THB 3

144 7 4
                                    

Malaki ang room ko, eto yung parang condominium style na nakikita ko sa mga mga design ni Daddy. Malaki para sa isang katulad ko. May sala, sariling kusina, may mini library, may queen size bed and big size ng bath tub, feeling ko destined ang room na to para sakin dahil sa mala butterfly na kulay ng buong room. Hindi ko alam kung may kinalaman si Daddy sa itsura nito pero nagustuhan ko.

I was expacting na meron akong room-mate pero nagkamali ako dahil magisa lang ako dito, kahit naman na magkaron ako ng room-mate sigurado naman ako na lalayuan din nya ko.  Mabuti narin na wala, hindi ko kailangan itago ang sarili.

Ang lugar na to ang magsisilbing safe place para sa akin. Tama safe place ko ito, walang control o kahit anong pagpipigil sa sarili ang mangyayari kapag nandito ako. Mapapakita ko kung ano ako sa kwarto na 'to.

Natapos na ko sa pagaayos ng gamit ko, hindi naman naging mahirap para sakin yun dahil kontrolado ko ang papalipad ng mga bagay. Tinignan ko ang wrist watch ko, ala-una na ng hapon kaya pala nakakaramdam na ko ng gutom. Kinuha ko ang walet ko lumabas ng kwarto.

Nasa fifth floor ng dorm ang kwarto ko kaya kaylangan kong gumamit ng elevator para makarating sa baba. Hindi ako nakakalipad pero kaya kong pumunta sa ibang lugar gamit ang isip ko basta iisipin ko lang ang lugar na yun at makakarating na ko. Pero ayokong gamitin ang kapangyarihan ko, kahit imposible gusto kong mamuhay ng normal, tahimik.

Merong pinakitang cafeteria si Sir Aliman sa akin kanina, siguro duon nalang ako kakain. Mamaya nalang ako mag-grogrocery baka hindi na kayanin pa ng gutom ko kung mamimili pa ko.

-THB-

"Sana hindi nalang ako dito pumunta" mahinang bulong ko. Malaki ang lugar, maayos at elegante ang mga kagamitan. Parang malahotel ang dating ang problema ang mga estudyante.

Parang nakakaron ng food fight sa loob nito. Panay ang batuhan ng kung anu-anu at ang iba naman nagdadaldalan at nagtatawanan.

Narinig ko na tumunog ang tyan ko. Gutom na talaga ako, sana pala sa lumabas nalang ako ng university kumain o kaya  nagrocerry nalang ako.

Habang naglalakad ako papasok sa loob parang silang nakita ng multo. Sa bawat paglakad ko tumatahimik ang mga dinadaanan ko. May nagawa ba ko?

"New student?"

"Ang ganda nya"

"Ang amo ng mukha"

"Baka mukha lang ang maamo hindi ugali"

"Ang astig ng tatoo nya."

Mga bulong bulungan sa paligid na hindi ko pinansin. Hinatak ko ang longsleve ko para matakpan ang tattoo ko, buti nalang hindi bago sakanila ang nakakita ng tattoo.

Umorder ako ng pasta carbonara and juice, kulang to pero kahit papano mapapawi ang gutom ko. Sa dorm nalang siguro ako kakain ulit kapag nakabili na ko ng pwedeng lutuin.

Nang makuha ko ang order ko ay agad akong naghanap ng pwesto at sa kasamaang palad walang bakante. Siguro I-take out ko nalang since wala namang pwesto. Pabalik na sana ako sa counter para ipabalot ang inorder ko ng may isang babae ang biglang sumulpot at nabunggo ko. Natapon ko sa kanya ang pagkain na hawak ko.

"Shit!" Galit na sinabi niya sakin.

"Sorry hindi ko sinasadya." Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang damit nya dahil nabasa ito ng juice pero di pa man nakakalapat sakanya ang panyo ko agad na niyang hinampas ang kamay ko.

"Don't dare to touch me bitch!" Tinignan ko ang mukha niya. Maganda siya, halatang supistikada pero may masama siyang aura. Hindi ko alam pero nakikita ko ang masamang enerhiya sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon