- 10

27 1 1
                                    

POV [ Johanna ]



"Joke lang yun..." sabi niya sabay tawa na nakakainis. Sinuntok ko siya sa balikat syempre, dapat malakas! Bwahahaha! Bwisit siya!!!!!!!



"Araaaaay!!!! Aray ko po!!!!" aray daw pero tumatawa naman -____-!



Nakakainis siya alam ba niya yun? Nakakainis!!!!



"Hoy ano na?! Magsalita ka naman! Napipi--araaaaaay!" pinagsusuntok ko ulit siya. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako, joke lang yun. Agrrrrrh! Ilang araw akong hindi makatulog dahil iniisip ko kung paano ko siya haharapin. Tapos joke lang! JOKE LANG!



Te-teka....hindi naman siguro ako nadisappoint diba? Mas mabuti nga na wala siyang gusto sa'kin!



"Walangya ka! Alam mo bang hindi ako tinigilan ng mga mean girls na yun dahil sa sinabi mo ha?!!!! Nakakainis ka!!!" tuwing uuwi ako palagi akong hinihintay nila friends kami eh! Joke! Hinihintay nila ako para awayin, huhuhuh.



"Sor--" niyakap ko siya. Namiss ko siya eh! Namiss ko ang bestfriend ko! Iba talaga pagbestfriend mo ay gwapo, matalino, magaling kumanta, heartthrob ang dami mong kaaway. Simula nung naging bestfriend ko siya palagi akong binubully...kesho raw ganito, ganyan...



Sinesave naman ako ni Ken! Kaya mas dumami ang haters ko T__T



"Miss na miss na kita! Alam mo ba yun?! Sana sinabi mo na lang agad, hindi yung pinatagal mo pa. Sorry kung iniwasan kita, hindi ko kasi alam kung paano kita haharapin." sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya. Walang malisya 'to!!!



Tumawa siya at niyakap rin ako, maingit sana yung mga mean girls na yun!!! "Hahahaha!!! Shorry na pooo! At alam kong miss mo na talaga ako, ang higpit ng yakap mo oh!" napabitaw naman ako.



"Tara na...." hinila ko na siya hanggang sa makalabas na kami ng school.



"Saan ta--"



"Libre mo ko!!!!" at pumasok na kami sa isang ice cream store.



----------



Bumili na siya ng isang bowl ng ice cream. CHOCOLATES!!!!! Same kami ng favorite na ice cream! Nagshare lang kami hindi ko naman mauubos ng mag-isa eh.



"Ken namaaan!!! Makasubo to!!!!" grabe naman siya, gutom na gutom?



"Matanong ko lang Han..." tinignan ko siya at seryoso siyang nakatingin sa'kin. Parang kinabahan tuloy ako sa itatanong niya.



"Ano yun?"



"Kayo ba ni Matthew?"



*cough* *cough*



"Hi-hindi no, may A-alison na kaya y-yun!" sige pa, mautal ka pa Johanna -___-



"Ah, ba't magkasama kayo palagi? Nililigawan ka ba nun?"



"Grabe ka naman makatanong! Hindi no, wish ko lang." hininaan ko sa part na yun, marinig pa ni Ken. Baka asarin pa ako -__-



"Kasi po, birthday kasi ng lola niya. At magppresent kami ng isang kanta na hiniling ng lolo niya na ikanta sa lola niya. Thinking Out Loud by Ed Sheeran," ang sweet ng lolo ni Kris, ako ang kakanta samantalang si Kris naman ang maggigitara. Hidden talent niya yun!!!



Ako nga lang ang nagppraktis sa bahay eh, arte kasi niya!



"Darling, I will be loving you 'till we're 70 ~~" nagulat ako nang biglang kumanta si Ken. Ang ganda talaga ng boses niya, kaya ang raming nahuhulog sa kanya. Nakakainlove!



"And baby, my heart could still fall as hard at 23~~"



"Sh1t!" napatayo ako nung naala ko na waaaaaaah! Last practice pala namin ngayon!!!! Lagot na ako!!!



Dali-dali kong kinuha ang phone ko, sh1t talaga! Ang daming message na galing kay Kris, nagmissed call din siya! Huhuhuhu T__T




"Han! Okay ka lang ba?!" natatarantang tanong ni Ken.



"Ken, sorry talaga! Kailangan ko ng umalis... last practice namin ngayon! At nakalimutan ko!!!!" tumakbo na ako palabas hinabol pa ako ni Ken



"Hatid na kita???"



"Wag na--"



"Johanna!!!!" napalingon kami sa tumawag sa'kin, nakita ko ang galit niyang mukha.




"Kris/Matthew"



------------------------------








Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 14, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

First TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora