Chapter 6: Kasunduan

49 3 0
                                    

"Labs, 'di ako makakasabay pauwi ah. Mauuna na 'ko." Kalabit sa'kin ni Reese habang naglilinis ako.

"'Ge. Ingats." Sagot ko.

"Syempre naman!! Baka mawalan ka ng prince charming 'pag may nangyari sa'kin. Buhbyeeee!!" Sabay takbo niya palabas.

"HANGIIIN!! Wooo!!" Sinigaw ko para marinig. At feel ko naman narinig niya dahil narinig kong tumawa siya.

"Yiiieee. So sabay pala kayo ah. Eh di ba magkaiba kayo ng dinadaanan?" Singit ni Nads.

"Luh. Ewan ko din dun. Medyo baliw." Sagot ko. Kasi sa totoo lang, 'di ko din alam kung bakit.

"Eh kasi nga... El. Oh. Vi. Eeee." Sabay ngisi sa'kin ni Nads.

"Che."

Cleaners kami ngayon ni Nads at kaming dalawa lang ang naglilinis out of 6 members. 6!!

Balik tayo kay Reese.

Baliw din naman kasi 'tong si Reese eh. Magkaiba naman kasi talaga dapat yung dadaanan namin. As in pa-right at pa-left.

I mean, okay lang sana kung shortcut dinadaanan niya pag sumasabay siya, eh kaso hindi eh. Halos paikot pa. Bangag lang 'di ba?

Pero sumasabay pa siya sa'kin. Lalo na ngayong pinipilit niya yung plano niya. Jusme. Ano ba kasing gustong mangyari neto?

Okay sana kung ina-ask niya na 'kong maging partner niya eh. Hindi naman sa crush ko pa siya. Eww 'no. Kasi sa totoo lang naman, sa lahat ng kakilala kong lalaki, sa kanya ako pinakakomportable. Eh pa'no na lang kung maging loner ako dun sa prom.

Ang mga tropa kong babae, may mga pinsan na ka-close para dalhin. Eh ako, nganga.

"Uhm... Nads."

"Oh ano?"

"May extra ka pa bang pinsan?" Tanong ko nang nakangiti.

Please say yes.

"Ano tingin mo sa'kin, factory ng pinsan? Hahaha. Wala na. Gusto mo yung mga 8 years old, ayos lang din." Sabay tawa niya.

"Nah, I'm good. Hahaha. Sila Yvette at Sheila ba may partner na?"

Ugh. Please say wala pa.

"Ang alam ko, meron na daw." Sabi niya.

"Eh ikaw ba?" Dagdag pa.

"Di ako pupunta." Sagot ko na lang tapos nagpatuloy na lang ako sa pagwawalis.

"WHAT!! Talksht kaaaa." Panunukso niya.

"Luh. Wala naman tayong usapan na pupunta 'ko ah." Sagot ko.

"Pero alam mo yun? Umasa na kami kasi you know may Reese ka naman na." Sabay kindat niya sa'kin.

"No." Sagot ko sabay walis ulit.

"Ba't ang bitter ng dating?" Tumawa siya.

"Ayoko ng prom." Sagot ko.

"Ayaw nga ba?" Tinignan ko siya at nagtaas siya ng kilay.

"Ayaw." Sagot ko at walis pa rin.

"Bitter mo naman."

"Ugh. Inaasar mo 'ko 'no?"

"Huh? 'Di ah. Naasar ka lang talaga. Wala naman akong ginagawa ah. Alam na this. HAHAHAHA"

"Ugh. Ano bang kailangan niyo sa'kin?"

"Walaaa!! Hahahahahaha"

Natawa na lang din ako.

Ang bitter ko naman kasi talaga pakinggan.

"Teka Frey, may naisip ako."

"Oh ano?"

"Pumunta kang prom."

"Ayoko nga. Kulit?"

"Edi FO."

"Grabeeee. Yun lang, Friendship Over agad?"

"Oo. Ikaw lang mang-iiwan sa'tin oh."

"Eh may pinsan kasi kayong dadalhin eh. Okay lang sana kung wala. Baka ma-OP lang ako dun 'no."

"Eh kaya nga may Reese sa mundo eh."

"Wow ha. Hindi nga kasi yun. Classmates slash friends lang kami, okay?"

"Oh. Ba't defensive? Hahaha. Eh ba't ka niya hinahatid?"

'Pag sinabi kong pinipilit niya 'kong pumunta sa prom, malamang mas aasarin ako nito ni Nads.

"Ewan ko diiiin. Ano ba? Hahahaha. Tama na nga. Maglinis na lang tayo, 'kay?"

"Psh. Iwas topic." Sabay pagpapatuloy namin sa pagwawalis.

"Hindeeeee. Gusto ko na kasi umuwi. Kaya tapusin na natin 'to." Sagot ko.

"Weeeeh? Baka naman kasi bv ka lang kasi 'di kayo sabay ni Reese mo?"

"Baka akin siyaaa? Kulit ah. Maglinis na nga lang tayo."

"Teka teka, gan'to na lang. May naisip ako." Pigil pa ulit ni Nads.

"Ano na naman?" Sagot ko.

"Para hindi FO, 'pag may nag-promposal sa'yo, pupunta ka sa prom. Ha?" Ngiti niya

"Baka may mag-aaaaask." Sabay irap ko.

"Bastaaaa. Malay mo naman 'di ba. Oh ano na?"

Wala naman talagang mag-a-ask sa'kin. Asa naman. At least 'di ako aawayin ng mga barkada 'kong 'to.

"O'sige. Psh. Enjoy niyo prom niyo." Sabay dakot ko ng mga winalis namin.

"Ooops. Wag kang magsalita ng tapos." Sabay kindat niya sa'kin.

"Bahala kayo sa buhay niyo. Jusme. Hahahaha" sagot ko.

"Oh. Tara na. Tapos na tayong maglinis. Sabay na tayong umuwi." Dagdag ko.

"Weeeh. Panakip butas lang ako para kay Reese eh, kasi di mo siya kasabay ngayon. Ang saket frey." Sabay arte niya.

"Hahahaha. Che. Umayos ka nga. 'Di bagay sa'yo. Hahahahaha. Tara na." Sabay buhat ko ng bag ko, at patay ng ilaw.

-End of Chapter 6-

The Perfect Prom (On hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon