- 9

38 2 1
                                    

POV [ Khent ]



Iniiwasan niya ako. Alam kong iiwasan niya ko pero ayoko na sa set-up na'to. Ilang araw na...ilang araw na hindi na kami nagkakausap, magkikita naman kami pero hindi niya ako tinitignan. Arrgh! Kaya ayoko sa pagcoconfess na 'yan, dalawa lang naman ang resulta niyan eh, it's either mareject ka o mahal ka rin niya. At hindi ko alam kung saan ako dun.


Ano, babawiin ko ba, sasabihin kong joke lang yun o totohanin ko nalang?


Ang hirap mainlove sa bestfriend!!!! Bwisit!!!!!!


Hinintay ko siya sa gate ng school, papalapit na siya nang....lumiko siya. Iniiwasan niya talaga ako!!! Tinawag ko siya, eh sa biglang tumakbo. Hinabol ko, kailangan ko siyang makausap.


Naabutan kong kinakaladkad siya ng Matthew na yun. Lately, palagi ko silang makitang nagsasama. Ano bang meron sa kanilang dalawa?


----



"The project will be announced tomorrow and it shall start this Monday. End of discussion." saib by Abegail, our president.


Nagsimula na kaming magbunutan based sa aming grade level kung saang section kami magsiseat-in and sana...sa section niya. Three students per section sa aming grade level. Bale, twelve kaming officers sa third year. Pagkabukas ko ng papel..... -___- kailangan kong makipagpalit. At saktong nakita si Jyms na nakabunot ng kanilang section.


Nilapitan ko siya..."Jyms, palit tayo." sabi ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya. "Section to ng girlfriend mo!" at section 'yan ng babaeng mahal ko...


"Kaya palit tayo"


"Eh, sa nag-away kami ni Shaira. Ayaw niya akong makita, miss ko na nga siya eh! " miss ko na rin siya -___-


"Kaya nga palit tayo para maka-usap mo na siya at magbati na kayo."


"Kay Alison na lang oh! o kay Abegail tiyak makikipagpalit yun!" kay Alison, asa! eh section din yun ng Matthew na yun. Kay Abegail, no thanks na lang.


"Bakit ba ayaw mo? Chance mo na to para magbati kayo. Sige ka...pagpinatagal ko niyo 'yan...you will see her in ano-"


"Ohsha, sha! Nananakot pa eh! Bakit ba gustong-gusto mong makuha to?" tanong niya sabay palit sa mga papel namin.


"Basta! Salamat ha!!!" at sumunod na ko kina Alison at Abegail.

Han, kailangan na talaga kitang makausap...


"Lahat talaga gagawin para sa love noh?!" biglang sabi ni Abegail. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.


"Ha? Ano-"


"Tss. Sige na, hindi na kita isusumbong. Hindi ko rin ipagsasabi. Hahahaha"


Sobrang obvious ko ba? Ah bahala na. Nakarating na kami sa classroom ni Han. Saktong absent yung seatmate niya, balita ko pa may gusto yun sa kanya. Pssh! Ayun si Alison, tabi agad kay Matthew. Si Abegail naman, siyempre sa harap umupo. Grade concious eh! At ako, eto sobrang awkward kay Han. Hindi nga siya lumilingon sa direksyon ko.


At kapag naglaro ang panahon, ayun tinawag siya kasama ang Matthew na yun! Eh last chance ko na 'to. It's now or never.


Nagexcuse ako sa para magcr which is pupunta talaga ako sa disciplinary office. Nauna nang pumasok si Matthew, bago pa mapihit ni Han ang knob ay hinila ko siya sa isang room. Oy, wala akong gagawing masama!


"Let's talk, ayokong ganito tayo palagi... Han." nakita ko sa itsura niya na nagulat siya. Sorry Han.


"Uhm...Khent pwedeng mamaya na, pinapatawag pa kami." May t na sa Ken niya. Naiilang siya.


"No. Iiwasan at iiwasan mo lang ako."


"Seryoso Khent, baka madagdagan ang punishment ko."


"Sorry. Basta mamayang dissmisal ha! Magusap tayo!" tinanguan lang niya ako.


-------



"Good afternoon Mr. Salles, what brings you here?" nakita kong nagulat si Han, eh may punishment rin ako.


"Violation. Texting while in the middle of a class"


"O-okay."


Umupo na ako at nagsimula ng maglecture si Mrs. Adante.


"I hope it will not happen again. The punishment will start tomorrow. Two days only."


Sabay na kaming pumasok sa section nila. Wala akong maintindihan sa mga sinusulat sa board. Ang tanging iniisip ko lang ay kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya o manahimik na lang habang buhay -_-


"Class dismissed."


--------



"Ah Khent, magccr lang ako. Hintayin mo na lang ako sa front gate."


"Sasamahan kita!" arrgh! napalingon ang ibang mga studyante sa bigla kong pagsigaw "ah...este. Dito lang ako." ano ba naman Ken, mahiya ka naman.


Ilang minuto akong naghintay, ilang babae na rin ang pumasok at lumabas ng cr. Pero walang Han akong nakita. Hindi kaya tumakas siya? Kokonti na lang ang dumadaan. Hanggang sa...


"Han! Akala ko tumakas ka na eh!" napaparanoid na ata ako.


"Sorry. Ano bang paguusapan natin?" nakayuko niyang sabi. Iniiwasan niya akong tignan. Haaaays...


"Tungkol sa sinabi ko...sa'yo"


Humugot ako ng lakas ng loob...eto sasabihin ko na.



"Joke lang yun " tumawa ako, pilit na tawa.


------------

First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon