Bawal Ang Sad, 'Cause It's Christmas!

192 15 3
                                    

12-25-14

Parang kailan lang nung sumulat ako sa sarili ko. I made a list of things I want to accomplish. Mostly, hindi ko na-achieve this year, but some, I’m thankful that I got to achieve them. May sign pa nga ako na hiningi kay Lord about a certain thing. 19 days na lang ‘yung natitira pero hindi pa din pinapakita sa akin.

Grabe parang kailan lang nung huling pasko. Ngayon, ito na, pasko na naman. Parang kailan lang nung may countdown pa, kasi nag-start na ‘yung Ber-months. We’re counting down the days before the Christmas Day, at ngayon eto na nga. Parang dati, sinasabi mo pa, “Haay, malapit nang mag pasko.”

Ang bilis ng panahon. May mga bagay na hindi na-achieve meron ding na-achieved. Pero okay lang. Hindi naman natatapos ang pasko. Ang kagandahan dyan. Every year may pasko, actually araw araw nga ‘di ba dapat pasko?

Para din ‘yung mga bagay na gusto natin na makamit sa buhay. Kung iisipin mo, parang ang tagal tagal dumating nung mga bagay na hinihingi mo. ‘Yung pinapanalangin mo bawat umaga at gabi. May ibang tao na mas maaga nilang nakuha, pero ‘yung sa’yo ang tagal. Nakakainip. Parang minsan susuko ka na.

But just like Christmas, naisip ko na parang dati 100 days before Christmas pa lang, ‘yung ang layo pa. Pero ngayon, nandito ka sa araw na ‘to ang you’ll say to yourself, It’s Christmas.

Siguro ngayon 100 days before o kaya naman 30 days, o 10 days, o malay mo bukas nab ago ‘yung pinakahihintay mo. Dadating na lang ‘yun ng hindi mo inaasahan. You’ll smile and would think, that God’s timing is everything. And no, it’s not just love life I’m talking about. Lahat ng bagay na gusto mong maasam. Ang kagandahan dyan, kahit lumipas ‘yung isang pasko, alam mong next year meron pa, at sa mga susunod na mga taon.

It’s Christmas! Bawal ang long face, and just as the popular saying, bawal ang sad, dapat happy. It’s seems to be funny to hear, but it’s true. Good things come to those who wait. Sa tagal ng paghihintay mo, isang araw ibibigay sa’yo ng Diyos ang isang kahon na puno ng surpresa, all wrapped in a beautiful wrapper with a ribbon.

So, smile! Marami tayong dapat ipagpasalamat. Hindi lang material na mga bagay. Yes, maaring lumagpas ang isang pasko na hindi pa rin dumarating ang hinihintay mo, but it doesn’t mean you don’t deserve to be happy. ‘Wag mong palagpasin ‘tong pasko at taon na ‘to na hindi ka masaya.

Smile. God has so much in store for you.

Merry Christmas! Let us all eat, pray and love! :)

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon