah. We're just curious 'bout this new one.'' katwiran ni Gazchela na seryoso paring tumitipa.

''Mukhang day 1 palang nagkakasundo na kayo ah. Compared to the old ones BT's you had, he seems kinda different.'' punto naman ni Che-che.

''It has nothing to do with you two. And of course, he really is. Ngayon lang naman ako talaga nagkaroon ng boytoy na mahirap. That's the only difference there.'' mabilis na pambawi niya sa kahihiyan.

Che-che sighed. ''Ganun? Booooring. Tara na Gazchebels wala ng exciting dito.''

With that mabilis na siya nitong nilagpasan at tinungo ang main door. She rolled her eyes feeling irritated. 'That crazy little wit!' Binalingan niya si Gazchela.

''I guess that's the cue for you to follow her and leave?'' kaswal na pasaring niya rito. .

''I'm not her babysitter nor her driver.'' pagbabawela nito sa kanya.

Poor her. Now she's thinking a lot of reasons why she befriended them. Oh on the second thought, mas malaki nga naman pala ang percentage ng enemy rate kumpara sa friend rate nila.

''Besides, I realized you two could be a perfect material for my next experiment.''

"It won't sell Gazchela. Don't used other people without their consent.Hindi ka pa ba kuntento sa mga boyfriend-guinea-pigs mo?" Alam niya kung anong pinupunto nito. Lahat ng mga karakter sa mga nobela nito ay base sa mga lalaki at relasyong nagdaan dito. She dates differents guy at a time while making her best selling stories. And this will be the very first time na sa ibang tao ito huhugot ng inspirasyon.

"Who knows." maikling sagot lang nito.


Kahit ang ikli nitong sumagot ay nakakapagod itong kausap. Roselle sighed and walk through the staircase. Sasakit lang ang braincells niya kapag nanatili pa siya ng dalawang segundo sa pakikipag-usap rito.

Prinsesang BratinellaWhere stories live. Discover now