Chapter 2: The Almost Promdate Incident

50 3 0
                                    

Pumasok sa room namin ang President ng student body.


Maririnig mo naman ang mga faint squeals ng ibang girls sa room namin.


Probably because of prom ooooor... HIM.


Nga pala did I tell you already na may itsura siya? Not just may itsura pero gwapo. As in. Kaya nga siya nanalo bilang President eh.


Ayoko nga lang sa kanya kasi may reputation siya.


Wala naman siyang sex scandal o nude photos pero flirt siya.


Yep. MALANDI. HAHAHA. LAHAT NA LANG ATA NG NAGKAKA-CRUSH SA KANYA NILANDI NIYA, KAHIT HINDI NIYA GUSTO AT PINAPAASA NIYA LANG. HAHA. Poor girls. Tsk.


Isa pang ayaw ko sa kanya, sobrang "PA-COOL".  Eh hindi naman cool.  Tss.


Buti na lang hindi siya yung snob na president, kaso lang malandi lang talaga.


Approachable and mabait naman, pero wala eh. Malandi pa rin. 


"Okay guuuys! Taas ang kamay ng mga gustong sumama ng prom!" Sigaw niya.


Aba. Ang daming nagsitaasan ng kamay. Grabe.


Parang pwedeng pang-background music yung Dynamite ni Taio Cruz.


Medyo iba nga lang yung lyrics...


I throw my hands up in the air sometimes saying aaayoooo ang landi koooow~


HAHA. Kitams. May accent pa yan.


"Aba. Parang lahat ah. Pero may nakita akong mga hindi nakataas ang kamay. Sino yung mga yun?"


Nagtaas ako ng kamay. Tapos may mga lima pa.


"Okay so lahat ng ayaw sumama, lumapit sa'kin at sabihin sa'kin kung bakit."


Lumapit na kami.


At inisa-isa rin kami.


Puro time, money, and stress ang reasons nila. Ang mainstream naman ng mga palusot nila. Mga hindi pro sa pagpapalusot 'tong mga 'to. The thing is, hindi kasi ako magpapalusot. I'll just straight out tell him the truth.


"And you? Bakit ayaw mong sumama?"


"Pangit po kasi ako. At saka walang may gusto sa'kin. Walang may gustong mag-ask sa'kin sa prom. At walang may gustong makipaglandian sa'kin dun.  Ma-o-op lang ako, at masasayang lang oras ko, kung hindi po ako sasama, mas madami pa po akong magagawa, mas magiging productive pa yung araw ko, mas magiging masaya pa po ako."

The Perfect Prom (On hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon