Chapter 5

355K 7.8K 1K
                                    

Roxette's POV

First day of school pa lang, siya na kaagad ang nahagip ng pihikan kong mga mata.

Sa tindig pa lang niya, tinamaan na ako. Ewan ko ba, sa tuwing sumusulyap ako sa kaniya, nakikita kong nakatingin din siya sa akin.

Walang mapaglagyan ang kaligayahang namumutawi sa aking mukha. Feeling ko, ang haba ng buhok ko noong mga oras na iyon.

Noong nagpakilala kami sa loob ng klase, napag-alaman kong Mark pala ang pangalan niya. Ako kasi yung babaeng pakipot at pa-hard to get kaya walang lalaking tumatagal na manligaw sa akin dahil talagang pinapahirapan ko sila.

Minsan lang tumibok itong aking puso lalo na pagdating sa pag-ibig. Nag-open ako ng Facebook noon para mag-update ng status ng makita kong may friend request.

Para akong natigang sa aking kinauupuan ng makita ko ang pangalan niya. In-add ako ni Mark? Hindi pa rin iyon nagpoprocess sa utak ko pero ng i-confirm ko, biglang gumuho ang aking mundo.

May girlfriend na pala siya. Sa totoo nga niyan ay almost three years na sila at mukhang masaya sila sa isa't isa kaya kailangan ko ng manahimik sa isang tabi.

Tumagal at naglaon, awkward ang feelings namin sa isa't isa. Hindi kami nagpapansinan ni nag-uusap man lang. Para kaming stranger sa isa't isa.

One day, nilapitan ako ni Ethan, hindi kami close pero FC siya kaya naki-ride na lang ako.

"Hi Roxette, mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Wika ni Ethan sabay hawak sa kanang balikat ko.

Ako yung tipo ng babae na sensitive at ayaw na hinahawakan ng kung sinu-sino kaya uminit ang ulo ko sa ginawa niya kaya nasampal ko siya.

"Bakit mo ako sinampal?" Tanong niya habang hinihimas ang pisnging tinamaan ko.

"Sorry, nabigla lang ako sayo." Wika ko sabay himas sa kaniyang kanang pisngi.

Medyo awkward kasi eye to eye contact ang peg naming dalawa. Nagulat ako ng bigla niyang pawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

Unti-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at dahil sa inis ko, pinantay ko na ang sakit na kaniyang nadarama sabay tadyak pa sa kaniya paa.

Nakilala ko si Ethan na talagang pilyo. At dahil sa kapilyuhan niyang iyon, lagi kaming aso't pusa sa loob ng klase.

Walang araw na hindi ako lalapitan para kulitin ni Ethan. Minsan nga ay oras-oras pa at minu-minuto.

Ewan ko ba kung may nararamdaman ako kay Ethan. Kasi, hindi pa ako sure sa feelings ko at isa pa, napakaflirt ng lalaking iyon kaya iniiwasan ko na ring ma-fall para hindi ako masaktan in the end diba?

Nagpatuloy ang pangungulit sa akin ni Ethan simula noong nakapartner ko siya sa isang play.

Nahati noon sa dalawang grupo ang aking seksyon at ka-grupo ko nga si Ethan.

"Sino ang gaganap na bidang babae? Sino magaling um-acting sa inyo?" Tanong ni Nikka na nagsilbing lider namin.

"Hindi pwede si Grace dahil sa pagpapatawa lang ang alam niyan." Sabi ni Aaron.

"Eh lalo naman si Mae, dinaig pa ang siga sa kanto kung makalakad eh!" Wika naman ni Karlo na umaasta na siga.

"Kung si Ginny kaya? Ay huwag na pala, masyado iyang sensitive eh hehe!" Wika naman ni Ramil.

"Dapat maamo yung mukha ng ating magiging bida." Sambit ni Nikka.

"Maamo ba kamo? Isa lang ang napipisil ko diyan, Sino pa ba ang magiging Leading Lady natin? Kundi si Roxette diba?" Sabi ni Dion.

"Ha? Ako? Hindi ako magaling sa larangan na iyan!" Pagtanggi ko.

"Anong hindi? Noong high school tayo, ikaw pa nga ang naging best Actress eh!" Pagkontra sa akin ni Joan.

Noong mga oras na iyon, ayoko talaga ng role na iyon. Depende na lang kung si Mark ang magiging partner ko kaso, si Ethan ang pinili nila.

Bakit nga ba si Ethan pa ang pinili nila? Oo, gwapo at makisig siya ngunit kakaiba pa rin ang karismang mayroon si Mark na nagpapabaliw sa akin.

Ibinigay sa amin ni Nikka ang script na ginawa niya. Nagulat ako ng mabasa ko na mayroong kissing scene. Ok lang sana sa akin kung si Mark ang kapartner ko kaso hindi eh.

"Nikka, bakit may kissing scene dito? Tanggalin natin ito! Ayoko nito!" Pagrereklamo ko.

"Rox, fake kissing scene lang naman iyan eh! Hindi talaga kayo maghahalikan ni Ethan, kaya huwag kang mataranta." Pahayag naman ni Nikka.

"Eh kahit na! Hindi ko maatim na gagawin ang scene na iyon kasama ang lalaking kinaiinisan ko!" Wika ko.

"So, ano ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Nikka.

"Gusto kong tanggalin na lang natin ito para iwas gulo na rin. Baka magmuryot si Agatha kapag nagkataon. Haha!" Dugtong ko habang humahalakhak sa pagtawa.

At ayun nga, nagpractice kami habang si Ethan ay bugnot na bugnot dahil pinatanggal ko yung spice ng aming play.

Alam naman ng lahat na may malanding ugnayan sila ni Agatha at ayokong makisawsaw sa kanila kaya ako na rin ang umiiwas sa gulo.

Mabait naman si Ethan at lahat ng kababaihan ay may tendency na mahulog sa kaniya dahil sobrang sweet niya at maalaga. Pero ako, si Mark lang talaga kahit na may girlfriend pa siya. Maghihiwalay din iyan! Haha!

Bukas na nga pala ang alis namin kaya kailangan ko ng mag-ayos ng gamit.

Excited pero kinakabahan! Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero isa lang ang sinisigurado ko, mag-eenjoy ako.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now