PLOT

244 4 3
                                    

PLOT

Mabait, mapagkumbaba, matulungin, mapagbigay, masinop, maalagain, magalang, masunurin at ma.. ma.. MALAYO lahat yan sa ugali ni Roselle Fortaleza!

Siya ay isang babaeng ipinanganak with a silver kutsara. As in, for real! Gawa nga kasi sa pilak ang mga utensils nila. Laking America kaya feeling Fil-Am din ang bruha! At present, ipinatapon ang Prinsesang Bratinella sa kanyang homeland Pilipinas para dito nalang tapusin ang course niyang BSBA major in Utos here and Utos there!

And op cors! Labag to sa kalooban ni Roselle Fortaleza dahil maiiwan niya ang kanyang Honey Mylove So Sweet sa America. Takot mawalan ng lablayp ang babaita! -_- But still, in the end wala din siyang nagawa.

At ngayong nandito na siya sa Pilipinas- our motherland, ibubunton nalang niya lahat ng paghihimagsik at pagrerebelde niya sa mga tauhan ng pamilya niya. Ang nasa isip niya, wa-cares din naman ang mga magulang niya sa kanya kaya magsasarili nalang siya.

Lubos na pinahahalagahan nang angkan niya ang mga tauhan nila dahil nga daw sa 'loyalty' nang mga ito sa kanilang pamilya. Like she cares! Para sa kanya, laruan lahat nang mga tauhang natutulungan at pinapaswelduhan ng karangyaan nila.

Pero paano kung ang isa sa mga mapaglaruan niyang tauhan nila ay tapatan ang kamalditahan niya. Na hindi pala ito pagagapi sa ugali niyang yucky!

''I'm thirsty. Ipagblend mo ko ng fresh orange juice na kapipitas sa mismong puno.''

''Hoy babae! Personal alalay mo lang ako at hindi alipining yaya! Laking America ka pero di mo alam pagkakaiba nun? Tss. At isa pa, wala naman kayong orange tree na nakatanim sa pagkalawak-lawak na bakuran niyo! Utak please.''

''Sinusuway mo ako? Baka gusto mong maging audience nalang sa graduation day. Ikaw rin, hindi ka makakapagtapos kasi hamak na scholar at dukha ka lang!''

''Sabi ko nga po eh, fresh orange juice coming up!''

And that's Jesner Hilario! Ang nag-iisang tauhan na nakatatagal sa ugali nang prinsesang bratinella. Madiskarte, responsable at may pagka-nagger minsan dahil sa madalas na pagkairita sa malditang prinsesa.

May tsansa kayang mapabago niya ang prinsesang bratinella? O forever personal alalay ang drama niya?

Paano kung bumaliktad ang planet earth at mag-exchange status of living ang dalawa? Ang dating alalay, ngayon may sariling kaharian din pala na mas matayog pa kesa sa prinsesa. At ang dating prinsesang bratinella, ngayon pinapasok na lahat ng raket maka-kita lang ng iilang barya. Tsk tsk

Bratinella parin kaya ang dating prinsesa? O siya naman ngayon ang under sa prinsipeng dating inaalipin niya? <3

Prinsesang BratinellaWhere stories live. Discover now