Chapter 64

158K 3.9K 573
                                    

Ginny's POV

Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila sinang-ayunan ang suhestiyon ni Agatha na ikulong ako rito sa kwarto. Porket ba kami ang may-ari ng mansiyong ito ay ako na agad? Nakakalungkot lang kasi, lalo pa't hinusgahan nila ako.

Natutuwa naman ako kanina dahil pilit akong ipinagtatanggol ni Karlo kay Agatha. Sa totoo niyan, crush ko nga siya eh. Oo nga't may pagkamanyak siya pero kahit na papaano, makikitaan mo pa rin na mayroon siyang respeto sa aming mga babae.

Nahihiwagaan lang ako sa kanila ni Mae noon. Akala ko ay tropa lang sila. Basketball kung basketball lang. May pagkaboyish kasi si Mae pero yung itsura niya, babaeng-babae. Ang ganda nga ni Mae kapag inayusan mo siya. Pwedeng-pwede siyang maging Reyna sa Santacruzan.

Noong namatay si Mae, talagang nakitaan ko si Karlo ng panlulumo. Ang maton at siga sa classroom ay nakita naming umiyak. Doon lang namin napagtanto na sila pala talaga. Ayaw lang ipaalam ni Mae dahil natatakot siyang masumbong ni Grace sa kaniyang Ina.

Pero ang kinabaliwan ko talaga ng husto ay si Ramil. Ayos at tindig niya palang noong first day of school nung first year palang kami, siya lang ang nakaagaw ng aking atensyon.

Gwapings kung gwapings! Pakiramdam ko that time ay nasa langit na ako. Makalaglag panty ang kaniyang pagngiti. Kaso minsan lang ako magpanty kaya minsan lang din ako malaglagan. Haha! Joke lang.

Naiinis nga ako kay Abi kasi masyado siyang pa-chiks. Ang daming lalaki ang nahuhumaling sa kaniya kaso, paasa lang si gaga. Maputi lang siya pero hindi kagandahan, maganda lang talaga ang boses niya.

Aaminin ko, nawindang talaga ako noong ipaalam niya sa amin na buntis siya. Sa isip-isip ko, "Kung hindi ka pa nabuntis, malamang marami pa ring lalaki na umaasa na makadaupang-palad ka kagaya ni Ramil na walang sawang isipin ka." Kaya medyo natuwa rin ako that time, kasi may chance pa na mapasa akin ang matagal ko ng pinapantasya.

Marami na akong naging boyfriend noong high school pa lang ako. Ang kulay ko ay Pilipinang-pilipina, morena. Parang artista ako na pinagpapantasyahan noong high school. Ako naman heto, si makire, boyfriend lang ng boyfriend kaya laging heart broken.

Nang mamatay si Ramil, halos gumuho ang mundo ko. Naramdaman ko kung ano ang nararamdaman ni Arianne noong namatay si Adrian. Nagkaroon pa nga kami ng sumbatan ni Roxette dahil sa aming kadramahan.

Ngayon, hindi pa rin namin alam kung nasaan si Roxette. Kung buhay pa ba siya o patay na. Tapos ngayon ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Arianne. Paano ko naman papatayin ang nakagisnan kong kaibigan? Wala ba silang utak? Hindi ko kayang gawin iyon!

Habang inilalabas ko ang lahat ng aking hinanakit dito sa kamang kinauupuan ko, biglang sumagi sa isipan ko ang kwintas na suot ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan yung taong nagbigay nito. Isa sa mga taong nakaukit na sa aking puso. Ang aking ex-bestfriend, si Xiara.

Siya ang una kong nakilala noong first day of school. Natatandaan ko pa nga, pareho kaming naligaw ng building na pinuntahan. Ayun nagkausap kami at napag-alaman naming magkaklase kami. Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang samahan namin.

Yung kwintas na suot ko, galing sa kaniya (xGinnyx). At binigyan ko rin siya (gXiarag). Hindi ko alam kung nasaan na yung kwintas na ibinigay ko sa kaniya. Maaaring itinapon niya na, o kaya itinatago niya.

Noong nag-outing kami, ako yung nag-aalaga sa kaniya dahil inaapoy siya ng lagnat. Hindi na dapat talaga siya sasama that time. Kaso, pinilit ko siya at hindi naman siya nakatanggi.

Ang pinagtataka ko lang, naging malulungkutin siya at halos hindi na umiimik noong namatay si Ethel. Halos hindi ko na nga siya makausap eh. Higit sa lahat, para bang lagi siyang nagluluksa dahil itim lagi ang kaniyang isinusuot.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon