Tadhana (Dear Penguin)

74 4 0
                                    

11-02-16

Dear Penguin,

Buhay ka pa pero naalala kita today. Weird kasi All Soul's Day, 'no? Anyway, naisip ko lang na sana mahaba 'yong pasensya mo. Na-realized ko medyo maiksi pala 'yong pasensya ko towards things. Kahapon nga no'ng umakyat kami sa bundok, akala ko maiiyak na ako sa pagod. Ang sakit ng legs ko, Penguin. Tapos naisip kita.

Sabi ko, sana into this kind of activity ka. Para may kasama akong pro kapag sumubok ako uli. Tipong alam kong may naghihintay sa akin at nagc-cheer habang nagra-rapel ako pababa o tumatawid sa gilid ng bundok. Yung may hahawak sa kamay ko habang naglalakad. May masasandayan ako ng ulo habang nasa camp site. May mago-offer na pasanin ako kapag hindi ko na talaga kaya. Tapos hindi ka magagalit kahit nabubugnot na ako sa pagod kasi mahaba yung pasensya mo.

Demanding ko ba? Iniisip ko kung may gano'n pa bang lalaki. Ang palad ko kasi ikaw na yata 'yong natirang ganyan. Haha.

Sana naiisip mo rin ako. Hindi ako makatulog tapos ikaw naisip ko. Sana ako din naiisip mo. Hindi ko alam bakit ito 'yong title ng entry na 'to. Siguro kasi ikaw yan at naisip ko ang Sagada dahil sa bundok. Lol.

Good morning, Penguin.

Naghihintay,

Mic

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon