THB 2

137 5 2
                                    

"Nandito na tayo." Tinignan ko ang gate na nasa harapan namin, malaki, masyadong malaki para tawirin o akyatin.

"Empress University" mahinang bulong ko. Kung tama ang pagkakatansya ko. Mahigit isang oras ang byahe namin simula sa bahay hanggang dito. Marahil iyon ang dahilan kung bakit niya ako gustong manatili dito.

Bumaba kami ng kotse at pumasok sa loob ng school. Unang bumungad samin ang mga studyante na nasa labas, may mga nakauniform at ang iba naman ay nakasibilyan. Hindi ko gusto ang nakikita ko dahil halos lahat ng mga babae ay ang i-ikli ng damit. Ang mga lalaki naman ay may kanya-kanyang grupo, may mga nagbabasa ng libro may iba nang-gugulo. Yung totoo eto naba ang school para sa mga kolehiyo?

Sinundan ko lang ang nilalakaran ni Daddy. Kakausapin ko sya. Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na 'to kung gusto nya akong mag-aral mag-aaral ako pero hindi dito. Dahil sa unang tingin palang alam ko na ang kahihitnan ko.

Parang ngayon palang masasabi ko na mahirap makahalubilo sa mga tao kung tatawagin nila itong normal.

"Dad ayoko dito." At pinigilan siya sa paglalakad.

"Bakit?" Hindi ako nagsalita at tinignan ko ang paligid. Ganun din naman ang ginawa niya. Siguro naman hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

"Anak. Kaya mo yan." Huminga ako ng malalim. Kaya? eh kapag di lang ako nakapag pigil baka lahat sila mapalipad ko. Sabagay kailan ba niya ako pinakinggan?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Admin. Kumatok muna kami at saka pumasok sa loob. Unang bungad samin ang lalaking hindi nalalayo sa edad ni Daddy. Kinamayan nila ang isa't-isa. Kung titignan masasabi mo na parang matagal na silang magkakilala dahil binibigay nilang ngiti sa isat isa.

"Siya na ba si Phoebe?" Pagtatanung ng lalaki.

"Yah."

"I'm Mr. Joe Aliman your dean and the admin as well. Welcome to Empress University." Inabot niya ang kamay niya sakin at kinuha ko naman iyon. Inaasahan ko na kakamayan niya ako pero laking gulat ko ng halikan niya ang kamay ko. "Our creative way to welcome our new student." At ngumiti siya sakin ng matamis.

"You can have your seat guys" at umupo si Mr. Aliman sa kanyang upuan.  Ganun din naman ang ginawa namin at tinignan ko si daddy na mukhang panatag ang kanyang aura. 'Dad magtagal na kayong magkakilala?' alam ko na maririnig ako ni Daddy ang sinabit ko sa isip ko.

"We're bestfriends. Nakakatuwa at nahanap niya ako." Masayang sagot ni Mr. Aliman. Bigla akong napalingon sa kanya at ganun din kay Daddy. Narinig ba niya ko? 

"Eto ba?" Inangat niya ang kamay niya tinuon iyon sa pintuan. Bigla itong naglock ng kusa. Isa din siyang sorcerer.

"Baka may makakita sayo Joe." Pagpipigil ni Daddy sa kanya. Tinawanan lang niya siya ni Mr. Aliman at binalik niya ang tingin sakin.

"Sorry. Nakakatuwa lang dahil its almost a decade since ginamit ko ang kapangyarihan ko. Anyway, welcome again. Kahit hindi kita kilala tingin ko kilala na kita, sa kwento palang ng Daddy mo alam ko na." Tinignan ko si Daddy at nakangiti lang ito sakin. Anung ibig sabihin ng ngiting yan?

Binuksan ni Mr. Aliman ang kanyang drawer at kumuha siya ng tatlong sobre. Inabot niya ito sakin kaya agad ko namang kinuha. Ano ang mga to?

"The red envelop contains your schedule and school map, the green one is your keys to your dorm and locker room and lastly the yellow envelop contains your atm. Dyan namin pinapasok ang mga allowance ng scholar namin dito. Meron atm booth sa loob ng university kaya hindi mo na kailangan lumabas." Pagpapaliwanag niya. Teka ako scholar?

"Scholar po ako? Paano? Hindi naman po ako nagtake ng entrance exam dito." Marahil ay kagagawan iyon ng magaling kong ama. Magbestfriend nga pala sila.

"Hindi na kailangan. A+ students and valedictorians is automatic scholar. Sorcerers are smart I believe on that it runs through our blood. Pero may maintaining grade tayo nakalagay yun sa red envelop." Pagpapaliwanag niya. Sa lahat ng valedictorian ako ang walang good moral character. Nagawa ko kasing isabit sa flag pole yung principal namin during graduation ceremony. Sinabihan nya kasi akong mangkukulam dahil natalo ko yung anak nya. "Dahil medyo late kana pumasok kailangan mong magadvance study para makahabol ka." Dagdag pa niya.

Madami pa siyang inexplain na ilang bagay at masasabi ko na masayang pakingan ang mga iyon ang problema ko nalang mga studyante dito.

"Dahil walang magto-tour sayo dito ako nalang ang gagawa nun. Akin na ang kamay mo." Inabot sakanya ang kamay ko at inumpisahan na niya akong itour.

"Salamat po." At yumuko ako sakanya. Hindi iyon isang tour na gaya ng paglalakad at pageexplain ng mga bagay-bagay, ang tour na ginawa niya ay pagpapakita ng mga lugar sa pamamagitan ng kanyang isip at pinakita niya iyon sakin. Hindi naman niya kailangan ipaliwanag pa ang mga lugar dahil may mga signage naman ang bawat isa. Parang isang mini village ang school may mga street nakasulat para madaling maatandaan.

"Your welcome. George alis na ko dahil may klase pa ko. I excuse myself. Alexa kung may kailangan wag kang mahiyang tawagin ako." At umalis na siya sa harap namin. Tumayo narin kami ni daddy at lumabas ng kwarto.

Naglakad kami ng tahimik papunta sa kotse. Kahit konti napanatag ako dahil hindi lang ako ang nagiisang nandito, I mean hindi lang ako ang naiiba dito pero kahit ganun pa man hindi ko maisip na magiging madali ang lahat para sakin.

"Dito nalang ako." Hindi ko manlang naramdaman at nakarating na pala kami dito sa tapat ng kotse. Binaba niya ang mga gamit ko, huminga ako ng malalim para mapigilan ko ang nararamdaman kong lungkot, bukod sa malalayo ako sakanya hindi ko alam kung kakayanin ko na wala sya.

"Kapag may kailangan ka. Alam mo kung paano mo ko mahahanap. Maari ka naman lumabas every weekends at susubukan ko na makapagkita tayo." Isang architect si Daddy kaya hindi na bago sakin na may project sya. Pero hindi ako sanay na malayo ako sa kanya usually kapag may project sya lagi niya kong kasama. "May tiwala ako sayo." Masarap pakingan pero isang malaking responsibilidad. Hinalikan niya ako sa noo at pumasok na siya sa kotse nya at tuluyan na syang umalis.

'Phoebe'

'Po?'

'Mahal kita. Tandaan mo yan'

Nakaramdam ako ng kapanatagan at tuwa sa puso ko ng marinig iyon. Hindi ko alam kung sobra ba kong natuwa ng sabihin iyon ni Daddy sakin pero kahit anu pa man yun wala na kong pakelam kahit  na umulan na ng snow. Katulad ngayon.

Wala naman snow sa pilipinas kaya sigurado magtataka na naman sila. Nilibot ko ang paningin ko pero parang hindi naman nakatingala ang mga tao dito sa langit. Minsan ko na kasing nagawa ito pero lahat sila napatingin sa langit pero ngayon ay iba. Lahat sila ay tuloy lang sa mga ginagawa nila na prang hindi nila nakikitang bumabagsak ang maliliit na yelo.

'Did I help you?.' Inikot ko ang paningin ko at hinanap ang ang lalaking nagsalita ng mahagip ng paningin ko si Mr. Aliman na nasa itaas na building at nakangiti ito sakin. Siguro ginawa niyang invisible yung mga snow kaya parang ako lang ang nakakita.

'Opo salamat po pasensya na.' In his one snap the snow are gone.

Sana maging maayos ang buhay ko.

The HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon