Chapter 20:Something

7K 253 11
                                    

Quinn's POV

"Ano ba Quinn lutang ka nanaman ! " napapitlag ako nang bigla akong paluin nang katabi ko , agad naman akong napatingin dito at sinamaan siya nang tingin .

"Ano nanaman ba yun Fiella ? " iritang sabi ko dahil ang bigat bigat sobrang ng kamay ng baklang to .

 "Bakit ba kase tulalang tulala ka nanaman jan ? kanina ka pa namin kinakausap eh " mataray na sabi niya  .

"Sorry naman may iniisip lang "

"Sus , Yung Fafa Fall mo nanaman ! nakoo bakla kung aketch sayo wit ko nang tinkerbell ang jowaers mong snobbers " sabi niya habang nililinis yung kuko niya .

"Hindi naman siya yung iniisip ko eh , well part naman siya nung pero hindi talaga siya yung pinaka iniisip ko " sabi ko dito tapos kinamot kamot yung ulo ko dahil nai-stress na talaga ko

"Ang gulo mo naman Baklers , yung totoo ? Naka singhot kaba ng Shabu ? para kang nakadrugs eh " tumingin siya sa akin nang seryoso . "Kung aketchinambels talaga sayo baklers , wit ko nang i titinkerbell yang mga chakang problems mo " sabi niya tapos ay tumayo na . oo nga pala nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto niya dito sa bahay nila , syempre malamang alangan namang nasa bahay namin yung kwarto niya diba ?

Ay Jusko ! anu ba naman yan pati sarili ko nababasag ko na ! ayoko naaaaa !

"O siya mag ayos kana dahil maya maya lang konti ay pupunta na tayo sa School para sa practice ng Sayaw " Tumango tango nalang ako at kinuha na yung bag ko , siya rin ay tumayo na .

  Nang makarating na kami sa School ay wala masyadong tao dahil Linggo , tsaka puro mga Clubs lang na magpeperform sa Foundation Week na gaganap simula sa susunod na lunes , Since kasali si Elaine dun sa Dance Troupe ng school eh na irequest niya kaming dalawa ni Fiella na sumayaw , Naghahanap daw kasi sila nang 4 Gays na pwedeng mag suot nang pangbabae at magsayaw ng heels , tutal naman at sanay kaming dalawa ni Fiella ay sumali na kami , at mukhang exciting dahil halos lahat ay makakapanuod , parang Concert ang gagawin nila .

 "Mga Sisteeeeers ! Andito na pala kayo " Sigaw na salubong sa amin ni Elaine pagkatapos ay tumakbo papalapit sa amin . agad naman ako nitong niyakap tapos ay si Fiella naman .

"Aray ko naman Elaine ! parang di tayo nag Sightsung yesterday ! " Sigaw ni Fiella kay Elaine tapos binatukan to

"Aray ko ah  ! nawiwili ka kakabatok saking bakla ka ! " sigaw ni Elaine tapos binatukan din si Fiella .

"Hep hep hep ! mamaya na ang Gera at ipakilala mo na kami sa mga ka grupo mo  " para namang natinag sila tapos nagtinginan sa taong nakapaligid sa amin , lahat sila nakatingin sa dalawa at parang hindi malaman kung matatawa ba o ano .

"Ay hehe "

lumapit na si Elaine sa mga ka Grupo niya tapos hinila kami ni Fiella .

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon