Chapter 8

278K 6.6K 2.8K
                                    

Roxette's POV

Ang ganda talaga dito! Masyado akong na-aamaze sa magagandang tanawin. Talagang bakasyon kung bakasyon kami rito.

"Sige po, makakaalis na kayo. Balikan niyo na lang po kami rito makalipas ang dalawang linggo." Wika ni Ginny sa mga lalaking nagdala sa amin rito gamit ang bangka.

"Guys, by two's tayo. Pili na kayo ng kasama sa Room." Wika ni Ginny at naghanap na nga ang bawat-isa ng kasama.

Room 1

Ginny

Arianne

Room 2

Tin

Xiara

Room 3

Agatha

Hannah

Room 4

Abi

Mia

Room 5

Grace

Mae

Room 6

Nikka

Joan

Room 7

Dion

Aaron

Room 8

Karlo

Jake

Room 9

Mark

Roxette

Room 10

Jerome

Adrian

Room 11

Tom

Henry

Room 12

Kian

Josh

Room 13

Ethan

Ramil

Hala, bakit si Mark ang kasama ko sa kwarto? Bakit lalaki pa? Huhu!

Wala akong choice, si Mark na lang talaga. Ni minsan hindi ko pa nagawang matulona may kasamang lalaki. Babae ako! At lalaki siya! Nakakahiya!

"Rox, okay lang iyan! Haha!" Wika ni Joan habang tinatapik ang aking balikat.

"Anong okay doon? Eh kung ikaw kaya ang matulog na ang katabi mo ay lalaki hindi ka ba kakabahan noon?!" Wika ko habang nagkakanda-dilat pa ang aking mga mata.

"Oo, okay lang sa akin, basta si Dion yung lalaking katabi ko hihi!" Wika nito sabay takip ng kaniyang bibig.

"Kung gayon, kayo na lang kaya ni Dion ang magsama sa kwarto?" Wika ko habang nakapameywang pa.

"Sorry Rox, strict ang parents ko at kayo talaga ni Mark ang tinadhana ng panahon para magtabi sa isang kwarto haha!" Wika nito habang humahalakhak pa.

"Ok guys, ayusin na natin ang ating mga gamit para maya-maya ay makakain na tayo ng lunch." Wika ni Ginny at nagtungo na nga ang bawat-isa sa kani-kanilang kwarto.

Bibitbitin ko na sana yung bagahe ko kaso nagprisinta si Mark na siya na raw ang magdadala nito kaya pinaubaya ko na sa kaniya.

Pagkarating namin sa aming kwarto ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Ok ka lang ba?" Pagbasag niya sa katahimikan sa loob ng kwarto namin.

"Ah, ok lang ako hehe." Wika ko habang nakatalikod sa kaniya. Hindi ko kayang harapin siya kasi, nahihiya ako sa kaniya.

"Ah ok!" Wika nito at iniayos na ang aming mga gamit.

"Tara baba na tayo." Wika ko habang nakatayo malapit sa pintuan.

Nginitian niya lang ako at tinungo ang direksyon ko. Sabay kaming bumaba ng hagdan.

Malaki talaga ang tinutuluyan namin ngayon. Sa unang palapag ay mayroong apat na kwarto. Ganun din sa ikalawang palapag at may limang kwarto naman sa ikatlo.

"Ayan na pala ang bagong nagkakadevelopan." Wika ni Xiara na tila inaasar kami.

"Uy, tumigil ka nga riyan. Yung bunganga mo ah!" Biro ko sa kanya sabay tapik sa kaniyang braso.

"At isa pa, may girlfriend na si Mark kaya huwag niyo akong tuksuhin sa kaniya." Dagdag ko pa sabay upo sa aking pwesto.

"Wala na kami." Matipid niyang sabi.

"Ows? Kailan pa?" Pang-uusisa ni Mia.

"3 weeks ago." Sagot nito.

"Ano naman ang naging dahilan ng hiwalayan ni Pare?" Tanong ni Dion.

"May iba pa pala siyang boyfriend." Sambit nito.

Nakakaawa pala si Mark. Alam ng lahat kung gaano nito kamahal ang girlfriend niya kaso niloloko lang pala siya nito. Todo effort pa ito para mapaligaya ang girlfriend niya kaso nabalewala pala ang lahat ng ito.

"So ang ibig sabihin niyan, may chance pa sina Mark at Roxette na magkatuluyan." Wika ni Joan at talagang binubuska kaming dalawa.

"Tigil-tigilan mo nga iyan Jo! Isusumbong kita sa Nanay mo!" Pananakot ko rito.

"Haha, joke lang pala!" Wika nito at nagtawanan kaming lahat habang kumakain.

Napansin kong nakatitig sa akin si Ethan at nagtama pa ang aming mga paningin kaya ako na ang nagkusang umiwas ng tingin.

Matapos ang nakakalokong kwentuhan habang nagkakainan ay nagpahinga muna kami sandali.

Maya-maya pa ay nagsalita si Agatha at tinipon niya kaming lahat.

"Guys, gumawa tayo ng isang malaking bilog pwede ba?" Tanong niya at sumang-ayon naman ang lahat.

"At para maging mas masaya ang ating pananatili rito, maglalaro tayo!" Wika ni Agatha habang nakaupo pabilog ang lahat habang siya naman ay nakatayo sa gitna.

Naglabas siya ng bowl at ipinakita niya sa amin at tuwang-tuwa pa.

"Ahm, guys! Bubunot tayo lahat dito sa bowl of surprise na kung saan ay may nakalakip na letra. Kaya kung ano ang letrang panghahawakan mo, ayun ang magiging DARE o kaya ay TRUTH sa ating laro." Paliwanag niya.

"Haha, kundi niyo lang alam. Ang letrang panghahawakan ninyo ay magiging sanhi ng kamatayan niyo! Haha!" Wika ng isang tinig.

"So ibig sabihin, TRUTH or DARE ang lalaruin natin? Na kung saan kapag napili mo ay TRUTH ang sasagutin mo ay kung ano word ang ibibigay sayo ng magtatanong at ganun din sa DARE?" Wika ni Nikka.

"Oo tama ka! Kaya bawal ang KJ! Enjoy lang natin ito!" Wika niya at pinaikot-ikot na nga ang bowl of surprise.

"Ngayong nakabunot na ang lahat, simulan na natin. Spin the bottle muna siyempre." Wika ni Agatha at sinimulang paikutin ang bote.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon