Shirley [NashLene Love Story]

3K 44 5
                                    

Shirley

Prologue.

Benj's POV

Year 2020

"Sir .. Sir!" Panawagan ng isang boses sa likod ko. Lumingon ako, laking gulat ko pagkat ang lalaking ito ay papunta sa akin.

"A-ako?"

"Oo. Ikaw nga po Sir." Sabi niya at ngumiti.

"Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko lang po maginterview para sa thesis ko Sir."

"Ha? Bakit ako?"

"Masyado po kasi kayong gwapo na bagay po sa mga itatanong ko."

"Kuya, tanggap ko naman na gwapo ako kaya lang, ayoko ng paparazzi. Haha! De joke lang. Sige iho, ano ba iyon?"

"Sir, pwede po ba dun tayo sa fastfood? Kumukulo na po itong tiyan ko." Sabi niya sabay hawak sa tiyan niya. Narinig ko rin ang hagulgol nito. Naglakad kami papunta sa malapit na fastfood mula sa kinatatayo namin. Habang hinihintay ang order niya, umupo kami sa isang table. Saka na siya nagsimula.

"Sir, ano po pala ang pangalan niyo?"

"Benjamin Jalbuena. or Benj for short."

Sinusulat niya ang lahat ng sinasabi ko. Biography kasi ang una niyang kailangan. Ako naman tong sagot ng sagot.

"Yan. Okay Sir Benj eto na po ang tanong ko."

"Sige iho."

"Naranasan niyo na po bang ma-inlove?"

Napatitig lang ako sa kanya. Ang tanong na 'yan. Ang tanong na mula noong marinig ko noong araw, nabaliw na ako. Kumulay ang buhay ko noon dahil sa tanong na 'to. For short, Dito nagsimula an buhay ko.

"Sir Benj?" Sabi niya sabay kaway sa akin. Natulala pala ako. Masagot na nga.

"Ahm, Oo. Naranasan ko na."

"Nice one. Now Sir Benj, paano po kayo na-inlove? Saan nagsimula? Sino ang babaing ito?"

"Teka iho marami na iyan. Pero maganda rin para isang sagutan na lang. Ikukwento ko sa iyo ang buong storya."

Nagfist pump siya. Nakakapagtaka. Bakit kaya? Para mas detalyado ang mga sagot niya? Swerte. Mataas grade nito dahil sa akin.

"Siguro kakaiba ang meaning sa akin ng Love na yan. Ang normal kasi, yung may asaran, tapos aksidenteng magsasaluhan, o di kaya tungkol sa isang bestfriend, or sa isang sikat na tao sa school na pinansin ka. At dun na nagsimula ang lahat. Ibahin mo ko iho, ibahin mo talaga ako. Never kong naexperience yan. Sabi nga ng iba masama ang pambubully, dahil nakakasakit to ng tao. Pero ang word na iyan sa akin, Lucky Charm. Parang si kupido in the real world. Kasi yang Bully na yan ang nagsimula sa love story namin."

Namangha ang bata. Told you. Kakaiba nga naman kasi. Hinintay ko siyang magsalita ulit.

"Ah, Sir Benj .. Bago niyo po pala simulan ang kwento, Ano po ang pangalan niya."

"Ahm .. Siya?

Si ...

Shirley Bernardo."

------------------------------------------

Hello Po guys! Im back! Yehey namaaan! Hahaha! XD. So ito na po ang bago kong story, actually dapat sa Feb pa to pero patuloy niyo po akong pinapasaya at pinapainspire kaya ... ITO NA SIYA! :"> Send me some feedbacks about the Prologue. I dont even know kung kailan na ang first chapter pero one things for sure. Pasayahin niyo ulit ako. And with regards with the GBY, Sa SATURDAY na po ang UD! Sana suportahan niyo po ang mga stories kooooooo!

mahal na mahal ko kayo!

Belated #HappyNashLeneDay sa inyo! :****

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon