Chapter 22:Jealousy again?

6.9K 261 5
                                    

(A/N:Hi Hello ^__^,Sorry po kung ngayon ko lang to nai-update ah?patawarin niyo po ako hehehehehe,Tatry at i-itatry ko pa rin itong iupdate...tatapusin ko kase yung iba ko pang on-going napupuno sila sa utak ko hahahaha yun lang salamat :D )


Quinn's POV


"Bye Brix" nakangiti kong paalam kay Kuya Brix pagkatapos nito akong ihatid sa labas ng bahay namin , tumango tango naman ito at kumaway kaway habang ngiting ngiti sa akin .


"See you tommorow Quinn " After niyang sabihin yun ay agad niyang pinaandar papaalis yung sasakyan niya . nakangiti naman akong tumalikod at pumasok ng gate ng bahay namin ni Fall .


Syempre hindi ko pa rin maiwasang kiligin dahil ang Sweet sweet ni Kuya Brix at nakakatuwa siyang kasama , idagdag mo pa na ang lakas ng dating at ang gwapo gwapo niya dahilan para kainggitan ako at tignan ng masasama ng mga babaeng makakakita sa amin kanina,hihihi .


"Quinn " napatingin ako sa taong tumawag sa akin


"Oh ? Summer , anong ginagawa mo dito ? Gabi na ah ?" gulat kong tanong dito . Seryoso lang itong nakatingin sa akin at ng tignan ko ang mata nito ay parang may kung anong hindi mawari akong mabasa sa mga mata nito .


"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyang Quinn , Bakit ngayon ka lang ? " bigla naman akong kinabahan sa tono ng pananalita nito , Parang hindi siya yung Maligalig na summer na nakilala ko , Masyado siyang Seryoso at ang Cold ng mga tingin nito sa akin .


"A-ah ano k-kasama ko lang s-sila Elaine n-nag mall lang kami " pagsisinungaling ko , ewan ko ba pero parang ayokong sabihin sa kanila na si Kuya Brix lang ang kasama ko sa mall kanina .


"Kelan pa naging Lalake si Elaine ? "pangbabara nito sa akin . Duon naman ako biglang tinamaan at napayuko nalang sa kahihiyan , nagi-guilty ako dahil pangalawang beses na ito .


"K-kasama n-namin si Elaine k-k-kanina kasama yung P-president n-nang Dance C-club " uutal utal kong sabi at parang hindi naman ako makakilos ng bigla nalang ako nitong talikuran at pumasok sa loob ng bahay namin .


Ewan kob ba pero hindi ko talaga magalaw ang mga binti ko at parang ayaw nitong sumunod sa inuutos ng isipan ko .


Mga ilang minuto rin siguro bago ko pa maigalaw yung mga binti ko at makapaglakad papasok ng bahay , pagkapasok na pagkapasok ko ay feeling ko magisa lang ako sa loob ng pamamahay na ito , Nandito man silang apat pero hindi nila ako magawang tignan at parang hindi nila ako napapansin dito sa kinatatayuan ko .


Si Summer ay may kinakalikot sa Cellphone niya , Si Wynter ay may hinahanap sa gilid kung nasaan yung mga Libro na naka Display dito sa may bahay , Si Autumn ay may hawak hawak na papel at lapis mukhang nag do-drawing . samantalang si Fall ay nakaupo at nanunuod ng TV .


"A-ah Good E-evening " bati ko sa kanilang apat , napatigil lang sila saglit pero hindi sila lumingon sa kinaroroonan ko . "A-ano kumain naba k-kayo ? " tanong ko sa kanilang apat pero wala pa rin akong nakukuhang salita ni isa sa kanila, napabuntong hininga nalang ako at naglakad ako papuntang kusina . Nakita kong malinis pa ang kusina at walang bahid ng ginalaw at kumain .

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon