Shirley - 9

224 10 1
                                    

Shirley - 9

Note : Wala po ba kayong regalo ngayong pasko? Pwes, ito ang aking regalo sa inyo! ❤💚


*******

*Third Person's POV*

"Please lubayan mo na ako." Pagmamakaawa ni Benj kay Luis, habang sila'y palakad lakad sa park.

Sinusubukan ni Benj na iwasan si Luis dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Si Luis naman, ay makulit dahil alam na niyang patapos na ang kwentong ito, pero pinapatagal pa ni Benj.

Nagtataka siya, bakit nagiba ang aura niya simula nung naikwento niya ang insidenteng iyon dalawang araw na ang nakalilipas?

Mahahanap siguro niya ang sagot pag sinabi na ni Benj ang huling parte, sa kanilang love story.

Hinahabol pa rin niya si Benjamin. Paikot ikot na yata sila sa park. "Bitin kasi Sir Benj, naputol na yung linya kagabi."

"Patapos naman po ito hindi ba Sir Benj?"

"Ano na po nangyari after non?"

"Namatay po ba si Shirley? Kayo po ba yung tinamaan ng baril?"

"Sir Benj--"

Natigil si Benj sa paglalakad at sumigaw. "TIGILAN MO NA AKO LUIS!" Hinawak niya ang kanyang ulo at napa-upo sa damuhan.

Maraming tumingin sa kanila. Sumigaw ba naman kasi si Benj. Hinayaan na lang ito ni Luis at nilapitan si Benj, baka sakaling mapa-kalma niya ito.

Ngunit nung lumapit siya, hindi niya inaasahan ang itsura ni Benj.

Umiiyak siya.

Umiiyak.

Habang kinukurot niya ang kanyang ulo, patuloy na bumubuhos ang kanyang luha.

Hinawakan niya ito sa balikat, "Sir .. tahan na po. Bakit po kayo nagkakaganyan?"

Hindi siya nito sinasagot. Tiningnan na lang siya ng mariin at bigla na lang ito niyakap.

Di na lang nagsalita si Luis.

"BENJ!" May boses na umaalingid sa tenga ni Luis,

Nakita niyang may babaeng tumatakbo papunta sa pwesto nila.

Maski rin ang babaeng ito ay napailing sa itsura ni Benj, "Dalhin natin ito sa ospital."

"Ano po?" Tanong ng pagkakagulat ni Luis.

"Mamaya ka na magtanong, tara na. Baka magwala pa iyan dito."

Tinulungan na lang niya na buhatin si Benj at dalhin sa ospital ...

***********

"Ako nga pala si Jamaiza, kakambal ni Benj." Nauna nang magpakilala ang babae,

Nginitian naman ito ni Luis. "Luis Ago ncillo po. Nakwento ka na po ni Sir sa akin, kaso di ko po alam yung itusra niyo, pasensiya na po."

"Naku okay lang iyon. So ikaw pala yon? Yung nangangailangan ng interview for thesis? Ahm. Nakuha mo na ba lahat ng info?"

He sighed. "Yun na nga po Miss Jam, ito na po sana yung huling interview ko sakanya kaso ito po yung nangyari."

"Tungkol kay Shirley ito no?"

"Paano niyo po nalaman?"

"Because I'm his sister?" Hindi alam ni Luis kung iyon ba'y pambabara o sarkastiko kaya nanahimik nalang siya.

Lumihis ang direksyon ng tingin ni Jam. "Last friday night. I saw him crying in his room. Sobbing. His face is full of tears. Even though he didn't talk to me, I know its about Shirley. Siya lang kasi ang makapagpapaiyak ng ganun kay Benj. "

'Ito na siguro ang makakasagot sa aking mga natitirang tanong' Pagiisip ni Luis, kaya sinimulan na niya. "Ano na po bang nangyari sa kanila? Ang huling sinabi niya po nung sinubukan niyang iligtas si Shirley kay Drake?"

"Sorry, Luis. Hindi ko masasagot iyan kasi si Benj lang ang totoong nakakaalam ng lahat. Plus the bad news, malabo mo nang masagot iyan.

The next morning came when the police called me about my brother. Sa ospital ko na siya napuntahan, hindi sa Gym. Akala ko nga tapos na ang lahat, pero binigyan pa si Benj ng pagkakataon para mabuhay.

At that time, he's suffered from coma. Two weeks siyang hindi nagigising at sa loob ng two weeks na iyon, hindi pa rin nagkakaroon ng hustisya sa pambubugbog sa kanya. That Drake Lagdameo? Hindi sumipot sa amin. Kahit nga ako, gusto ko na siyang patayin. And Shirley, wala na kaming contact don since then. Ang huling kita ko sa kanya, nasa ER siya non with Benj.

After two weeks, nagising siya. Hindi naman siya makagalaw sa lahat ng tinamong sugat niya."

"Wait lang po, siya po ba ang tinamaan ng baril ni Drake or si Shirley?"

"I don't know. Halos buong katawan niya ay duguan. Puro sugat at pasa. Wala naman nareport sa amin na may balang nakuha sa kanya maybe he's not the one.

Balik tayo, buong katawan niya'y wpuro sugat, akala namin hanggang dun lang. A week after he woke up,
pumunta yung mga pulis para interviewhin siya. Ngunit wala siyang masagot sa kanila. Nagka-amnesia siya, Luis. Hindi niya maalala yung aksidenteng iyon. All he know na that night na niligtas niya si Shirley sa kamay ni Drake. Hanggang dun lang.

That was two years ago, nung nalaman kong iniinterview mo siya, natuwa ako. Kasi dahil sa iyo .. unti unti na niyang naalala yung mga pangyayaring iyon. Hindi niya kinukwento sa amin yun eh, kaya wala kaming idea kung bumalik na talaga siya sa normal or what.

The way he reacted a while ago, normal na yun. Pag pinipilit niya ang isang bagay na maalala, sumasakit ulo niya. Ganun ka sensitive ang katawan ni Benj. "

Tinamaan ng konsensiya si Luis. ' Dapat pala di ko na siya kinulit'. "Sorry po, dahil sa akin napagastos ko pa po kayo."

She smiled."No its okay, like I said normal na iyon, during the interviews ng mga pulis sa kanya nagkakaganyan rin siya."

Nanahimik na silang dalawa. They are patiently waiting for Benj, na hanggang ngayon nasa ER pa.

"Ay Luis," Nagsalita ulit si Jam.

Lumingon naman ang binata.

"Maalala ko lang pala about Shirley, namatay na raw siya. Ewan ko kung kailan, yung doctor lang ang nagsabi sa amin na patay na siya."

Nagulat si Luis. "Grabe naman po. Eh kay Drake po ba? Wala kayong info?"

"Wala, as in. Wala kaming binayad nung naospital si Benj nun eh, maybe their family paid for it."

Magtatanong na sana ulit si Luis nang may lumapit sa kanilang doktor at sinabing pwede na silang pumasok sa kwarto para kamustahin ni Benj.

Nauna na si Jam, na agad namang niyakap at hinalikan sa noo ang kapatid.

Sumunod si Luis at diretso upo sa may sulok ng kwarto.

Nang nalihis na ang mga mata ni Benj sa kanya, siya na ang naginsist na pumunta sa kabilang side ng kama ni Benj st umupo.

"Sir, are you alright? By the way I'm sorry about the way I acted a while ago."

"Mein Held." Sagot ni Benj sa kanya.

"What?"

"Mein Held. That's what she said before I became unconscious that time."

******

Trivia : Mein Held was the German translation for My Hero.

Yo Guys! Kamusta na? Merry Christmass! Spread the NashLene love until the end! 🎄❤💚

Votes and Comments are Highly Appreciated. Para todo todo na pag uupdate ko. Hihihi

-Pampam

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon