Chapter 12: Secret Garden

13 2 3
                                    

"Freya?"

"Ay butiki!"

Muntik na 'kong mapatalon sa gulat.

"Hahaha. Hindi. Si Mike 'to. Pero 'di ko sure kung may lahi kaming butiki. Wag kang mag-alala, itatanong ko sa parents ko." Sabay tawa niya ulit.

"Ay hahaha sorry."

"Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Tanong niya.

Ano ang lugar na 'to? Secret garden lang naman. I guess not so secret anymore kasi nga alam namin 'to. Out of bounds para sa students pero once in a blue moon ang nagchecheck na staff dito kaya naisip kong dito tumambay. Hindi ko naman alam na may tumatambay na din pala dito.

DESTINY NGA NAMAN OH. HAHAHA. CHAROT.

May tall gate dito kaya hindi ka agad makikita ng ibang tao sa labas except na lang kung papasok, in the case na pumasok man, may storage cabin. Oha. Perfect hideaway. Haha.

"Uhh..." Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin na may iniiwasan lang talaga 'ko.

Ilang beses ko nang nakakabangga si Duke ngayong araw. At hindi ko alam kung sinasadya niya ba o ewan pero ang awkward kaya iniiwasan kong makabangga ulit siya.

"May tinataguan ka rin ba? HAHAHA" tanong niyang may halong tawa.

"Hahaha. nagtatago ka rin?"

"Hahaha. Oo eh. So nagtatago ka nga?"

"Hindi naman sa nagtatago pero parang ganun na rin. Haha. So sinong tinataguan mo?"

"Uhh... Si Daff. Haha"

OOOH.

"Ang sama mo naman. Haha." Pa-joke kong sinabi.

"Grabe. Hindi ah. Kanina pa kasi siya dikit ng dikit sa'kin. Iniisip na ng marami na may thing kami."

"Oooh. Joke lang namang masama ka. Haha. Wala nga ba?"

"wala ah! Hahaha. Eh ikaw? Kanino ka nagtatago?" Balik niya ng tanong.

"Hahaha. Kay Duke."

"Duke? Bakit? May something kayo di ba?"

"Ha?! Sinong nagsabi? WALA AH!!"

"Oh. Chill ka lang. Hahaha. Para ka namang guilty eh. Walang nagsabi sa'kin. Nakita ko kasing hinahatid ka niya?"

"Hindi ah. Sabay lang talaga kaming umuwi. Noon. At pa'no mo naman nalaman? STALKER KA AH. HAHAHA."

"Ha? H-Hindi ah. Nakasabay ko kayo sa jeep isang beses. Mukha ngang masyado kayong nagwawander sa sarili niyong mundo kasi hindi niyo 'ko napansin eh. Haha."

Inisip ko kung may time bang nakasabay namin siya pero wala talaga 'kong maalala.

"Ha? Baka naman kasi snob ka?" Sabi ko sabay upo sa isang bato.

Umupo rin siya.

"Hmm. Hindi naman. Ayoko lang istorbohin time niyo together. Ahahaha"

"Hay nako. Wala nga yun. Sabay lang kami. Kasi siya tutor ko. Haha."

"Tutor?"

"Ah. Oo. Haha. Mahina kasi ako sa Calculus eh. Eh ayun, nag-offer siya. Um-oo na lang ako. Haha"

"Aaah. Buti naman." Halos pabulong niyang sinabi.

"Ha?"

"Ah. W-wala. Sabi ko uhm buti naman at tinutulungan ka niya kasi akala ko uhm maangas siya"

"Hahaha. I know, right? Pero mabait din minsan. Undoubtedly, magaling magturo. Haha."

"Haha. Genius yun sa calc eh. Idol. Haha"

Ikaw rin naman genius eh, sa maraming ibang subject. Pati na rin sa pagcapture ng hearts. Hayyy

Ngumiti siya. At parang biglang nagliwanag ang mundo.

"Ehem ehem." Oh sht nagdedaydream na pala 'ko.

"Hindi ka ba nasisilaw? Nakadiretso kasi yung sunlight sa mata mo eh." Dagdag niya.

"Ha? Hindi naman. Sanayan lang yan. Hahaha." Kunyaring tawa ko.

Ngumiti lang siya.

"Gaano ka na pala kataga-" napalaki yung mata ko nung bigla niyang nilagay yung pointer finger niya sa bibig ko para pigilan ako sa pagsasalita.

"Ssshhh" bulong niya.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papasok ng storage cabin. Mga ilang seconds bago ko marealise kung anong nangyayari. Blue moon pala ngayon. Kasi oo, may staff na parating para magcheck ng garden. Fudge naman oh.

Pumasok na ng tall gate yung staff. Narinig namin yung pagbukas at pagsara ng gate.

Nakasandal sa pinto ng storage room ang tenga ni Mike para hintayin ang paglabas ng staff. Habang kabang-kaba ako sa pag-aanticipate ng nangyayari naramdaman kong nakahawak pa rin sa kamay ko si Mike.

Napangiti ako pero biglang...

"AAAAAH!" Oo napasigaw ako.

May bumukas ng pinto na sinasandalan ni Mike at nahila ako.

Oo. Yes. Oui. Si. SA PAGKAHILA NIYA NATUMBA NA NAMAN AKO. SA IBABAW NIYA.

WTF. ANO BANG NANGYAYARI SA'KIN? MALAS NAMAN OH.

TULALA LANG AKO AT ANG NAMALAYAN KO NA LANG AY ANG  BIGLANG CLICK AT FLASH NG CAMERA.

-End of Chapter 12-

The Perfect Prom (On hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon