Retro Self

214 15 4
                                    

11-14-14


Lately, nag-download 'yung mga Ate ko (one is 23, other is 25), nang mga bagong kanta ni Taylor Swift from her latest album. I do love Taylor, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagtangkang mag bluetooth ng kahit isa man lang na kanta niya mula sa mga kapatid ko. 

Last saturday, sinumulan kong basahin 'yung Attachments ni Rainbow Rowell. Novel 'yun na ang setting was late 90s and early 2000. Kilig na kilig ako sa kwento na tipong kahit ilang araw na ng matapos kong basahin, hindi pa din ako maka-recover mula sa kilig. Simple lang naman 'yung story, pero gusto ko lang 'yung concept. Pati 'yung setting. Dun ko din na-discover 'yung latest favorite ko (one of the many favorites), na Here's Where The Story Ends ng The Sundays. Favorite 'yun nung female lead character sa story. I think, late 80s yata 'yung kanta na 'yun. Pero nagustuhan ko. Paulit-ulit ko pang pinakikinggan, Mostly din sa playlist ko, tracks from The Beatles. 

Two months na lang, I'll be turning 21. Still young (syempre naman! Haha) pero feeling ko, mas ahead na 'yung mga gusto kong bagay. 

Mostly of my friends/batchmates were already finished with their degrees, passed the boards, at mga nagta-trabaho na. Madalas sa facebook, puro photos at status about work na ang laman ng newsfeed ko. Iba na 'yung ginagawa nila, iba na 'yung environment, and priorities. 

Minsan, 'pag makikita ko 'yun, hindi ko talaga maiwasang hindi malungkot. 

Hindi naman sa hindi ako masaya sa kung anong ginagawa ko sa ngayon, pero kasi hindi na ganu'n ka-intense 'yung nararamdaman ko bilang estudyante unlike my early years in college. Siguro nga kasi karamihan sa mga kaibigan at former classmates ko (elem, high school, college), nagta-trabaho na. 

Feeling ko kasi, very limited 'yung experience ko. Naisip ko nga, natapos 'yung teenage life ko nang wala man lang sobrang daming nangyari. Two months, madadagdagan na naman 'yung edad ko, pero feeling ko ang dami kong gustong gawin, pero ang konti pa lang ng nagagawa ko. 

I want to discover more things, experience new things, meet new people. 

Gusto kong matuto ng marami pang mga bagay, Things that would make me grow as an individual. As a 20 year old lady. 

Pero alam kong hindi naman ako makakarating sa next level kung hindi ko dadaanan 'yung levels prior to that. Sa ngayon, makatapos ng pag-aaral ang gustong gusto kong makamit, very soon. 

Wala pa ako sa kalahati ng lahat ng gusto kong marating, pero alam ko ring hindi ako malayo sa pag-abot nun. Malapit na. By God's grace, 

Haay. 

Baka bukas o sa isang araw. O baka sa birthday ko mismo. 

Alam kong may magandang bagay na parating. :)

(Iba talaga ang senti kapag throwback 'yung mga kanta na pinakikinggan mo. Haaay. Sorry just the retro self speaking.)

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon