-7

85 5 7
                                    

I dedicate this chapter to my pretty reader/friend NemiaBlessEderango

------------------------------------------

POV [ Johanna ] 

Naglalakad ako ngayon palabas ng school. Hindi pa rin ako makaget-over a nangyari, sa kanyang sinabi. Gusto ako ni Ken? Assuming mo lang Johanna. Sabi niya 'i like her' means she likes me??? 

Nakita ko si Ken malapit sa may gate ng school. Kailangan ko muna siyang iwasan, lumiko ako at doon na lang sa backgate lalabas. Narinig kong tinawag niya  ako, pero sorry Ken...pass muna!

*boooogsh*

A-aray hah! Nakakaraming bangga na ako ngayong araw. Ang tigas niya, ang sakit tuloy ng pwet ko. Tiningnan ko yung nakabangga ko....

O____O

Kris!!!!! Magsosorry sana ako ngunit paparating na si Ken kaya tumakbo na lang ako, hinawakan ni Kris ang kamay ko. 

"Don't you know the word sorry?" diniinan niya ang sorry. 

"Sorry" sabi ko. At tatakbo ulit, ngunit hinila niya ako pabalik. Nooooo! Si Ken!!!!

"Han" nilagpasan lang niya si Ken, hinawakan naman ni Ken ang isa kong kamay. Kaya natigil ang paghila ni Kris. 

"Han...tungkol kanina--"

"Hands off" biglang sabi ni Kris. Ano to?!! Tug of War???!!! Ako ang lubid??!!

"Kinakausap ko siya..." bakit parang may kuryente kung magtitigan sila? Parang hindi sila vibes, ganun.

"May pupuntahan kami" ano?! Saan naman kami pupunta ni Kris?!

"Sandali lang naman...Han" 

"About what?!" sino ba talagang kakausapin ni Ken, ako o si Kris? 

"Han...about what I said--"

"That you like her? Well, she heard it, no problem at all.Lets go" at hinila na talaga ako palabas ng school. 

Naaawa ako kay Ken, sana kinausap ko na lang. Pero hindi pa ako ready. Ikaw ba naman? Biglang nagconfess sa'yo ang bestfriend mo over how many years. Sumakay na ako sa kotse ni Kris, nasa backseat ako. Saan ba talaga kami pupunta?! 

"Uhm...Kris...uhm...saan tayo pupunta?" 

"House" house nino???

"Bahay ko o bahay mo o bahay nino??" baka bahay namin ni Kris. Kyaaaaaah!!!!

"bahay ko" bakit dun? anong gagawin ko dun?

"anong gagawin ko dun?---aaaah!" bigla siyang pumreno! Bwi@#$%! Malapit na akong mauntog. 

"Nakalimutan mo na ba?" ang gulo nito kausap 

"Nakalimutan ang ano?!" 

"Practice!!! For my lola's birthday!" 

"Ah, akala ko date." bulong ko lang yun...

"Don't assume. People who always assume will always get hurt ang left crying" ouch hah! So wala talaga akong pag-asa sa kanya!!! Strike 2 na siya!

Tinikom ko na lang ang bibig ko, tinamaan ako sa sinabi niya eh! Nakalimutan kong may practice pala kami. Si Ken kasi eh! Oh ayan! Naiisip ko na naman yung kanina!!!

Gabi na nang makarating kami sa kanila, at ang sabi ng mommy niya na kakanta na lang kami. Wala kasing kakanta sa birthday ng lola niya, except sa birthday song -___- Huhuhuhuhu, i'm not good at singing. 

"Hindi po ako marunong kumanta" hindi 'na' po ako marunong

"Ang galing mong kumanta, narinig na kita dati pa" sabi ni Tita sakin, eh dati lang yun. Kasi noon, gusto kong kumanta, sumasali pa ako sa mga pacontest. Hanggang sa ewan...bigla na lang natigil. 

"Pero Tita" 

"Don't worry Kris will accompany you. Kayo na ang pumili ng song na kakantahin niyo. Magpapraktis kayo sa music room. Ilang araw na lang at birthday na ng lola niya" ngumiti si Tita, sa kanya pala nagmana ang ngiti ni Kris. 

Kinakabahan ako. Kakanta kami? Kami ni Kris? Kumakanta pala siya? Excited na rin ako sa boses niya! Ano kayang song ang ikakanta namin?

Pumunta muna ako sa garden, nagbibihis pa si Kris. Wala akong kaalam-alam sa music room nila. Ayaw ko ring basta-basta pumapasok. Naaalala ko pa rin yung bulaklak, napakaspecial siguro nun, ayaw ipahawak eh. Ang swerte naman ng bulaklak. 

"Malamig dito then you're staying here" umupo rin siya....sa tabi ko <3 Ang ganda ng boses niya, hahahah, hindi pa nga kumakanta. Ilang minutes kaming tahimik. 

"Uhm...Kris. Can I ask you something?" hindi siya umimik, kaya nagtanong lang ako. Sagutin niya man o hindi, curious lang talaga ako. 

"Ba-bakit mo alam na may gu-gusto pala si Ken sa'kin?" hooo! ang lamig bigla, mas lumamig. 

"I was there. I want to saved you from those girls but he came" 

First TimeWhere stories live. Discover now