Special Chapter. (pt.2)

4.7K 194 6
                                    

Hi guys,

So here's the 2nd part of the Special Chapters. Hope you guys like it. Don't forget to comment ha? Thank youuuuu! 

The 3rd part will be posted later, at the end of the day (Feb 24, 2016.) 
Again, Happy 1st anniversary sa story ko na 'to!! Myghad, can't imagine na isang taon na siya hahaha. ♥ 

SPECIAL CHAPTER PT. 2: With you in my life. 

QUINN:

Biggest mistake?

Tanong nga kay Venus Raj habang siya pa ang lumalaban bilang miss universe candidate nang pilipinas.

"What is the biggest major mistake that you ever do in your life? And what did you do to make it right?"

Pakiramdam ko ay ang itinanong sa amin nila Elise at Ashe ay kaparehas na kaparehas lang ng tanong kay Venus Raj. Major major.

Pero---

The biggest mistake I ever do in my life?

"Fall---"

Tawag ko sa pangalan nito habang tinitignan ang mga mata nitong nangingintab. Parang anytime ay may mamumuong luha at babagsak aa mga mata niya. Naka-tingin lang siya sa akin.

"T-teka Fall---"

Humakbang ako palapit sa kan'ya. Pero dahil nasa gitna ako ng malawak na crowd ng bar ay marami akong naka-bungguan. May mga nagagalit pero nag-sorry lang ako ng nag-sorry.

"F-fall. . ."

Tinatawag ko ang pangalan niya pero wala. Bigla nalang siyang nawala.

Napatingin ako sa barkada at parang nanlamig ang buong pagkatao ko nang makita ko ang mga tingin nila na parang nagaalala at sa table ay ang isang malaking bouquet ng flower na wala naman kanina duon.

"S-si Fall--- a-asan si Fall?" Utal kong tanong sa kanila habang naka tingin sa bulaklak na naka latag sa lamesa.

"Umalis n---na. . ."

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi ni Summer. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling tumakbo palabas. Kahit na hilong-hilo na ako at parang umiikot na ang mundo ko ay patuloy padin ako sa pag takbo.

"Fall--- F-fall. . ."

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Fall. Pero wala. Ni anino niya, wala.

Nanginginig na ang buong pagkatao ko at naiiyak na ako sa guilt na nararamdaman ko. Sh't ka Quinn. Naging malandi kapa. Ang grabe mo!

"Kawawa naman si Matt pare. Umiiyak palaba--" napatingin ako sa isang lalaki sa gilid. Pamilyar siya e.

"Nakita mo ba si Fall?" Tanong ko sa kan'ya.

Napatingin ito sa akin at duon ko lang narealize kung sino siya.

"Uy Quinn!" Gulat na tawag niya sa pangalan ko. Ngumiti ako sa kan'ya at muling nag tanong.

"Adrian, nakita mo ba si Fall?"

"Si Matt? Yeah--- lumabas si---" hindi pa siya natatapos mag salita ay agad na akong nag thank you sa kan'ya at tumakbo palabas ng bar.

Saktong pag labas ko ay nakita ko ang sasakyan ni Fall na naka parada sa harap. Nanginginig ang kamay ko at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko.

Heavy tinted and salamin ng sasakyan ni Fall kaya hindi ako sure kung nasa loob ba siya. Kaya lumapit ako duon at nagbabaka sakali na kumatok. Baka nasa loob lang siya.

"F-fall. . "

Katok lang ako ng katok at maya-maya pa ay bumukas ito.

Lalo akong nasaktan at nagsimula na ding bumagsak ang mga luha sa mata ko kasabay ng pagka durog ng puso ko. Umiiyak siya. Kitang-kita sa mga mata niyang umiiyak siya.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon