THB 1

312 7 4
                                    

"Malapit ka ng mag eighteen." Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain, wala naman akong dapat sabihin dahil kung ako ang tatanungin ayoko ng tumuntong pa ng eighteen. Kung kaya ko lang ihinto ang oras, ginawa ko na.

"Bukas ka na rin papasok sa bagong mong school"

"Ayoko pong pumasok."

"Papasok ka." Alin ba sa salitang ayoko ang hindi niya maintindihan?

"Hindi ako papasok." Ang mga nag-aaral ay para sa mga taong gustong magkaron ng kinabukasan at ako? Kahit mag-aral pa ko hindi ko hawak ang kinabukasan ko. Umalis na ko sa harap ng lamesa dahil ayokong makipagtalo sakanya, matagal na naming napagusapan ito.

"Yung iba hinahangad na makapag-aral pero ikaw tinatangihan mo." Huminga ako ng malalim. Hanggat maari ayokong magalit dahil panigurado makakasakit na naman ako. Sa lahat ng kaya kong kontrolin ang nararamdaman ko ang mahirap pagilan.

"Para anu? Kantiin nila? At anung susunod masasaktan ko sila? Alin ba sa kalagayan natin ang hindi ninyo maintindihan? Hindi ako normal gaya nila at kahit magpalipat lipat man tayo ng bahay, school at lugar hindi magiging normal ang buhay ko. Dahil ilang bwan nalang magagaya na ko sakanila."

"Hindi ka magagaya sakanila at naniniwala ako sayo." Kalokohan!

"Hindi?" At tumawa ako ng mapait. "Nasa dugo ko na yun dad! Nasa dugo! Dahil kung hindi bakit si Kuya? Si Mommy?" Pag-galit na tanung ko, dahil hindi ko na naman napigilan ang nararamdaman ko bigla nalang nabasag ang salamin bintana at lumipad ang mga plato na animoy may mga sariling isip na pumunta ito sa pwesto ni daddy, agad nya din napigilan sa isang taas lang ng kanyang kamay. Sabay sabay silang huminto at nalaglag sa sahig.

"Pinili nila iyon" Sana kayo ko ding gawin iyon.

"Nakatalaga silang maging ganun at hindi malayaong maging kagaya ko sila" At dali dali akong umakyat sa kwarto ko. Kaya ng linisin ni daddy ang mga kalat sa baba.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong sinarado ang pinto at nilock ito sa paraan na gusto ko. Lock na ako lang ang makakabukas.

Dumiretso ako sa kama ko at tinapon ang sarili ko na parang isang bagay, Naalala ko ang mga masasayang araw namin, pero imbis na ngiti ang maging bunga ng pagiisip ko mga patak ng luha ang naging kapalit nito.

Isang kumpas ng kamay ang ginawa ko at napalitan ng mala-kalawakan ang paligid ko na tanging mga bituin lang ang nakikita ko.

"Bakit Kuya? Mommy?" Sambit ko sa isip ko na syang sinulat sa nito hangin.

Hindi ako normal na tao, normal na pwede mong magawa ang mga bagay na gusto mo, magawa ang mga bagay na walang maapektuhan o masasaktan na ibang tao.

Isa akong sorcerer. May kakayanan na gumawa ng mga bagay na imposible, ang palutangin ang mga bagay sa ere, basagin ang mga bagay gamit sa kakaibang paraan at iba pang malamahika na pwedeng gawin. Noong una, normal pa ang buhay ko, nagagawa ko pa ang mga bagay na ginagawa ng normal na tao pero simula ng lumabas ang kapangyarihan ko, hindi ko na nagawa ang mga bagay na nagagawa ko noon.

12 years old ako ng malaman ko na may iba akong kakayahan at duon ko lang nalaman na hindi kami ordinaryong tao. Naipaliwanag samin nila Mommy at Daddy ang kakayanan na meron kami. Noong una akala ko masayang magkaron ng kapangyarihan pero hindi pala, hindi siya masaya dahil sobrang binago ng kapangyarihan na meron kami ang kapatid ko. Simula ng matutunan niya ang pag-gamit nito hindi na siya nakuntento sa meron sya. Naging ganid siya at naging masama. Sinubukan ni Daddy na baguhin ang pananaw ni kuya pero wala siyang nagawa dahil mismong si mommy ang sumusuporta sa kanya.

At iniwan nila kami.

Naging usap-usapan at tampulan kami sa aming bayan kaya nagkanda lipat lipat kami ng lugar kung saan walang nakakilala samin pero wala ganun pa din. Meron nakakilala at nakakilala samin dahil sa mga pinangalingan naming lugar at minsan dahil narin sakin. Madalas kaming tawaging mangkukulam, mga kampon ni satanas at higit sa lahat hindi daw kami tao at dahil hindi na ko nakapagtimpi nagawa kong iangat ang isang bakal gamit ang isip ko at pinalipad iyon sa direksyon ng taong nagsabi na iyon samin. Ni hindi nagawang mapigilan ni daddy ang ginawa ko kaya nasaktan sya. Mapalad nalang ako dahil hindi ko sya napatay.

Tinuruan ako ni Daddy na pagaralan ang kapangyarihan ko para kahit papano magawa kong kontrolin ang ilang bagay. Dati kapag tinitigan ko ang isang bagay minsan lumilipad, minsan nababasag at ang masaklap minsan nawawala ng parang bula. Hindi naman ako nabigo na kontroling ang kapangyarihan ko pero hindi doon nagtatapos ang lahat, dahil mas malakas ang nagagawa ng nararamdaman kesa ang pagkokontol ng isip. Hindi kasing dali ng pagpapalipad ng mga bagay at pagwasak sa isang tingin lang.

Ang nararamdaman ko ay parang bulkan na sasabog hindi mo alam kung anung mangyayari at lalong hindi mo kayang pigilan.

Isang wasiwas ng kamay ang ginawa ko sa ere at napalitan ito ng picture nila.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang dahilan ng pagbabago nila. At aaminin ko natatakot ako dahil ayokong matulad sakanila pero ang dugo ni mommy ang nalalantay sa mga ugat ko kaya hindi malayong maging kagaya ko sya... Sila.

-THB-

"Pack your things Phoebe." Utos ni Daddy sa akin. Ngayon ang first day ko sa school. At dahil hindi ako ang masusunod sa buhay ko naguumpisa na kong ilabas ang malate ko at ayusin ang gamit ko.

Naipaliwanag na nya sa akin ang lahat at titira ako sa isang dormitory na nasa loob mismo ng school na papasukan ko.

Ito ang unang beses na malalayo ako sa kanya at aaminin ko hindi ako sanay, gusto ko sanang tanungin siya kung bakit pero mas pinili kong manahimik. Wala namang magbabago kahit malaman ko pa.

Nang matapos ko na maimpake ang gamit ko ay agad kong inayos ang mga sarili ko. Ngayong araw narin na to ang pagalis ko. Minsan hindi ko maintidihan kung bakit kailangan ko pang pumunta ng school at magaral, mas maiintidihan ko pa kung isang school ng mga katulad ko ako makakapasok pero malabong mangyari yun dahil sabi nya bilang nalang ang mga kagaya namin dito sa mundo.

Nagsuot ako ng pantalon at isang sweater jacket. Mas simple mas hindi agaw ng atensyon.

"Anak okay kana?" Hindi na ako nag-atubiling sumagot at binuksan ko na ang pinto.

Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa.

"Bagay sayo anak ang suot mo." Kada lumilipat kami ng lugar, lagi kong inaalam kung paano sila manamit at ibang paraan nila kung panu sila makihalubilo sa ibang tao. Mga kaugaliaan at iba pang bagay na pwede kong malaman sa lugar.

Ayoko maging mangmang sa lugar na alam kong magiging mahirap para sakin.

The HeartbeatWhere stories live. Discover now