Shirley - 2

537 22 4
                                    

Shirley - 2

"Ahm, Shirley? Bakit siya ulit. Tanong ko sabay turo sa driver. Siya rin kasi ang driver na nasakyan namin nung umagang iyon.

Hindi ko rin alam. Siya yung unang nandito eh. Hayaan mo na. Sagot niya habang nakatingin sa labas. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, ilang minuto na rin ang lumipas mula nung nakaalis kami sa campus.

Sa pagdaan ng oras, nagiging malayo at di pamilyar ang lugar sa akin. Parang liblib na lugar na maraming puno. Parang gubat ang pupuntahan namin.

Napahinto ang sinasakyan namin. I guess na nandito na kami. Biglang bumaba si Shirley at di man lang ako hinintay.

Boss. Yung bayad niyo po.

Aba mautak din ang babaeng to. Buti na lang at may dala pa akong pera. Nasalisi ako ng wala sa oras.

Sinundan ko ang ruta ng pinaglalakaran niya. Nang biglang.

AAAAGGGHHHH

BOGSH.

HAHAHAHAHAHA TIMAWA KA KASI DI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO. HAGDAN LANG TO. Aliw na aliw si Shirley sa nangyari sa akin. Di ko kasi namalayan na hagdan na pala kasunod kaya bigla akong napatumba at nagpagulong gulong, sa sobrang bilis naabutan ko siya at nahuli akong ganito.

Hindi man lang ako tinulungan tumayo at imbis ay tumawa pa lalo. Wala ba talagang puso tong babaeng to? "

"Wala talaga, nasa iyo nga eh." Sabi ng binata habang natatawa sa kwento ko. Sino ba namang tanga na gawin yon. Iniwasan ko na lang siya ng tingin, at nagpatuloy ulit.

"Tinulungan naman niya akong tumayo, kaso sakit naman ng anit ang nabiktima dito. Sinabunutan ba naman ako patayo."

Pagkatayo ko hinayaan niya akong magayos sandali. Nung naramdaman niya na okay na ako, inakbayan niya akong bigla at tinakbo niya akong mabilis pababa ng hagdan.

Saan ba tayo pupunta? Tanong ko.

Ngunit hindi siya sumasagot. Hanggang sa huminto siya at tumingin sa kinatatayuan namin. Nasa ilalim na pala kami ng punong acacia, na katabi ay ilog, sariwa ang hangin at kitang kita mo dito ang araw na papalubog.

Alam mo na. Sagot niya at kumuha ng pagkain sa bag. Binato niya ito. Sakto naman sa mukha ko. Kawawang Jalbuena.

Bakit mo ako dinala dito? Sunod ko namang tanong, pero hindi pa rin siya sumagot. Instead, kumuha ng bote sa bag at pumunta sa ilog pag balik niya nakita kong ibinibigay niya sa akin ang BOTE na may lamang tubig. Iinom ako ng tubig ilog?

Wag kang magalala. Fresh at malinis to. Sabi niya sabay suksok sa tiyan ko. Babae ba talaga to?

Nanahimik kaming kumain at inabangan ang araw para lumubog. Wala pa rin siyang imik.

Oy. Tawag niya sa akin. Salamat ulit kanina. Sa boses na iyon, lumabas ang pagkababae niya na mahinahon.

Wala iyon. Obligasyon kong tumulong sa kapwa ko.

Ganda dito no? Sabi niya sabay higa sa damuhan. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatitig sa langit. Kung ganito lang ka simple ang buhay ko.

Anong ibig mong sabihin? Tanong ng pagaalala mula sa akin.

Ah, w-wala. Sagot niya at bumangon. Tumingin siya sa akin. Alam mo ikaw palang ang una kong dinala dito. Sabi ko kasi dati ang lalaking madadala ko dito ay matatawag kong special sa akin. Naniniwala ako sa sarili ko na di ka special sa akin. Ganoon ba ka sentimental ang pagsagip mo sa akin kanina?

Umimik ako. Hindi ko alam. Siguro ngayon ka lang natulungan ng isang tao no?

Baka. Sabi niya. Baka rin dahil sa sobra kong manakit akala nila malakas na ako.

Sandali lang. Ibang Shirley na tong kausap ko. Nagiging babae siya. Himala. Lalo akong nacu-curious.

Naramdaman ko na lang na ginatukan niya ako. Bakit ka ba nangingielam sa buhay ko ha!

Teka Shirley, ikaw ang nagsabi--

HINDI PAKIELAMERO KA!

Ayan pinuri ko pa kasi, bumalik na naman sa dati.

*kring kring*

Ma? Sagot ko.

Anak? Nasaan ka na? Umuwi ka na.

Pinapauwi na ako ng nanay ko, naka speaker kasi ang telepono ko kaya narinig ni Shirley lahat. Nakatitig lang siya sa akin. Hinawakan niya ang wrist ko.

P-pinapauwi na ako. Matipid kong sinagot.

Blanko lang ang mukha niya, kagaya nung kaninang umaga na nakatabi ko siya sa tricycle.

Pumiglas na ako sa hawak niya at sa di inaasahang paraan, tumakbo ako palayo. Madilim na rin kasi kaya nagmadali akong umalis. Ang tanga ko. Di pa ako nakakapagpaalam ng maayos kay Shirley bago ako tumakbo. Nasa labasan na ako nang maalala ko. Hinintay ko siya sandali. Pero nangungulit na ang nanay ko. Baka daw makain pa ako ng kulto.

Bukas na lang Shirley, bukas."

"Speechless,Over the edge it is breathless, I never thought that I'd Catch this, lovebug agaiin." Sura ng bata sa akin.

"Ikaw, magsusulat ka na lang nanunura pa."

"Oh. Hinay hinay po. Nakakakilig din kasi. Kahit lalaki ako."

*Baaarrrgggsssh*

Dumagundong ang malakas na kulog na sinabayan ng malakas na ulan. Na-trap kami sa loob ng resto na to.

Napansin kong kumukulo ang tiyan niya. At tumingin sa akin, nakangiti.

"Oh Sige, magoorder na ako." Sabi ko at naglakad papunta ng counter.

"Ah miss, dalawang mami nga."

May tumabi sa akin sa counter.

"Miss, Siomai at Gulaman nga po."

Napalingon ako sa kanya. Di ko naman siya makita sa haba ng buhok na nakaharang sa akin.

Siomai ...

Gulaman ..

?

-----------------------------------------

Sorry for the Long Late Update! I'll promise na babawi ako. Ngayon lang po ako nakaluwag sa school. Hope you'll like this chappy.

Votes And Feedback are highly appreciated.

Abangan : Ang Best Ending Ever (Gaya gaya sa G2B XD) ng Gotta Be You!

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon